BWCT 20 ; He made me cry

141 8 0
                                    

“Ate,” Nagising ako sa pagyugyog ni Chimi.

“Hmm,”

“Bakit dito ka natulog?”

Napabalikwas ako ng bangon. Naramdaman niya ang sakit ng likod sa biglang pagbangon niya. Shizz, Sa sofa pala siya nakatulog!

“Ate, Tara nagluto ako ng breakfast kain tayo,” Yaya sa akin ni Chimi.

“Sige, Maliligo lang ako,” sagot ko sabay tayo at tuloy sa banyo ng kwartong okupado ko.

Minadali ko ang pagligo dahil sa gutom. Nakalimutan kong magdinner kagabi kaya siguro gutom na gutom ako.

Agad akong nagpunta sa dining table para kumain pagkatapos magbihis.

Naabutan ko si Chimi na busy sa pagpapack ng food sa isang lunch box.

“What are you doing?” Tanong ko sa kanya.

“Ah, Ibibigay ko sa boyfriend ko,” Sagot niya. Dahil sa sinabi nito ay may pumitik na ideya sa isip ko.

“Hmm, Pwedeng makahingi? Madami naman yan eh,”

“Sure, marami naman akong niluto,”

“Okay!” Napangiti ako. Dadalhan ko ng breakfast si Kris. ^____^

Tinapos ko lang ang pagkain ng breakfast tsaka niready ang food na niluto ni Chimi.

Ngiting ngiti akong lumabas sa unit ko para pumunta sa unit ni Kris.

Nang makarating ay sunod sunod akong nagdoorbell sa isa sa mga pinto sa floor na iyon.

Lalaki na mukhang malaki ang galit sa mundo ang nakita ko pagbukas ng pinto. As usual, He’s really Kris. Hindi siya si Kris kung hindi siya nakakunot o galit.

“Yoohooo! Sweetie! Dinalhan kita ng breakfast!” Masiglang sabi ko. Kinaway kaway ko ang kamay ko na walang hawak nang mapansin ang pagkatulala ni Kris.

Natulala ba siya sa beauty ko? Oh, well.

“Hey!” Nagtataka na ako sa ikinikilos niya ng hindi parin siya kumilos. Ang inaasahan ko kasi ay sisigawan niya ako pero heto at nakatulala lang siya at may kung anong tinitignan sa likod ko.

Nang mapansin kong may kung ano nga itong tinititigan sa likod ko ay nagtatakang lumingon ako. Napakunot ang noo ko ng makita si Janella. The half-sister.

What the fuck is she doing here?! Paano niya nalamang nandito ako? Pinasusundo ba siya ng Daddy niya?! No, Hindi siya uuwi!

“Hey, Bitch.. What are you doing here?” Maaskad kong tanong sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Nakipagtitigan pa sa sweetie ko! >_<

Boys Who Causes Troubles [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon