Chapter one

90 1 0
                                    

Hi, thanks because you're gonna read this. Haha

Nasa SM ako ngayon at namimili ng mga school supplies 'Bakit kasi hindi nalang si mama ang bumili ng mga school supplies ko? Bakit ako pa?' mabuti ba kung may sasakyan ako, eh wala eh! Wala! Kaya commute, eh sa dami ba namang school supplies na dadalhin ko. Haay. 

Pumasok ako sa National Bookstore. 'Great! Punong puno' daig pa ang palengke. Sabagay malapit ng mag-pasukan 2 weeks na lang at pasukan na ng public schools at ang mga private schools naman ay syempre may kanya kanyang schedule ng pasok.

'Pano ako makakapamili ng mga notebooks nito?' napabuntrong hininga na lang ako napaka raming tao eh. Ang hirap makipag siksikan pramis! Kaya pala ayaw ni mama na sya ang bumi8li ng mga school supplies ko. Mautak din ang nanay ko!

Matapos ang pakikipagsapalaran sa mainit, masikip, matagal, nakakamatay, nakakangalay na pamimili ng supplies ko ay natapos na din ako. Buti na lang may dala akong bag pack kung wala ang dami kong bitbitin. Hay.

Bago ako makalabas ng SM eh madadaanan ang event center "Anong meron dun?" tanong ko sa sarili ko ang dami kasing tao, hay! Kaya mo 'to Fem, hindi ka naman magtatagal titignan mo lang kung anong meron.

Lumapit ako ng kaunti para makita ang nakasulat sa event center "Cooking with Do family" Do? Do family? Naririnig ko yung apelyido nila, yes. Sikat ata sila pagdating sa pagluluto, yung father ata ay main chef ni Obama, tapos yung mother ata ay commercial business cooking, hindi ko lang alam kung ano namang trabaho ng anak nila, hindi ko pa nakikita eh.

At dahil alam kong masasarap ang luto nila ay nagtyaga akong lumapit sa event center. Ikinagulat ko at ikinasaya ang nakita ko isang malaking banner "Free taste" hindi ko na pinansin na nahihirapan ako sa pagdadala ng mga supplies ko at dali daling lumapit sa isang mahabang table.

Omo! Totoo ba 'to? Free talaga? Tapos luto pa ng Do family? I cannot believe this! Wah! Pero napansin kong hindi pala yung pagkain ang pinagkakaguluhan dito sa event center kung hindi ang anak ng Do parents, sorry hindi ko alam name nila eh.

Madaming babaeng nagpapapicture dun sa anak. 'Nagkamali ako akala ko nagta-trabaho na eh mukhang kasing edad ko lang pala' naaninag ko sya eh, hindi ata sya ganun katangkaran, pero cute, sobrang bata ng mukha nya hindi sya gwapo cute. 

Pero hindi naman sya ang habol ko dito eh, yung mga desserts ang habol ko. 'Aish! Pano ako makakakuha eh kaliwa't kanang kamay ko eh may hawak!' nakakaasar lang. Hindi ko naman pwedeng ibaba ang mga gamit ko kasi paper bag lang. Haaay.

Tina-try ko ang best ko para abutin yung Iced Pumpkin Cookies mukhang masarap eh. Kaya mo yan Fem! Konting push pa maaabot mo na yaaan!

"Oh" nagulat ako ng biglang isang kamay ang nag-abot sakin ng isang Iced Pumpkin Cookies, pataas kong tinignan yung nag aabot sakin ng Iced Pumpkin Cookies. 'Oh ito yung anak ng Do ah?' 

Akala ko andun sya sa sta-wala na pala, kaya pala wala ng masyadong tao dun. Hay. Ano ba yan sa dinami daming mag aabot sakin sya pa.

"Ah, ako na" sabi ko, na pilit inaabot yung cookie. Tae lang kaya mo 'to Fem, shemay naman kasi napakadami kong dala eh!

"Sus, kung kaya mo nga naman eh, dali na oh" sabi nya tapos tska nya itinapat yung cookie sa bibig ko. Mapilit ka, edi okay! Kesa naman hindi ko matikman.

Sinunggab ko yung cookie na hawak nya. Hindi sya nagulat at napatawa na lang, pero yung pigil na parang nahihiya, nag side view eh kaya hindi ko nakita.

Hindi pa ako kuntento, pano ba naman isang helera, gusto kong matikman lahat, oo, call it shameful, pero kanya kanya naman tayo ng ugali diba? Ito trip ko eh. 

Orion (REVISING P.S DON'T READ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon