KABANATA 29

1K 2 0
                                    

Si Padre Irene ang namahala sa mga pamana ni Kapitan Tiago. Bahagi ay mapupunta sa sa Sta Clara, Papa, Arsobispo at Korporasyong relihiyoso; 20 pesos ay mapupunta sa matrikula ng mga dukhang mag-aaral, at ang 25 pesos na binawi ni Kap. Tiago na para sana kay Basilio ay ibinalik ni Padre Irene at sasabihin sa kanya ito galing. Pinagtalunan kung ang susuotin ba ay prak na sinasabing suot ni Kap. Tiago nang magpakita siya sa mga mongha, o isang abito ng Pransiskano na mungkahi ni Kapitan Tinong. Ngunit nanaig pa rin ang desisyon ni Padre Irene na damitan si Kap. Tiago ng kahit alin sa kanyang mga dating suot. Napag-usapan din dito kung magsasabong ba si San Pedro at Kap. Tiago, at kung sino ang mananalo. Si Donya Patrocino naman inggit na inggit sa libing ni Kap. Tiago at tila nagnanais na mamatay na rin at magkaroon ng libing na higit pa sa naging libing para kay Kap. Tiago. 

El Filibusterismo: Buod ng bawat Kabanata (1-39) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon