before.....
April,ang pinaka aabangan naming buwan ni daddy dahil binibisita namin tuwing bakasyon si lola na mama ni daddy,taon taon naming ginagawa ito tuwing bakasyon at para rin makatulong si daddy sa farm.
Nag tuturo si daddy sa School namin bilang teacher ng 4th year high school,at ako naman ay magiging 3rd year na sa pasukan.Habang si mommy naman doctor sa ibang bansa kaya hindi siya nakakasama samin,palagi.
biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko at niluwa non si daddy na handa ng umalis,ng natag puan ako ng mata niya ay sumilay sa labi niya ang isang ngiti.
"ano handa ka na ba?"tanong niya
"opo!" sabi ko na kinahakhak niya.
"syempre ikaw pa ba? makikita mo nanaman siya kaya malamang isang lingo mo tong pinaghandaan"sabi ni daddy na ng aasar.
hindi ko kaya pinag handaan yung taong yun,onti lang.Bakit sino ba siya para pag handaan ko? puro asar lang naman ang gagawin niya sakin.
"o anak,tama na yang pag iisip mo sakanya at bumaba kana ng makalis na tayo,alam ko namang gustong gusto mo na siya makita"sabi ni daddy na halatang ng aasar.
Nag kaganyan si daddy dahil sa lalaking yun! sinabi banaman kay daddy na papakasalan ako! at eto namin si daddy naniwala at pinapunta pa sabahay namin nila lola para itanong kung kailan ang kasal at kung sino sino imbitado! mas muka silang mag ama dahil parehas silang may sapi!
"daddy naman,nangaasar kananaman wala naman akong gusto kay Nash eh!"sabi ko na kinahalakhak niya.muka ba akong nag bibiro!?
"o? sabi ko bang si nash? haha ang isda nga naman sa bibig niya mismo nahuhuli" sabi niya na gamit ang tono na ng aasar
"ehh alam ko naman siya yung sinasabi mo!"
"ba't ba naiinis ka na sakanya? akala ko ba may gusto ka sakanya? naalala ko pa nung nag tanong ka sakin kung paano gumawa ng love letter"tumawa si daddy sa naalala niya
Oo,totoo yun nag kagusto ako kay Nash Kean C. Monteberde i mean hangang ngayon ayoko lang ulit umamin dahil ayokong tangihan ulit at ayoko ring nababangit ang pangyayari na yun dahil nasasaktan ako,pero yung lalaking yun! ginagawa niya pang biro sa akin! at parang wala lang sakanya yung nangyari na yun! tapos sakin pag ka tapos kong ibigay at sabihin sa kanya na gusto ko siya sinabi niya na hindi yun totoo! muka ba akong nag sisinungaling nun! 3 years na ang nakakalipas nun nung grade 6 pa ako habang siya grade 8 na. At pag katapos ng ilang araw binawi ko rin yung sinabi ko syempre nakakahiya.
Pag katapos ng ilang oras ay nandito na kami sa probinsya namin at tanaw ko na ang tambayan namin,kung saan nag simula ang lahat.
"uhmm,daddy punta lang po ako sa... sa kung saan"sabi ko pag katapos mamatay ng makina.
exited ako dahil makikita ko na siya,kahit naiinis ako sakanya ok lang kahit matalik lang na mag kaibigan ang tingin niya sakin. oo mag best friend kami.kahit panay ang asaran namin at kahit may gusto ako sakanya mag kaibgan kami.Magkaibigan lang kami.
paakyat na ako sa burol,tanaw na tanaw dito ang ganda ng lugar na ito.
Ang malinaw na ilog,ang nag lalaban na liwanag at kadiliman sa langit,mga ibon na para kang hinehele dahil sa kanilang huni,at mga malalaki at hitik sa bunga na mga puno.
BINABASA MO ANG
Dati
Teen FictionAng Dati... npakaraming ala ala rito ang iba ay ang humubog sa ating pag ka tao ngunit paano kung sa isang iglap ay hindi mo na ito matandaan? aalamin mo pa ba ito? o... hahayaan nalang ang nakaraan at ipag papatuloy ang nalang kasalukuyan?