JHO'S POV
"Beatriz kaysa sa gumaganyan ka dyan mag ready ka na!"
"Sabi ko nga! Seeyou later!" sabi nya sabay wink.
Hayy... naggustuhan ko na ba sya or what? Ahh basta ang alam ko sa sarili ko na straight ako. I'm so girly kaya! Bahala sya.. pero bakit ganun? Parang wala naman sa akin na umamin sya? Pero bakit nung kay Ate.. hayyst! Nevermind!
"Hayy hayaan mo na nga! Mag ayos ka na nga lang ng gamit Jho!" sabi ko sa sarili ko at huminga ng malalim
"Are you okay?"
"Ahh shookt! Jsko naman Beatriz! Bat nandyan ka pa?! Diba sabi ko magready ka na?"
"I forgot my phone and keys. Here oh!" sabi nya sabay turo sa side table ng couch.
"Ahh okay. Sige mag ready ka na and please next time wag ka nang manggulat." tumango na lang sya at ngumisi.
Dahil tapos na akong maligo kanina ay inayos ko na yung mga damit at iba pang gamit na dadalhin ko. Shookt! Na saan na yung bag ko?!
"Iihh nasaan ka na! Dala palang kita kagabi ah! Iihh kainis! Nasaan ka na! Nandun yung susi ng kotse ko eh! Pati ibang keys ko! Ihhh!" Napaupo na lang ako sa couch at pinatong ang mga siko ko sa legs ko at umiyak na lang. I heard a knock from my door
"Jho? Are you done?" It was Bea's voice so I immediately opened the door.
"Ahh napano ka?! Anong nangyare?" Kabadong tanong nya
"I can't find my bag yung gamit ko kahapon" sabi ako at umiyak na naman.
"Calm down Jho." sabi nya sabay hug sa akin. "We'll find that. Let's check your car sa ADMU baka nandun." Pilit nya akong pinapakalma pero di ko talaga kayang kumalma.
"Nasa bag ko yung susi ng kotse ko eh. Kung nandun nga sa kotse di naman natin makukuha."
"Saan ba nakalagay yung keys mo?"
"Sa bag nga."
"I mean specific wallet? Pocket ng bag or what?"
"Sa wallet. I don't leave my keys kahit saan sa bag." Napatigil sya at nag act na parang may iniisip
"Calm down I know na saan yung wallet mo." bigla nyang sabi.
"Huh? Na saan?"
"Na kay Alex."
"Alex?"
"Oo. Alex, I mean si Xandra. Bat kase Xandra tawag mo eh pwede naman Alex."
"Bakit ba? Gusto ko Xandra eh bleh!"
"Oh wag nang mataray!"
"Wait! Paano napunta sa kanya?"
"Kahapon pinahawak ko sa kanya yun kase pinabantayan kita sa kanya nung hinatid ko sa gate yung team." pag eexplain nya.
"Ahh okay. Puntahan na natin sya please!" sabi ko sabay pag mamakaawa then I sat down sa couch
"Ayaw ko nga! Hanap ka na lang ng ibang bag dyan!" Pagtataray nya.
"Andun nga kase yung iba kong gamit! Ang kulit! Geh kung ayaw mo okay lang! Kukunin ko na din gamit ko at aalis na ako. I know how to commute naman!" sabi ko sabay tayo at diretso sa room ko para makakuha ng pera sa isa kong wallet.
"Ano? Magccommute ka?" Tanong nya mula sa labas.
"Oo nga! Ang kulit mo din noh!" sigaw ko mula sa loob. I fixed my things sa isang bag ko at kumuha na din ng pera at lumabas na ako ng room. I saw her sitted sa couch pero dinaanan ko lang sya at lumabas na.
"Jho!" Di ko sya pinansin.
"Jhoana Maraguinot!"
"Napano ka?!" tanong ko sa kanya nang di sya hinaharap.
"Jho!" sabay hila nya sa braso ko kaya napaharap ako sa kanya.
"Napano ka nyan? Bitawan mo ko!" sabi ko habang tinatanggal yung kamay nya sa braso ko at tumakbo na ako papunta sa elevator. Bea tried to reach the elevator pero sorry sa kanya kase di nya naabutan. Di ako kumikibo sa loob. Every floor ay may sumasakay okaya naman bumababa kaya medyo natagalan ako pababa ng ground floor. After a couple of minutes ay nakababa din ako sa ground floor naglakad na ako papunta sa pintuan para agad na rin akong makahanap ng taxi papunta kina Xandra when I heard Bea calling my name na naman.
"Guard don't let that girl go out on this building!" sigaw nya. Kaya napatakbo ako pero it was late, ayaw na akong palabasin ni Kuya Guard.
"Kuya please!"
"Ma'am Jho di po pwede baka matanggal po ako sa trabaho. Wag na po kayong lumabas!" pagmamakaawa ni Kuya Guard sa akin.
"Ayy oo nga pala sila ang owner ng building na toh. Pero kuya please kailangan ko nang umalis. May pupuntahan pa ako eh." sabi ko at lumingon sa likod and I saw Bea walking at halatang pagod na pagod.
"Ma'am Jho baka naman kakausapin ka lang ni Ma'am Bea."
"Kuya aawayin lang ako nyan!" Nakita kong malapit na sya sa akin kaya mas nagpumilit akong umalis.
"Thank you po." sabi ng babaeng tinakasan ko kanina na ngayon ay nasa likod ko na.
"Welcome po Ma'am Bea."
Diko nililingon si Bea kaya hinila nya ang braso ko papunta sa isa sa mga conference room ng building na toh. Nang makarating kami doon ay agad nyang nilock yung pintuan.
"Don't you ever do that again Jho. Alam mo bang tinakbo ko lang pababa?" Mahinahon nyang sabi.
"I don't care! Wala akong pake!"
"You don't care kase you don't appreciate my efforts!" pasigaw nyang sabi na ikinabigla ko kaya bigla na lang may namumuong luha sa mga mata ko.
"Di naman kase ganon yun eh! Ikaw din naman may kasalanan! Ayaw mo akong samahan diba?! Edi ako na lang mag isa! Kaya ko naman eh!" sabi ko sabay tulo ng mga luha ko.
"Shh! Stop crying Jho!" sabi nya habang pinupunasan ang mga luha ko sa thumb nya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "I'm sorry. Ayaw ko lang may mangyaring masama sayo. Sorry na and please wag ka nang magcommute." Tinanguan ko lang sya at niyakap nya naman ako.
BINABASA MO ANG
Strangers became lovers
FanfictionStory ng dalawang magkaibang- makaibang tao na sa iisang school lang nagaaral and walang kahit sino sa kanila ang may alam na magku-krus ang kanilang mga landas. Madaming hadlang at problema pero magagawan nila ito ng paraan dahil sa pagtitiwala nil...