Papasok na ako ngayon, nag tatali na lang ako ng neck tie. Paglabas ko agad akong napaatras sabay hawak sa puso ko. Pano ba naman nakasilip si Kris na nakapang bahay pa. Bwiset! "Ano ka ba? Papatayin mo ba ako sa gulat? Anong ginagawa mo dito? 3 beses ka na pumupunta sa harap ng kwarto ko, may pagnanasa ka sakin ano?" turo ko sa kanya.
"In your face, mahiya ka nga sa sinasabi mo, pagnanasa ka jan. Tska nag che-check lang ako!" depensa nya. Tss.
"Nag che-check? Ano namang chine-check mo? Faculty ka ba para mag check? Hindi ka naman janitor ano?" ang galing din nito eh, may pa-check check pang excuse, pero ano nga ba talagang ginagawa nya sa harap ng kwarto ko creepy din nito.
"Basta nagche-check ako" sabi nya.
"Bahala ka nga, papasok na ako." sabi ko tska ko sya nilagpasan.
Nakalabas na ako ngayon ng dorm. Bigla kong naalala yung IW (Individual work) namin sa History, agad kong binuksan ang bag ko habang naglalakad ako. Hinalungkat ko, "Woah buti na lang" napasabi ako ng mahalungkat ko yung notebook ko.
"Oy, Fem" napalingon ako sa likod ng tawagin ako ni Luhan.
"Uy" bati ko sa kanya, "Bakit hindi mo kasama si Sehun?" tanong ko.
"Nauna, kanina pa" sabi nya. Sabay na kami lumakad papuntang classroom.
"Fem, mamaya nga pala sabay na tayong pumunta, i mean, mas maganda kasi kapag sabay tayong pupunta diba? Partner tayo?" sabi nya sakin.
"Sige, text mo na lang ako, or tumawag ka nalang" sabi ko sa kanya.
Literature namin ngayon sa English. Seryoso akong nakikinig sa discussion ng teacher namin ng mapatingin ako sa bintana. "Ay shit" mahinang sabi ko, tae. Nakakagulat naman si Kris, nakasilip ba naman, tapos nakatingin pa sakin. 'Tek yan, ang creepy nya ah, nung isang araw pa yan!
Napatingin tuloy si D.O. sa tinitignan ko, kaya sabay iwas ko ng tingin at nag focus ulit sa lesson namin.
Lunch break na namin ngayon, at kasama ko ngayon si D.O., "D.O, anong mga desserts mamaya?" tanong ko sa kanya.
"Surprise na lang yan" sabi nya. Nasa cafeteria na kami ngayon at nakapila ng may kumuhit sa likod ko.
Kaya agad akong napalingon, si Chanyeol pala, kasama si Kris. "Hi" bati ni Chanyeol.
"Hello, yo" bating pabalik ko kay Yeol, habang si Kris naman, napakalayo ng tingin, alam mo yung sa labas pa talaga ang tingin nya sa bintana.
Humarap ako kay Kris "Are you stalking me?" tanong ko kay Kris, na agad kinatawa ni D.O at Chanyeol.
"Stalking your face, tara na nga Chanyeol, mamaya na lang tayo pumila" sabay alis. Aba, affected? Baka totoo. Para talagang sira ulo 'tong si Kris eh. Hayae na, sira ulo din ako kapag pinatulan ko pa sya.
Pagkatapos namin kumain ni D.O eh humiwalay ako, gusto kong makita si Sehun. Nilibot ko ang buong cafeteria pero wala sya, kaya bawat hallway eh pinuntahan ko din. Ng makarating ako sa third floor kung saan nandoon ang mga room ng 3rd years, at ng library, ay nakita ko si Sehun na papasok sa library. Agad akong tumakbo ng mabilis para gulatin si Sehun.
"Sehuni!" sigaw ko sabay akbay sa kanya, na kinagulat naman nya.
"F-fem, bakit bigla bigla ka na lang nasulpot?" tanong nya, ibinaba ko ang akbay ko dahil hindi ko na kaya, nakakangalay sa braso, pano ba naman, matangkad si Sehun.
BINABASA MO ANG
Orion (REVISING P.S DON'T READ)
RomanceFirst of all, sasabihin ko na sainyo, mainstream 'tong story ko, buuut! I'll assure you that you'll be fond of reading this. Sorry for revising, naguluhan na kasi ako sa mismong story ko eh. I'm sorry for the readers. Don't intend to copy it. Copyr...