Sadyang napakainit ng araw nang dumating ni Olivia sa Santa Monica. Hindi niya mapigilan ang mairita nang kaunti, pagkat naalala niya ang lugar na kanyang nilisan dahil sa panahon. Pati ba naman dito, mainit?, sabi niya sa kanyang isip.
Si Olivia ay isang 26-year old banker mula sa Maynila. Nanggagaling pa lamang siya sa isang masamang hiwalayan, at isa 'yun sa mga dahilan kung bakit niya naisip na magpakalayo-layo muna.
"Ma'am, tulungan ko na po kayo." Sabi ng trycicle driver na naghatid sa kanya sa kanyang magiging tuluyan.
"Salamat ho." At binuhat ng driver ang mga gamit ng dalaga, na halos limang malalaking mga maleta.
Ito ang unang beses ni Olivia sa bayan ng Santa Monica, at hindi niya maiwasang masabik na makapunta sa isang lugar na bago sa kanya, at kung saan walang nakakakilala sa kanya.
Ang bahay na tutuluyan ni Olivia ay isang malaking ancestral na tahanan na umano'y dating pag-aari ng isang Gobernador-Heneral noong panahon ng mga Español.
Nahanap ito ni Olivia sa internet. Pinili niya itong rentahan kahit na may kamahalan pagkat napaganda ng bahay; maluwag at mahangin din ito. Perpekto upang maibsan ang init ng araw.
Maliban sa katangi-tanging ganda ng istruktura ng tahanan ay may hardin pa ito. At sa 'di kalayuan ay tanaw at pwede ring lakarin lang ang dagat.
Hindi pa alam ni Olivia kung hanggang kalian siya mananatili sa Santa Monica. Pero dahil sa ganda ng bahay ay mukhang mapapahaba ang kanyang bakasyon. Plano rin niyang magsulat ng nobela, at mukhang mapapadali rin ito dahil sa presko at tahimik na kapaligiran.
Sa kanyang paglisan sa lungsod ay pinutol din ni Olivia lahat ng komunikasyon niya sa mga kakilala. Isinarado niya ang kanyang Facebook, nagpalit siya ng cellphone number, at plano rin niyang 'wag munang buksan ang kanyang email sa mga susunod na linggo o buwan.
"Magandang tanghali ho," bati ng isang matandang babae na kalalabas lamang mula sa bahay. "Ako po pala si Rosing, ako po ang caretaker ng bahay."
"Magandang tanghali rin po, Aling Rosing. Ako po si Olivia, Olivia Montes." Sagot niya sa matanda, sabay ngiti.
"Tara ho, pasok na ho tayo." Sabi ni Aling Rosing, sabay dukot ng mga susi mula sa bulsa ng kanyang duster.
Pagpasok sa gate ay mistulang nang iimbita sa ganda ang hardin. May mga rosas, santan, daisy, mga cactus, at iba pang halaman. Ang lupa ay balot rin ng napakaganda at napakaluntiang Bermuda grasses.
Bagamat ay halos nakita na ni Olivia ang kabuuan ng bahay mula sa mga larawan nito sa internet page kung saan niya ito natagpuan, namangha pa rin siya sa itsura nito.
"Eto po ang sala. Maganda po itong bahagi ng bahay para po kung may mga bisita kayo, o kahit kung gusto niyo lang din pong mapag-isa. Kumpleto na po rito." Sabi ni Aling Rosing pagpasok nila sa bahay.
Nasa pangalawang palapag ng bahay ang sala. Mula sa gate, may kaunting ispasyo bago ang batong hagdaan, na pag-inakyat ay patungo na sa malaking pintuang kahoy, kung saan ay sala ang sasalubong sa mga tao papasok dito.
Manghang mangha si Olivia kung paano napanatili ang mala-Español na pakiramdam ng bahay. Pakiramdam niya ay nagbalik siya sa mga panahon ni Crisostomo Ibarra.
Ang sahig ay gawa sa matibay at napakagandang kahoy. Ang mga bintana ay maka luma rin, malaki, at maaliwalas. Ang mga kurtina ay sumasayaw sa tila ba'y masayang musika ng hangin na ang mga ito lang ang nakakarinig.
"Napakaganda ho rito. Nakakapagtaka lang kung bakit hindi piniling tumira dito ng mga may ari. Nasaan nga ho pala sila?" tanong ni Olivia habang sinusuri ang bago niyang kapaligiran
![](https://img.wattpad.com/cover/1601445-288-k389392.jpg)
BINABASA MO ANG
Santa Monica: A Filipino Ghost Story
TerrorSanta Monica is a small town that was once covered by darkness no one saw coming. An evil being set foot in the town thirty years ago. And with his presence, the dead seemed to have come back. But the evil entity lost his first battle, but not witho...