BWCT 17 ; Half sister's encounter

131 9 0
                                    

Nahinto ako sa paghakbang papasok sa sala ng mansion ng may makita akong babae na prenteng nakaupo.

"May bisita ka ata ate chae?" Nilingon ko si Chimi na kasunod ko sa pagpasok.

Nakakunot ang noo na nilapitan ko ang babae at tinignan mula ulo hanggang paa.

"Excuse me, Who are you?" Tinaasan ko siya ng kilay. Imbes na sumagot ay tinaasan niya rin ako ng kilay.

Aba't may attitude si Ate! >_<

"EXCUSE ME? ARE YOU DEAF?! SHOULD I USE SIGN LANGUAGE?!" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko.

Pero mukhang hindi parin effective dahil dinedma parin ako ng bruha at kinuha pa ang magazine na nakalagay sa gilid at binuklat. Bastos!

"YAYA MILING!!" Pasigaw na tawag ko sa isa sa mga maids ng mansion. Humahangos na dumating ito.

"Senyorita, Bakit ho?"

"Sino 'tong stupidang babaeng 'to?" Tanong ko sabay tinuro ang babae. Pabagsak na ibinaba nito sa table ang magazine na kanina lang ay binubuklat at tinapunan ako ng matalim na tingin.

"Naku ma'am.. Hindi ko po alam.. Kasama po siya ng Daddy nyo na dumating umakyat lang po ang Daddy nyo para magbihis,"

"What? Nandito na si Daddy? Ang aga naman?!"

"Hindi ko rin ho alam eh.. Sige po babalikan ko lang yung niluluto ko sa Kusina," Agad na umalis ang maid. Tinignan ko ulit ang babae.

"Tatanungin ulit kita.. Sino ka at bakit ka nandito?"

"You should ask your Daddy," Ipinagdiinan nito ang word na 'Daddy' at umismid.

Hindi ako makapaniwala!

"Chimi, Umakyat ka sa taas.. Tawagin mo si Daddy! Sabihin mo kapag hindi pa siya bumaba ay baka datnan niya ang "bisita" niya na nilulunod ko sa pool,"

"Okay, right away!" Tumakbo paakyat sa hagdan si Chimi.

"Ang laki ng mansion niyo, I think it'll be comfortable to stay here," Ngumiti ng makahulugan ang babae.

Napagasp ako ng may pumasok sa isip ko.

"Are you my father's mistress?!!" Bulalas ko na sakto namang narinig ni Daddy na pababa.

"Chaeri Mische!! What the hell you just did say?!" Galit na sabi ni Daddy.

Pagalit na tinignan ko ang babae na ngumiti ng paismid sa akin.

"Sino ba yan?!"

"Stop pointing your finger on your sister!"

Boys Who Causes Troubles [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon