Meant.to.be.
Naiinis ako sayo.
Ikaw ang kauna-unahang taong pinagbigyang kong muling makapasok sa buhay ko pagkatapos kung maglagay ng napakataas na harang sa matagal na panahon na huminto yung mundo ko.
Nagtiwala ako na sa pangalawang pagkakataon, hahayaan ko na ang mga taong gusto akong makilala. Aalisin ko na ang takot at kaba na bumalot sa pagkatao ko nung mga panahong hindi ko na makilala ang sarili ko. Natutunan ko ng ngumiti sa maiksing panahon na binigyan tayo ng pagkakataon magkakilala.
Pero bakit sa isang iglap nagbago ka, nung sa isang iglap na naramdaman kong nagugustuhan na pala kita. Nakakatawa lang na sa pangalawang pagkakataon wala ka rin palang pinagkaiba sa taong sumira ng pananaw ko sa salitang pagmamahal.
Isa ka lang din sa kanila na sa panlabas lang n kaanyuan sinusukatbang pagtingin sa isang tao. Ni hindi mo sinubukan na kilalanin ako ng lubusan.
Pero salamat dahil sayo, at sa taong sumira ng puso ko, alam ko na hindi pala dapat ganun kadali magtiwala sa isang tao, nde pala dahil sa magkasundo kayo sa ibang bagay at sinabing meant to be kayo in the first place yun ang totoo.
Salamat pa rin at sa ikalawang pagkakataon, iniligtas niya ako sayo. Inilayo nya ako dahil alam nyang sasaktan mo lang din ako.
Madalas mo ngang sabihin na Meant to Be tayo, tama ka, were meant to known each other but not meant to be together.
Im glad i've known you before i have completely fallen for you.
Thank you, thank you for showing me the real you.
Goodbye and May God bless you 😊
#nakedthruth7 #mynakedtruth
Please follow my social media accounts:Instragram and Twitter : @nakedthruthph
Facebook: @neyked.truthph
YOU ARE READING
My Naked Truth!
RandomPlain and unadorned facts, without concealment or embellishment. The complete truth.