Chpater 1

288 3 0
                                    

HI guys. this is my first work. i dont know king magugustuhan nyo. pero i wish you will.

thank you in advance sa mga magbabasa. and sorry for typographical error.

hope you enjoy it.

Thank you

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - --

Jesshiea’s POV

“Anong oras na ba? Bakit wala pa ang mokong na yun? Late na naman sya!!!!! Dapat sa kanya binibigyan ng malaking orasan para di sya nalalate sa mga usapan.”

“Relax ka lang Jess. Sobrang init ng ulo mo.” Ang sabi ni John.

"Baka naman kasi sinundo pa nya ang bago nyang gf.” Si Nicole.

“Jusme….dapat dun na lang sya natulog sa bahay nung babaeng yun para di sya huli ngyaon!!!”

“Jess, hayaan mo na. dadating din yun. Wag kang excited..:)

“kuya Rimas, mahigit 2 oras na nya tayong pinagiintay. Ginawa na nga nateng 7 ang usapan kahit 9 pa dapat para sa kanya. Dahil alam nateng ubod sya ng kupad kumilos. Pero ano, late pa rin sya… sino ang matutuwa nun sa kanya? Waaaaaaaah. I hate him…”

“hate nga ba gurl? Baka naman miss mo na si zeke…”

“Hon, wag mo ng lokohin si jess. Sira na nga araw. For sure mas masisira araw nyan pag nakita nya ang gf ni insan…” si rimas ke nancy.

“waaaaaaaah…..bakit ba hanggang ngayon insan pa rin ang tawag mo sa mokong na yun..may I remind you KUYA RIMAS, ako ang pinsan mo at hindi ang hinayupak na yun. At pwede ba..di na ko ampalaya no.” Pagbibigay diin ko sa salitang kuya. Baka sakaling maalala nya na ako ang kadugo nya at hindi ang herodes na yun.

Nagtawanan na lang ang barkada. Haaaaay. Bakit ba ako binigyan ng barkadang katulad ng mga to..sobrang mang-asar..sobra kung pagtulungan ako.

Ay nga pala. Ako si kristia jesshiea villamor. 24 yrs old. At kasalukuyang nagtratrabaho sa isang Manning Company. Meron din kaming itinayong business na magkakabarkada. Dahil mahilig kami sa kape, we decided to have a coffee shop. At ngayon nga,, it’s our friendship’s anniversary. It’s been 4 yrs since naging magkakakilala kami… unfortunately.. hahahahaha..

si john at zeke ay engineers. Pareho silang nasa isang semi-conductor company. Si Nicole naman ay isa ding HR Personnel. While ang magaling kong pinsan na si Kuya Rimas ay isang nurse sa abroad. And he’s here just for our 5-day trip to boracay and bohol to celebrate our friendship. Sophia is in dubai. For the first time, hindi sya sumama sa pagcelebrate ng friendship day namen. Busy daw kasi sya kasama ang bf nyang si Robi sa pagaasikaso ng business nila dun.

Haaaaay. Kakainip maghintay. I hate waiting.  Bakit kasi me pinanganak na napakahilig magpalate!!! 2 hrs na kaming pinagiintay ng lintik na lalaki yan. Wala syang kwenta. Makapakinig na nga lang ng music…

Zeke’s POV 

“waaaaaah..anong oras na.? 8am na. late na naman ako.. me flight nga pala kami ng barkada. Patay na naman ako nito sa mabubungangang si Jess. For sure isang katerbang mura na naman ang aabutin ko dun.”

Ako nga pala si zeke. Ang gwapong gwapong si Christian  Ezekiel Lopez. Hehehehe.. kidding aside, hindi totoo ang mga lait saken ni Jess. OA lang talaga sya paminsan. Sorry. Madalas pala. Kung baga sya ang machine gun ng barkada. Hahahahahaha..

Late ako as usual. Pero I have valid reasons. I had a meeting with my boss until 9pm last night. Plus I had to meet a prospective client  for the expansion of our coffee shop. Kaya pagod na pagod ako. Valid naman di ba?

“Darling…” sabay yapos sa bewang ko.

Hehehehe.. sige na.. I’m a healthy man. Isa din sya sa reason  kung bat ako nalate. Sorry guys.. J

“sassy, wake up. We have a flight to catch. Galit na ang barkada for sure. We need to be there  before 9am.” Sabi ko ke sassy na mukhang walang balak bumangon.

“sweet, pwede bang wag na tayong sumama?”

“sassy, napag-usapan na naten to di ba? Di ako pwedeng mawala sa anniversary ng barkada. If you don’t want to come, you can stay here. Me, I’ll take a bath.” Naiinis kong sabi sa kanya. Late na nga ako, di pa ako sasama? Di pwede.. gusto nya bang igisa ako ni Villamor?

“darling naman. Ok. Let’s take a bath together. Para mas mabilis.”

Then we went to the bathroom. Ooooppps guys.. wag green ang utak. Super late na kami. Kaya di na pwedeng gumawa na kababalaghan. Hehehehehehehe..

Sumatotal, dumating kami ng airport 15 minutes late sa usapan. Malayo pa lang, kita ko na ang mukha ni Villamor. Patay na naman ako….

You Will Be Mine AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon