Chapter 32

40 2 2
                                    

~Lance's Pov~

"Finally..nakabalik narin ako sa wakas .." Sabay higa ko sa kama ko.

Oo, nauna na nga akong umuwi ng Manila. Pero obviously hindi dahil sa may emergency, na wala naman talaga. Kundi dahil ayoko lang na makasira ng masayang bakasyon nila.

Mabait si Ashley and ayoko naman na lalo ko syang masaktan, kung yung paglayo ko yung makakapagpaluwag sa nararamdaman niya, then, willing akong lumayo.

Ayoko rin siyang pilitin na patawarin ako. Lalo na at alam ko naman na ako yung may kasalanan.

**PHONE RINGS**

Si rex? Bat naman to' tumatawag?

"Hello? Rex, bakit?"

"pwede ba makisuyo sayo?"

"Ano yun?"

"may ipapasundo lang ako sayo sa oark mamaya. Hindi niya kasi kabisado yung papunta sa dorm natin."

"huh? Eh ang lapit na ng dorm natin sa park huh."pagtataka ko.

"eh basta puntahan mo nalang, mejo tanga yung sa direksyon, tsaka marami syang dalang gamit."

"Okay sige sige . I text mo nalang sakin mamaya kung sino yung pupuntahan ko duon."

"okay. Sige. Salamat tol. Bawi nalang ako sayo pagbalik namin dyan."

Then, the call ended. Iba yung pakiramdam ko sa tono ni Rex. But, di ko nalang pinansin dahil wala rin naman ako sa mood.

Hanggang sa mag gabi na. Nagtxt na sakin si Rex na pumunta ba daw ako ng park dahil nanduon na yung ipapasundo niya. At ako naman nagpunta na agad duon. At nasurpresa ako sa naabutan ko duon..

Si Ashley... Nakatayo siya at nakatingin sakin. Mukang nagulat din siya.

What the heck Rex? Ano bang plano nyo at ginawa nyo to'?

At dahil nakita ko na si Ashley, dumeretso na ko ng paglapit sa kanya.. At sya naman natulala lang sakin.. Ayan nanaman sya.

"Ashley? A.anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" pagbalik niya ng tanong sa akin. Nice.

"si Rex, pinapunta niya ko dito, para may sunduin.." pagkasabi ko nun, mejo napatawa siya.

"Nice. Ang galing talaga nina Almira. Well, Lance, sorry kung nasayang oras mo. Uuwi na ko."

"Wait." pigil ko sa kanya.

"What?"

"Alam ko galit ka sakin. Pero, sana hindi tayo maging ganito habambuhay. Sana mabalik pa yung dating samahan natin, and alam kong alam mo na hindi ko talaga intensyon na paasahin ka." Seryosong sabi ko kay Ashley.

Medyo tumahimik lang si Ashley and parang napaisip pa. Nung npansin ko na parang di siya sasagot, aalis na sana ako. Pero maya maya pa tumingin na sya sakin at ngumiti.

"Sorry, if hindi kita pinapansin Lance, pero tama ka, hindi mo naman ginusto yun. Pero for the Last time. Sagutin mo tong tanong ko. May pag.asa bang magustuhan mo rin ako o wala? Yung totoong sagot, Lance.." tanong niya sakin na hindi ako agad nakasagot.

"Ashley... Sorry, ayoko na umasa ka pa." diretso kong sagot sa kanya.

"Thank you Lance. Salamat sa pagiging totoo sakin. Haaayy.. Okay na. Okay na tayo." nakangiti niyang sabi sakin.

"yun na yun?" pagtataka ko.

"oo. Ano ka ba Lance, okay na ko. Nakpag isip isip na ko. Let's be friends again." inabot niya sakin yung kamay niya at nakipag shakehands.

"yeah, Friends." ngumiti ako sa kanya.

Pero ang tagal na namin magkahawak kamay at ayaw niya bitawan yung kamay ko.

"Ashley? Yung... Yung kamay ko? Okay na?"

"ah.. Ha.ha.ha. so.sorry. tara na! Umuwi na tayo."

After ng awkward na pag uusap n yun. Naglakad na kmi pabalik ng Dorm. Hinatid ko muna si Ashley sa dorm nila. At nung nagpaalam na ko sa kanya, pinigilan niya ko at ikinagulat ko yung mga susunod na nangyari.

"Lance! , magbabago din isip mo." Seryosong sabi niya sakin.

"Huh?" pagtataka ko.

"Gusto parin kita! At magbabago din yung tingin mo sakin. Magugustuhan mo rin ako Lance! Pangako yan. Kaya humnda ka!" ngumiti sya sakin at pumasok na sa loob ng dormitory nila.

At ako? Eto, at gulat na gulat sa mga sinabi niya. Pero hindi naglaon, yung gulat ko napalitan ng ngiti at ang tanging nasabi ko nalang.

"Kakaiba talaga siyang babae, hehe."

>>To be continued...

Note:
Hi guys. Please share "Oh! My Love!" on facebook and wattpad if nagustuhan nyo itong story. Thanksss 😘😘

Vote.share.follow. :)

Oh! My Love!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon