BWCT 1 ; When Chaeri Meets Kris

915 21 8
                                    

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or  by any means without prior consent or permission of the author. PLAGIARISM is a CRIME.  © GirlWhoCauseTrouble 2014

CHAPTER ONE

Make-up, Check.

Red nails, Check.

Braided hairdo, Check.

Louis Vuitton bag, Check.

Chiffon deep pink dress, Check.  

All in all appearance, Check na check.

"Oh my, gorgeous me! i'm really perfect and that's what I got for being fashionable." A big smile formed in my pinkish lips and I winked on my own reflection in front of the mirror.

But wait, did I introduce myself to you guys? uh hindi pa? here lemme introduce my gorgeous self first. *le winks*

I am Chaeri Mische Mapagpanggap Veilmond, Been living in this world since Sept. 03, 1996, In short I am seventeen. *winks*

kung iniisip niyong MAPAGPANGGAP ako, you're thinking it wrong! I am MAARTE not MAPAGPANGGAP, got it? it's just my mother's yucky surname. *shivers*

kasalukuyan akong nasa 4th year ng pagkakalat ng lagim este pag aaral sa Veilmond University na pagmamay-ari ng aming angkan at nagpapanggap na nag aaral maigi pero ang totoo ay puro kaartehan lang ang nadedevelop sa akin doon. In short, isa akong maarteng estudentyante. *smiling like an angel*

uh, okay na ba? enough na bang introduction yon? okay im'ma go to school

I was about to grab my Louis Vuitton bag when I noticed something.

"Stupid me, My suede pure color back lace up stillettos! my gosh." I grabbed my stilletos and shouted my Yaya's name.

"Yaya!!" I let out a 'makabasag-eardrums-na-sigaw' to call out Yaya Chimininay, Ang aking ika-399 na Yaya. Yes, Yaya! As in MUCHACHA. uh, humanga kayo no? Ganyan na karami ang Yayang nagmahal at nag aruga sa akin simula nang magsimula ang aking kaartehan nung sampung taong gulang pa lang ako. Pero syempre, Hindi ba ako allowed na magjoke? Ganyan na pala karami ang hindi nakatiis sa ugali kong pang RICH ang pagiging maarte

nagkukumahog na tumakbo at pumasok sa kwarto ko si Yaya Chimininay. Sa edad na 16, Siya ang pinakabata na naging Yaya ng isang magandang katulad ko. *insert evil laugh*

"senyorita, anong nangyari?! nadapa ba kayo?! naalikabukan ba kayo?! may nakita ba kayong ipis?! senyorita ano?! sabihin nyo!?" niyugyog niya ako. Take note, May bitbit pa siyang sandok.

minsan naiisip kong hindi bagay sa muchacha na'to ang pagiging Yaya, Mas bagay sa kanyang maging artista. ANG OA EH. But, actually ang pagiging OA niya ang nagustuhan ko sa kanya kaya siguro tumagal siya ng two weeks. yeah, two weeks ko palang siyang Yaya at mukhang magtatagal pa siya basta ipagpatuloy niya lang ang pagiging OA niya ng magkasundo naman kami.

"stupid, stop shaking me." tinampal ko siya ng mahina sa noo.

"eh, bakit ka tumili?! I thought you're gonna die na!" aba, Umenglish pa ang lola nyo.

 "yeah, i'm gonna die kapag hindi mo pa sinuot sa aking 'tong stilletos ko dahil 'pag ako naabutan ni Daddy.. yari ako at kapag ako nayari, ikaw naman mayayari sa akin." At ayun, nagkukumahog niyang sinuot sa aking flawless feet ang back lace stilletos ko. 

Boys Who Causes Troubles [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon