BWCT 14 ; How to get his attention?

167 11 0
                                    

"Hi sweetie! How’s your sleep? Nakatulog ka ba ng mahimbing habang nasa guest room mo ako? Hindi man lang ba sumagi sa isip mo na pasukin ako sa guest room?" 

Habang naglalakad lakad kami sa hallway ng school building ay nadaanan namin ang room na kasalukuyang tinatambayan ni Kris kaya walang pakundangang pumasok ako at iniwan si Yshie sa labas.

Nakita kong namula ang mukha nito and I can't believe it. Si Kris Gatchalian, Nagblush? OH MY GOD!

“Wow, Daebak!! Nagblush ang sweetie ko!”

“You’re really annoying! My name is KRIS and Im not your f*cking sweetie!” Singhal nito sabay tayo palabas ng room.

“Hey, are you embarrassed that I’ve seen you blushed? Don’t be! Its kinda cute!” Pahabol kong asar.

“F*ck!” Tinadyakan nito ang isang upuan at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Nangalumbaba ako sa desk ng upuan.

“Sungit! Nagmemenopause ba siya? Tss,” Umismid ako.

“Hoy Chaeri Mische! Diyan ka nalang ba forever?” Dumungaw sa pinto si Yshie.

“Oo, dito muna ako but not forever!! Sige na mauna ka ng umuwi, Uupo lang ako at maya maya ay hahanapin ko si Chimi,”

“Okay, Babye,”

Nilabas ko ang phone ko. Tinawagan ko si Chimi.

“Nasaan ka?”

“Nasaan ka rin?” –Chimi

“Bat binabalik mo ang tanong ko?”

“Oo nga, Bakit ko binabalik ang tanong mo?”

“Niloloko mo ba ako?!”

“Oo,”

“Huwag kang uuwi sa mansion ngayon ha?!” Tumaas ang boses ko. Hinahigh blood ako ng babaeng ‘to.

“Dejoke lang Ate Chae, Nandito ako sa Disciplinary office,”

“Anong ginagawa mo jan?!”

“Katatapos lang akong sermunan ng matandang kalbo dito,” Tukoy nito sa disciplinary officer ng trouble academy na siyang kalbong teacher namin ni Yshie.

“For what reason?”

“May nginudngod ako sa semento na haliparot, Imagine harap harapang hinalikan si Mint!!” Biglang tumaas ang boses ni Chimi sa kabilang linya.

“Wow, really? Uso pala sa school na ‘to ang discipline? Oh anong ginawa mo kay Mint pagkatapos siyang halikan?”

Boys Who Causes Troubles [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon