Narito ang mga tauhan sa El Filibusterismo ni Jose Rizal:Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.
Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.
Basilio - ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.
Kabesang Tales - ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.
Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.
Ginoong Pasta - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.
Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan.
Placido Penitente - ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan.
Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.
Padre Fernandez - ang paring Dominikong may malayang paninindigan.
Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.
Padre Florentino - ang amain ni Isagani
Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta
Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
Juanito Pelaez - ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila
Macaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
Donya Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.
Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.
Huli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
Hermana Bali - naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.
Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli.
Mr. Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.
Imuthis - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio.
Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo.
Tiyo Kiko - matalik na kaibigan ni Camaroncocido.
Gertrude - mang-aawit sa palabas.
Paciano Gomez - kapatid ni Paulita.
Don Tiburcio - asawa ni Donya Victorina.
BINABASA MO ANG
El Filibusterismo: Buod ng bawat Kabanata (1-39)
Historical FictionAng EL FILIBUSTERISMO ay isinulat ng ating magiting na bayaning si Dr. Jose P. Rizal na buong pusong inialay sa tatlong paring martir, na kilala sa bansag na GOMBURZA; Gomez, Burgos at Zamora. Ang libro na ito ay naglalaman ng mga buod sa iba't-iban...