Wednesday ngayon at saktong Art class namin, may naaalala tuloy ako dito, yung Art Canvass na ginawa namin ni Kris, i mean ako lang pala. To be generalized wala naman talaga syang natulong, ay meron yung paghahanap ng gagawin namin, i mean gagawin ko.
"Okay, goodbye class, you may now go to your room" at dahil normal discussion lang naman eh class lang namin ang nasa Art room ngayon EROS section lang. Nagsitayuan na kaming lahat at para pumunta sa classroom namin.
Bigla kong naalala yung sinabi kagabi ni Sehun, so it means normal life na ako? Hindi ko na kailngan maki-epal sa kanila? Ganun ba? Hahaha!. KFINE!
Umupo na ako ngayon saktong uubob sana ako ng marinig ko pag usapan ng lahat ang Fall Ball, speaking of Fall Ball wala pa pala akong ka-partner. Si D.O. na lang kaya?
"May ka-partner ka na?"
"Oh gosh baka wala nanamang ka-partner si Kris"
"Magsasayaw nanaman sya sa gitna? Haha!"
At dahil nakikinig nga ako sa mga usapan nila ay bigla akong nagtaka ng marinig na wala nanamang ka-partner si Kris, as in buong highschool life nya mag isa lang sya sa Fall Ball? Sabagay change my mind, hindi naman nga nakakapagtaka kung wala syang kapartner buong highschool life nya.
Lunch break na namin ngayon, bale si D.O naman ang kasama ko ngayon, bakit? Syempre, kung sino lang makita kong ka-close ko edi sa kaniya ako sasama.
"D.O may ka-partner ka na?" tanong ko kay D.O habang nakain kami.
"Hindi ko ba nasabi sayo? Actually i'm incharge of the foods, i mean natulong ako preparing the foods, parang early training ko na. Pero andun ako sa Ball" sabi nya. Ahh.
"Ganun ba? Baka wala kasi akong ka-partner" sabi ko.
"That'll never happen" sabi nya sabay turo sakin ng tinidor.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Hypothesis?" nagtataka pa sya sa sagot nya.
"Ahh" nakisang ayon na lang ako sa kanya pero yung totoo ay hindi ko din sya nagets.
Labasan na at dumeretso agad ako papuntang room ko nakakapagod kase gawa sa mga activities. Nakaka stress lalo na ang Math.
"Hoy ano ginagawa mo!" napaatras tuloy ako sa gulat, nasa tapat ng kwarto ko si Kilay. Aba'y anong ginagawa nito dito?
"Wala, tinitignan ko kung panget ka parin!" sabi nya tska naglakad paalis. Ang kapal talaga ng mukha nito eh. Kahit kelan.
"Halika nga! Susunugin ko na yang kilay mo tska yang sungay mo!" matalim na sabi ko sa kanya.
Hindi sya lumingon at nag "Tch" lang. Probelma nito? Baliw.
Papasok na ako ngayon, pero patuloy gumugulo sa isipan ko yung tungkol sa Fall Ball pati na rin si Sehun at Elle. Nasakit ang ulo ko eh.
Inalog alog ko ang ulo ko habang naglalakad ang sakit kasi. Nakita ko si Elle na papasok na rin, pero hindi nya kasama si Morty, lalapitan ko sana sya kaso iniwasan nya ako. Bakit?
"Fem!" nagulat ako ng biglang tumawag sakin si Morty, kaya't lumingon agad ako.
"Magkasabay ba kayo ni Elle?" tanong ko, kasi baka nauna lang si Elle, pero bakit ganun ang mood nya?
"Actually hindi, iniiwasan nya ako, then parang wala sya sa sarili nya kahapon pa" pag aalala ni Morty.
Napatingin na lang kami kay Elle, na dere-deretsong naglalakad habang nakatungo.
BINABASA MO ANG
Orion (REVISING P.S DON'T READ)
RomanceFirst of all, sasabihin ko na sainyo, mainstream 'tong story ko, buuut! I'll assure you that you'll be fond of reading this. Sorry for revising, naguluhan na kasi ako sa mismong story ko eh. I'm sorry for the readers. Don't intend to copy it. Copyr...