"Iana"
sabi ng isang lalaking naka ngiti ngunit di ko maaninag ng lubusan ang kanyang muka ngunit alam kong naka ngiti siya ...
Nakaupo kame sa isang burol,at sa baba ay may ilog na napaka linaw at napaka ganda at mas lalo itong gumanda dahil sa sinag ng papalubog na araw
binigyan niya ako ng lobo at ito ay tinangap ko,nginitian ko siya at sinuklian niya naman ang aking ngiti,matangos ang kanyang ilong at malalalim ang kanyang mga mata at maganda ang pag kakatubo ng kanyang mga ngipin ngunit may pag ka malabo parin ang kanyang muka.....
Humangin kung kayat nata bunan ang aking muka ng buhok kong mahaba at sanhi kung bakit ang lobo kong hawak ay aking nabitawan.....
kaya mabilis ko itong hinabol,makukuha ko na sana ngunit lumihis ito kaya lalo kong hinabol ito,binilisan ko ang pag takbo kaya naabutan ko ito,ng makukuha ko na sana ng may biglang tumulak sa akin kung kaya't napa gilid ako sa daan at tumama sa bato ang ulo ko...
at habang naka handusay ako sa daan,nakita ko ang lalaking nag bigay sa akin ng lobo... naka handusay sa sahig at puno ng dugo ang kanyang kinahihigaan at ang kanyang mga mata ay naka tingin sa akin
"iana" ayan ang nabasa ko sa kanyang bibig
"KRISHA!"napadilat ako ng may sumigaw
"Anong nangyayari sayo? bakit ka umiiyak?" tanong niya
Hindi ko siya kilala,at... di ko din alam ang pangalan ko
Napansin kong nakahiga ako sa isang kama,at naka bestidang puti,marami ding naka tusok saking mga tubo.
inalis ko ang tubong nasa ilong at kamay ko, gusto kong tumakbo! gusto kong sumigaw pero.... hindi ko alam kung anong sasabihin ko, di ko alam kung saan ako pupunta kaya umiyak lang ako ng umiyak.

BINABASA MO ANG
Dati
Novela JuvenilAng Dati... npakaraming ala ala rito ang iba ay ang humubog sa ating pag ka tao ngunit paano kung sa isang iglap ay hindi mo na ito matandaan? aalamin mo pa ba ito? o... hahayaan nalang ang nakaraan at ipag papatuloy ang nalang kasalukuyan?