Alas dose ng tanghali, Martes.
Isang binatang lalake ang nag lalakad sa isang liblib na daan. Ang araw ay tirik at ang panahon ay ubod ng init, ngunit ipinagkikibit balikat lamang ito ng binata. Kagagaling lamang niya sa paaralan, ngunit plano niyang hindi na bumalik para sa mga panghapon niyang klase.
“May mga bagay na mas mahalaga akong gagawin kaysa magpanggap na isang high school student.” Bulong niya sa sarili, nakangiti ito at pasipol sipol pa habang naglalakad na tila ba ay may isang bagay siyang gusto na malapit niya nang makuha.
“Lahat ng mga plano ko ay matutupad. Kailangan ko lamang mag alis ng konting mga sagabal upang masigurado ang tagumpay ko sa pagkakatong ito.” Sabi niya, sabay tawa ng malakas.
***
Alas dos ng hapon ng bumalik si Dr. Mark sa ospital.
Napansin ng mga nurse at hospital crews na nakangiti ang doktor habang naglalakad na para bang kasisikat pa lamang ng araw matapos ang napaka-bigat at napaka-habang tag ulan.
“Oh, Dr. Mark, parang ang saya mo ngayon ah?” tanong ni Tina, isang nurse.
Pumasok ang doktor sa nurse’s station at umupo muna para makipag usap sa mga katrabaho. Ang ilan sa mga nurse ay kumakain pa lamang ng kanilang tanghalian.
“Ano meron?” isa pang nurse ang nagtanong.
“Wala, may nakilala lang ako. Isang bagong kaibigan.” Nakangiting pagsagot ng doktor.
“Asus, kaibigan raw. Kung kaibigan lang yan na bago mong kakilala, eh andito naman kami. Bat hindi ka ganyan kasaya araw araw?” sabi ni Tina. Nagtawanan ang mga nurses sa lounge.
“Hoy, hoy, tigilan niyo nga si Dr. Mark. Minsan lang yan magka apple of the eye, niloloko niyo pa.”
“Oy! Anong apple of the eye!” sabi ng doktor. Lalong lumakas ang tawanan sa lounge.
Bahagyang tumigil ang tawanan ng pumasok ang isang lalakeng nurse. Si Raymond.
“Dr. Mark?” sabi ni Raymond na tila ba ay nakakita ng multo.
“Ano meron, Raymond?” nagtaka si Dr. Mark.
“Kadadaan ko lang sa kwarto mo ah, parang may naririnig akong mga nag uusap. Kala ko nga may mga kasama ka eh.”
“Ha? Paano mangyayari yun eh kararating ko lang?”
Nagkatinginan ang mga nurses sa lounge.
***
Tuwing tanghali ay mag isa lamang si Steve sa kanilang tahanan. Yun ay dahil sa pinipili na lamang ni Lola Perla na sa pwesto nila sa palengke mananghalian dahil na rin sa malayo-layo ang kanyang bahay mula sa merkado. Ang mga paninda nila ay mga sari saring sangkap na pangluto. Dahil sa medyo mas mababa ang presyo ni Lola Perla sa iba ay hindi na rin nakakagulat kung bakit marami silang mga suki.
Dahil palaging matao sa palengke ay may napansin si Lola Perla. May kakaiba sa mga taga Santa Monica sa araw na iyon. Simula pa ng buksan ni Lola Perla ang kanyang pwesto ay napakarami na niyang kwentong naririnig.
Mga kwentong weirdo, kababalaghan, katatakutan, at kung ano ano pang mga kakaibang mga bulung-bulungan. Mayroon pa nga siyang isang matandang babaeng narinig na nagsabing “...mga senyas yan na malapit na ang katapusan ng mundo.”
Bagamat ay hindi masyadong mapag-paniwala si Lola Perla ay hindi niya pa rin mapigilang kabahan sa mga naririnig.
Ang pulang buwan, ang mga weirdong kwento…ano ang kasunod? Nangyayari na ba ulit sa Santa Monica ang mga bagay na nangyari dito tatlong dekada na ang lumipas?
![](https://img.wattpad.com/cover/1601445-288-k389392.jpg)
BINABASA MO ANG
Santa Monica: A Filipino Ghost Story
TerrorSanta Monica is a small town that was once covered by darkness no one saw coming. An evil being set foot in the town thirty years ago. And with his presence, the dead seemed to have come back. But the evil entity lost his first battle, but not witho...