Chapter 34

8 0 0
                                    

 (ASHLEY'S POV)


Bakit ngayon pa sya sumulpot kung kailan ang ganda na nang araw namin? haay.

"well, do you mind if dito narin kami mag table?" tanong ni Andrea.

"uhm, ahh. sure." sagot naman ni Lance. 

"okay lang ba sa mga kasama mo?" - sabay tingin samin ni Andrea.

"syempre hindi," -bulong ko 

"anong sabi mo?" -nagtatakang tanong ni Andrea

"huh? o.oo naman, okay lang. ha.ha. sige upo lang kayo." plastic kong sagot sa kanila. 

"Thanks" nakangiting pagpapasalamat ni Andrea, at naupo na sya sa tapat ni Lance. 

"Wait, Ashley, right?" tanong sakin ni Andrea

"Yes, bakit?" sagot ko.

"nagkita na ba tayo before?" Tanong niya, at nag flashback nanaman lahat ng nakita  ko nung gabi na yun.  

"ha?, ahh. ha.ha. oo, sa park." sagot ko.

"hmm. Ah! oo, ikaw nga yun, kaya pala familiar ka."

"Awkwaard." bulong ni Almira. 

"ha.ha. Anyway! ituloy na natin yung pagkain. ha.ha." sabi naman ni Rex.

ang Awkward nga talaga! at syempre si Lance, ayun, pasimple parin na tumitingin kay Andrea. and yung tingin niya sa kanya, iba. obvious naman na gusto parin niya si Andrea. 

Hanggang sa matapos kaming kumain at lumabas na kami ng resto. 

"Andrea, ihahatid na kita." pag-aya ni Lance kay Andrea.  

"ikaw bahala." sagot ni Andrea

"Rex, ikaw na bahalang maghatid kina Ashley." bilin ni Lance kay Rex

"oo, pre, ako na bahala." sagot naman ni Rex.

Hindi ko alam, pero may kurot padin sa puso ko kapag nakikita ko silang dalawa. 

"Ash, okay ka lang?" pag-aalala ni Mira sakin.

"ha? haha. oo okay lang ako, tara na."

>>Sa Girls Dorm<<

Habang nakahiga ako dito sa higaan ko, naiisip ko lalo yung nangyari kanina. yung tingin niya kay Andrea, 

"Haaayyy!! Ewan ko!!" sigaw ko na nakagulat naman kay Mira,

"huy? okay kalang ba talaga?" Tanong niya sakin.

"Oo, okay lang. haha. good night." sabay takip ko na unan at natulog narin ako. ayoko na mag isip.

Pero kahit anong pikit ng mata gawin ko, hindi talaga ko makatulog, kaya hindi ko na pinilit sarili ko at bumangon muna ko at lumabas para magpahangin. 

"haayyy. makabili nga muna ng pagkain." -naglakad lakad muna ko at pumunta sa isang convenient store malapit lang din sa dorm. 

"hmm.. ano bang masarap?" 

maya maya pa may lumapit sakin.

"Ashley?" 

Nilingon ko sya, at ayun si Joshua. 

"Joshua? Hello!" Masaya kong bati sa kanya.  

"Alam mo ba kung anong oras na? bat nasa labas ka pa?" At ayan nanaman po isya, galit na ulit sya. 

"Sorry na po. hehe, eh bat ikaw? bakit nandito ka?" Tanong ko rin sa kanya.

"Wala, nagpapahinga lang, kakatapos lang ng Gig namin." sagot niya. 

After namin bumili sa convenient store, lumabas narin kami at naglakad lakad. 

"So, Josh, kamusta kayo ni Hanna mo?" Tanong ko.

"Wala na kami." mabilis niyang sagot.

"Ha?! Anong nangyari? parang kailan lang magkasama pa kayo diba?"

"Eh kayo ni Lance? Anong balita?" balik nya ng tanong sakin, hmm, mukang ayaw niya pag usapan breakup nila.

"Kami ni Lance? ha.ha. Ano naman samin ni Lance?"

"talaga bang mahal mo sya?" seryosong tanong sakin ni Joshua na nagpapula ng muka ko. 

"ha? ha.ha.ha. Ganyan ba talaga pag galing break up? grabe magtanong? hahahaa." Paglilihis ko ng usapan namin. What's with this guy.

"Hindi mo ba kaya sa iba ibaling yung pagmamahal mo, Ashley? seryosong tanong sakin ni Joshua. 

"Huh? at kanino ko naman ibabaling aber?" 

"Ashley,..." 

"hmm?"

"Wala! tara na!" inis nanaman na sagot niya sakin. at sabay diretso ng lakad.

Ano nanaman problema nito? haay.. "teka, josh wait!" sunod ko sa kanya. 

"Bakit ba laging galit ka sakin?, may problema ka ba sakin?" Tanong ko, at huminto siya ng lakad.

"Problema? ganyan ka ba talaga kamanhid Ashley?!" sigaw niya sakin.

"Manhid? ako?" pagtataka ko, at ano ba kasing sinasabi niya?

"Mahal kita Ashley!" 

hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, ang tanging nagawa ko lang nung sinabi niya yun ay matulala sa kanya. tama ba yung narinig ko?

"Mahal kita, Ashley. Kaya naiinis ako kapag nakikita kitang nasasaktan ng dahil sa Lance na yan!" 

"Josh...hindi ko alam kung anong sasabihin ko." 

"Wala kang kailangan sabihin. Dahil alam ko naman na si Lance ang gusto mo." seryoso niyang sabi sakin. 

sa sobrang seryoso ng usapan namin ni Joshua, May nakarinig na pala samin.

"La..Lance?"  laking gulat ko na makita ko siya malapit sa isang puno at nakatingin samin.

"Halika na, Ashley." sabay hatak sakin ni Joshua papalayo kay Lance, pero bago pamandin kami makalayo ni Joshua, hinawakan ni Lance yung kabila kong kamay para pigilan kami.

"Teka." habol ni Lance samin.

"Huh?" 

Ano ba, sabi ko magpapahangin lang ako, bat ba ko napunta sa ganitong sitwasyoooonnn!!!!!


>>>To be Continued...




 

Oh! My Love!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon