JHO'S POV
I don't know kung anong mararamdaman ko dahil galit ako kanina sa kanya at ngayon naman ay parang nagsisisi ako sa ginawa kong pag iwan sa kanya sa 13th floor kanina.
"Sorry." sabi ko sabay iyak na naman at niyakap ko na rin sya.
"You don't have to say sorry Jho. I should be the one who says sorry dahil sa nagawa ko." niyakap nya ako ng mahigpit at she kissed my forehead. "Tara na baka umalis pa si Alex. Di naman natin sya nainformed na pupuntahan natin sya eh." sabi nya habang umaalis sa pagkakayakap namin sa isa't isa.
Naglakad na kami papunta sa parking lot. Nakatulog ako habang nagddrive si Beatriz dahil siguro sa kaiiyak, ginising nya ako nang makarating na kami kina Xandra. I texted Xandra to inform her na nandito kami sa labas ng bahay nila to get my wallet. She immediately went out bringing my wallet.
"Xandra usap tayo minsan ah."
"Osige Ate Jho." Di na kami masyadong nagusap dahil aalis daw sila and luckily ay nahabol daw namin sya.
Agad na kaming dumiretso sa ADMU para macheck yung bag ko sa kotse.
"Shookt! Bakit wala?" sabi ko pagkaopen ko ng kotse ko.
"Baka nasa clinic" sabi ni Beatriz
"Iihh sana nga nandun!"
"Chill ka lang Jho! Wag masyadong iritable. Bahala ka sige papanget ka nyan!"
"Matagal na!"
"Anong matagal na?"
"Matagal na akong panget!"
"Ayy akala ko naman matagal ka nang nahulog sa akin. Sayang!"
"Che! Tumigil ka nga Beatriz!" Sabi ko at naglakad na papuntang clinic
"Jho!" sabi nya sabay hila sa braso ko.
"Ano?"
"Wag ka nang mangiwan! Jsko masakit maiwan! Sana alam mo yun." sinasabi nya ito habang nakatingin sa malayo.
"I know." Mahinahon kong sagot na ikinabigla nya
"What? May nang iwan na sayo? Weh? Di nga? Maniwala ako sayo!" sabi nya habang nagpipigil ng tawa.
"It was true Bei! Twice na akong na iwan. First when daddy left us to go to Australia, and second." Huminto ako saglit. "Sa akin na yun." Sabi ko sabay wink at hila sa kanya papuntang clinic.
"Jho naman eh! Nakakabitin ka! Andun na eh! Hayst!"
"HAHAHAHA" nilabas ko na yung tawa na kanina ko pa pinipigilan at napailing na lang sya.
Tumatawa lang ako habang papunta kami ng clinic habang sya naman ay tahimik lang na nakapout. She's so cute
"Ms?" tanong ko sa loob pagpasok namin.
"Ikaw pala Jho! Yung bag mo nandito pa."
"Saan po? Yun po talaga yung pinunta namin dito"
"Nandoon sa kwarto kung na saan ka kahapon di ko na inalis don kase baka nga balikan nyo."
"Ahh okay po." sagot ni Bea sabay hila sa akin.
"Thank you po!" pahabol kong sabi kay Ms. Nurse.
Nang makita ni Bea ang bag ko ay dali dali nya itong kinuha at hinawakan naman nya ako sa kabilang kamay nya para masabayan ko na sya sa paglalakad. Habang naglalakad kami papunta sa napakalayong parking lot ay magkahawak parin ang mga kamay namin pero tinanggal nya ang pagkakahawak nya sa akin at sinuot nya ang bag ko sa kaliwa nyang balikat at ang isa naman ay inakbay nya sa akin kaya isiniksik ko naman ang kaliwang kamay ko sa likod ng bag ko na bitbit nya hindi ko kase sya abot kaya sa waist nya na lang ako hahawak HAHHAHA bakit kase ang liit mo ah Jho?!
"Saan mo gustong kumain for lunch?" Tanong nya sa akin nang makarating na kami sa parking lot at papalapit na kami sa sasakyan nya
"Drive thru tayo." pag yayaya ko sa kanya.
"Where?" tipid nyang sagot at pinagbuksan nya na ako ng pintuan.
"Sa MCDO." Nginitian ko sya at pumasok na sa loob habang sya naman ay umikot na papunta sa kabila para makapasok na din.
"Drive thru na tayo ngayon ah. Malayo layo pa ang biyahe kaya baka maabutan tayo ng lunch sa daan atleast makakakain parin tayo."
"Okie! Can I borrow your phone?" sa kanya na lang phone gagamitin ko para makapag pamusic kami.
"For what?"
"Pamusic tayo para di nakakaantok." sabi ko sabay smile ulit.
"Okay. Here oh." kinuha ko phone nya at tiningnan ko na ang playlists nya. I picked the song Simula Pa Nung Una by Patch Quiwa
Ineenjoy ko lang ang kanta at pabulong ko itong kinakanta.
"You can make your voice louder." Bea told me with a tone na parang nagssuggest sya.
"Ayaw ko nga! Ang panget kaya ng boses ko! Bleh!" Di na sya umimik at ngumiti na lang sya
Umabot kami sa traffic kaya nakahinto kami ngayon at sakto naman ay nasa may patapos na part na
"Siguro nga napamahal na ako sayo, oo. Di naman inaasahan. Di naman sinasadya. Sinubukan ko naman na pigilan na lang pero ikaw ang gusto ko isisigaw ko sa mundo. Mahal kita.... mahal kitaa...." pagkanta ko ng medyo pabulong.
"Mahal din naman kita." Bea said.
BINABASA MO ANG
Strangers became lovers
FanfictionStory ng dalawang magkaibang- makaibang tao na sa iisang school lang nagaaral and walang kahit sino sa kanila ang may alam na magku-krus ang kanilang mga landas. Madaming hadlang at problema pero magagawan nila ito ng paraan dahil sa pagtitiwala nil...