Prologue

13.5K 125 14
                                    

Tumatakbo, umiiyak, at hinihingal. 'Yun ang nararamdaman ni Ella. Para bang ay siya ay nasa isang bangungot. Pilitin niya mang bilisan ang kanyang pagtakbo ay para lamang siyang lumulutang, walang bigat ang kanyang mga paa, at ang humahabol sa kanya ay papalapit nang papalapit.

Hindi niya kilala kung sino ang humahabol sa kanya, pero tiyak niyang hindi maganda ang mangyayari pag naabutan siya nito.

Nasa isang madilim at tahimik na kalsada sila. Sa magkabilang banda ay pawang mga palayan lamang, at mistulang malayo pa sa kanilang kinaroroonan ang bayan.

Nawawalan na si Ella ng pagasa.

Maya maya pa ay may narinig siyang pag andar ng motor. Tanging ang liwanag lamang ng buwan ang nagbibigay ilaw sa napakadilim na kalsada. Ang pag tunog ng motor ay lalo lamang nagpakaba sa disisais anyos na dalaga.

Pinilit niyang tumakbo nang mas mabilis, pero dahil sa pagkataranta ay nadapa siya. Nasugatan ang kanyang mga siko at tuhod, at ramdam niya ang hapdi ng mga ito. Ang tunog ng motor ay lalo lamang lumalapit. Sinubukan niyang huminga ng malalim, na para bang ramdam na niya ang kanyang nalalapit na katapusan.

Pinilat niya pa ring tumayo, ngunit sadyang pagod na pagod na siya at duguan.

Lalong lumapit ang tunog ng motor. Kasama nito, ang malalakas na yapak ng taong humahabol sa kanya.

Pagharap niya ay nakita niya ang isang lalaki; nakasuot ito ng damit na tila ba ay isang pari sa mga makalumang panahon. Isa pang nakakuha ng pansin ni Ella ay ang kakaibang kwintas na suot nito: maliit na bungo ng hayop na may sungay. Hindi niya ito lubos na mawari dahil na rin sa dilim.

At ang motor na kanina pa niyang naririnig ay isang chainsaw dala-dala ng lalaki.

Sa nakita ay mistulang tumigil ang mundo. Lalong natakot si Ella nang simulan nang iangat ng lalaki ang chainsaw at waring gagamitin sa kanya.

Napasigaw si Ella at napaupo sa kanyang higaan.

Ang mga balahibo sa buo niyang katawan ay nakatindig, ang kanyang buhok at batok ay pawisan, at ang mga mata niya ay luhaan.

Bangungot. Bangungot na naman, napaisip siya.

Pero sa pagkakataong ito ay mistulang hindi lamang basta bangungot ang nangyari.

Pagtayo ni Ella sa higaan ay nakita niya ang bakas ng mga dugo rito.

Ang kanyang siko't tuhod ay may mga sugat, na para bang nangyari talaga ang kanyang bangungot.

"P-panong..?" at mula siyang napasigaw.

Santa Monica: A Filipino Ghost StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon