Chapter 12

204 6 1
                                    

Chapter 12: Rescue

(Lance's POV)

        Bakit ba ko naging Leader ng grupong 'to .. ang dami laging ginagawa.. kahit dito sa boys dorm di na ko napahinga sa pag-iisip.. pero teka bakit ako nga lang ba na-i-stressed dito.. maitxt nga yung si Sisa... hmm...

Sa txt:

To: Sisa/Ashley

"Anderson, Mag-isip ka ng mga designs na pede nating magamit sa play. Txtback. Asap." –Sent

*After 5 minutes* walang reply...

*After 10 Minutes* walang reply...

*After 30 Minutes* wala paring reply -__-

Sa txt:

               To: Sisa/Ashley

               "Ms. Anderson magreply ka kung na receive mo to.. Asap" –Sent

        *After 30 Minutes* aba wala parin syang reply??  hindi pwedeng ako lang lage gumagawa dito .. leader din sya .. that Sisa should know her responsibilities... or don't tell me .. nakatulala nanaman sya kaya di nya nakita mga txt ko..  hindi 'to pwede... mapuntahan nga yun sa dorm nila .. !

Lalabas na dapat ako sa gate ng Dormitory ng may tumawag sakin...

"Lance, san ka pupunta?" tanong sakin ni Ervin Dave na unang naging kaibigan ko dito..  

"Oh, Ervin.. pupunta ko sa Girls Dorm.. meron lang ako papaalalahanan tungkol sa responsibilidad niyang nakalimutan na ata niya.."

"Ganun ba, sabay na ko.. may pupuntahan din ako banda dun sa Girls Dorm.." sabi sakin ni Ervin .. kaya nagsabay na kami ng lakad..

        Habang naglalakad kami napatingin ako cellphone niya...na hawak hawak niya ... may palawit yun na heart shape na parang pambabae..  Teka .. di naman siguro bakla ang isang to'?

"Pre, ang cute ng palawit mo huh.. haha." sabi ko sa kanya na parang nang-aasar.. 

"eto ba?" tinaas nya yung phone niya .. "Kinuha ko 'to sa girlfriend ko ng di niya alam" nakangiti niyang sagot sakin ..

"Girlfriend? Sa sobrang suplado mong yan sa mga babae may girlfriend ka??" Pagtataka kong tanong sa kanya ..sa tuwing may lalapit kasi sa kanya na mga babae .. hindi manlang niya pinagsasalita .. inaalisan niya agad..  alam ko suplado din ako.. pero mas suplado sya.. 

"yun nga dahilan kung bakit ako hindi namamansin ng ibang babae.. dahil sa kanya.. I want her to trust me .. lalo na wala sya dito ngayon.." seryosong sagot niya sakin ...

"Bakit? Nasan ba sya?" Tanong ko kay Ervin..

"Nasa America sya, dun sya nag aaral ngayon.." Malungkot niyang sagot habang nakatingin sya sa palawit ng phone niya..

"it must be hard... having a long distance relationship..." Sabi ko sa kanya...

"well, not really... she trusted me before she left... and of course, ako din .. para samin .. mahalagang bagay yun .. and we keep communicating each other.. basta hindi kami b.c we make time na makapag bonding kami.. through internet.." Seryosong sagot sakin ni Ervin habang naka-smile sya...

"Trust... importante nga talaga yun.. sana sya rin katulad ng girlfriend mo.."

"Hmm? Sino?" pagtataka ni Ervin, bakit ko nga ba nasabi yun..

"huh?? Wa.. wala .. hahaha.." sagot ko kay Ervin .. hay nako Lance.. stop thinking about her..

        Habang naglalakad kami ni Ervin sa way papuntang Girls Dorm, may narinig kami sa hindi kalayuan... 

"San nyo ba ko gusto dalin huh?? Bitawan mo na nga ako...!! Mga rapist ba kayo huh?!" Boses ng babae yun huh ..

        Nagkatinginan kami ni Ervin at sabay namin hinanap yung boses nung babae... at sa hindi kalayuan.. may nakita kaming tatlong lalake na nakapalibot sa isang babae.. di namin makita ni Ervin yung mukha nung girl dahil nakatalikod sya samin .. pero parang kilala ko yung girl na yun.

"Kami rapist? Kung ikaw lang din naman .. wag nalang .. hahahah" sabi nung isang lalake at tumawa sya ng tumawa pati yung dalawa niyang kasama ..

        Pagkatapos tumawa nung dalawang lalake, napansin ko na pinupwersa nilang hatakin yung babae pero pumapalag yung girl kaya napagilid samin yung mukha niya .. and Its her! Si Sisa.. kaya di na ko nagdalawang isip ...

"Hey.. anong ginagawa nyo sa kanya?" Pangengeelam ko sa kanila..

"at sino ka na---?" napahinto sa pagsasalita yung lalaki na may hawak sa wrist ni Sisa nung makita kami ni Ervin Dave..

               Si Sisa naman lumingon sa kung nasaan kaming dalawa ni Ervin,

"May problema ba kayo kay Ashley? " tanong ko dun sa tatlong mukhang walang matinong gagawin ..

"So ano?" nag move forward si Ervin at ako na rin .. "Any problem? Or you want fight?" paghahamon ni Ervin Dave.. 

"bibitawan nyo ba si Ashley? O kailangan pa naming pilitin kayo?" sabi ko naman na nagpabitaw nung isang lalake na kanina pa hawak yung wrist ni Sisa..

"Mukhang araw mo ngayon Ms. Nerd.." lumapit pa ng mas malapit yung lalake kay Sisa at may binulong sa kanya.. pagkatapos ... "Tara na guys.." sabi nung isang lalake na familiar yung boses sakin..

Ah!! I know him .. naalala ko na kung sino sya.. pero bakit niya to' ginawa kay Ashley? Napatingin samin yung lalake at umalis narin pagkatapos.. nilapitan na namin si Sisa .. na mukhang Shock pa sa mga nangyari..

"Are you o---" napahinto ako sa pagsasalita ng bigla syang yumakap sakin.

"Hey,, Ashley?" sabi ko sa kanya nabigla kasi ako.. pero nararamdaman ko yung panginginig niya... talagang natakot siguro sya.. That 3 idiots... bakit ba nila tinakot si Sisa?

"Are you okay Ashley?" Tanong ko sa kanya dahil nanginginig parin sya..

               Hindi sya sumagot at hinigpitan lang yung yakap niya na parang ayaw niyang bumitaw.. kaya naman hinayaan ko lang sya na yumakap sakin at hinawakan ko lang yung ulo niya at pinat ko ng mahina .. para kumalma sya..

"Ayos na Ash.. Don't worry .. nandito na kami .. nandito na ko.." sabi ko kay Ashley ... actually hindi ko alam kung pano ko yun nasabi basta.. pakiramdam ko that this girl needs those comforting words right now...



 So whats next?? abangan .... hahaha :) dinededicate ko to sa lahat ng OP's ko.. 
salamat sa inyo ^_^ Ingat kayo palage ..:D 


Oh! My Love!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon