bakit nga ba sobrang mapang-asar ang mga lalaki? pag sila naman ang inasar mo ang bilis magalit..
alam na nga nilang pikon ang mga babae, pero tuloy pa rin sila.can't they shut their mouth kung mang-aasar din lang sila?
ang mga lalaki talaga
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Jesshiea’s POV
Kaasar talaga yang ZEKE na yan. Ayoko na talaga syang kausapin. Ang dami nyang nasabi. Haaaay naku.. bahala na sya sa buhay nya.
“gurl, wag na mainit ang ulo mo. Papanget ka nyan.” Sophie
“naku gurl, kung narinig mo lang mga sinabi ng lintik na lalaki yan. Kahit kaw iinit ang ulo mo.”
“oo nga gurl. Pero masanay ka na lang sa kanya. Talaga namang mapang-asar yang si Zeke. Parang di mo sya kilala..” Nicole.
“haaaay. Hayaan nyo na nga lang yun. Tawagin nyo na ang mga kumag at tayoy kumain na para makapag bar na tayo maya maya. Hahanap ako ng lalaki dun para maniwala na kayong ok na ko.”
Nagkatinginan yung dalwa na parang sinasabing “weh di nga”. Tsk. Me ex ka ng sobrang maoang-asar, me barkada ka pang mang gagatong. Grabe lang talaga. Prince charming of my life, please dumating ka na at iligtas mo na ko sa kamay ng mga kabarkado kong to. Heheheeh
Tinawag na nga nila ang mga lalaki na kasalukuyan palang naglalaro ng Kinect. Kakain na kami ng dumating si Sassy. Sa wakas, hindi na saken nakatuon ang atensyon ni Lopez. Nakakaasar kasi sya.
“Hi sweety. San ka galing?” humila ng silya si Zeke para ke Sassy.
Humalik si Sassy sa pisngi ni Zeke. Bakit parang ayaw kong Makita yung part na yun?
“naglakad lakad lang. bumili na din ng mga souvenir. I bought something for you. Iniwan ko na sa room naten. “ Sassy
“sweet nyo naman. Namimiss ko tuloy baby ko.” John
“kaw hon, me nabili ka na ba para saken?” Kuya Rimas
“inggitero. Pano ako makakabili eh magkasama tayong natulog sa kwarto.” Nicole
“natulog nga lang ba?” Robi
“babe, nahawa ka na ke Zeke. Tsk. BI ka Zeke.” Sophie
Yan na naman sila. Di ba nila nararamdaman na naiinggit ako. Haaaaay. Kelan ka ba dadating? Naiinip na ko eh..:( sino bang di maiinggit sa mga to.. ang sweet sweet nila. Tong si john kahit wala si Cynthia panay naman nag tawagan nilang dalwa. Parang di din nawala si Cynthia sa event. Haaaaaay. Dadating ka pa ba?
Natapos ang dinner na tahimik lang ako. Nawalan talaga ako ng gana sa pinagsasabi ni Lopez. Naasar ako to the highest level. Pero buti na lang di napansin ng barkada kasi busy sila sa mga kasweetan nila. Nung inopen namen ang mga pasalubong nina Sophie and Robi, sobrang ingay nan amen. Hahaha.. para kaming mga batang nabigyan ng candy.
“Sophie, thank you. Sa kuripot mong yan binigay mo lahat ng hiling namen..” John
“oo naman. Pero alam nyo ba habang naghahanap si babe ng mga yan panay ang reklamo. Kesyo wala bad aw kayong pambili at kelangan sya pa ang bumili. O kaya naman bakit kelangang sa Dubai pa namen bilhin ang lahat eh meron naman dito. O kaya ang mamahal naman ng gusto nila. Pero sa dami nyang sinabi, wala naman syang nakaligtaan. Ito talagang babe ko mana sa inyong dalwa.” Sabay tingin sameng 2 ni Nicole.