New friend
Nakapila ako ngayon sa Quad at dahil ka section ko si Nathan at kaming dalawa ang nag sama ay si Nathan naman ay sumama sa iba niyang tropa.
Ingay,Init,Magulong kapaligiran,Mga taong tanong ng tanong kung anong section mo,Mga teacher na saway dito sigaw dun! Ayan ang mga kaganapan dito sa Quad! dagdag mo pa ang lalakeng talak ng talak sa Tabi ko ay nako Talagang maloloka ka!
"Nako kahit di kasing laki tong school namen tulad ng school mo sa manila ay mas masaya naman dito! Pag dineretso mo ang pasilyo diyan sa Gilid ng Stage sa bandang kaliwa pag tapos non ay ang THE building ito namang nasa kanan ay ang TLE building..ay mali hindi siya building kase isang floor lang ang sakop ng TLE at dun naman sa gawing yon ang canteen--" sunod sunod niyang dadak! nakaka loka ah!
minsan talaga ang mga lalaki mas madaldal pa sa babae.
"Tumigil ka nga! Ang init na nga dumadagdag ka pa!" pag papa tigil ko sakanya
"Yan na man ang-----"Napahinto siya dahil sa sinabi ko at dahang dahang tumingin sakin ng mag ka salubong ang kilay pero dahan dahan naman iyong nawala at bigla siyang Ngumiti sakin na parang ng aasar.
"iana alam kong napaka hot ko at sobrang gwapo ko pero please.... Di ko kasalanan kung gaano kainit ang panahon pero.... Dahil alam kong Dahil sa Ka Hot-an ko kaya mainit ay nag papa umanhin ako"
(⊙o⊙)?
Hanuu dawww?
"ano? sinong may sabing hot ka?"
"ikaw--"
"Sa laki kase ng bunganga mo lahat ng masamang hangin ay Lumalabas pag dumada-dak ka!"
"hoooooyyyyy! para sabihin ko sayo itong sinasabi mong bungaga ay pinag papantasyahan ng maraming kababaihan!"
"Kababaihan o Kumpol ng langaw?"
"Anong langaw!? baka ikaw ang langawin!"Gulat na laban niya.
Di talaga paawat ang baklang to"abat-" tinakpan naman niya ng madudumi niyang kamay ang napaka ganda kong Malalambot,Mapupula at matamis kong labi. Charr! haha
'"iana alam kong nakakatamad bumangon para maligo pero sana naman ay Nilabanan mo yun at naligo ka para naman di ka maamoy ng mga langaw at mga kaklase naten"
"Hoy! Anong Mabaho!? para sabihin ko sayo mas Mabango pa ang paa ko sayo no!"
"Talagang paa ang ihahantulad mo sakin? di mo lang man ginalang ang gwapo kong muka?"
Ang kapal!
"Pffffffft-" bago pa ako maka sagot ay may narinig akong impit na tawa sa may bandand liko namin.
Nakapila kase kame ngayon at nakatayong magka harap sa isat isa kaya yung impit na tumawa ay mismong nasa mag bandang gitna namin.
Pag lingon ko dun sa tumawa ay naalala kong siya yung pinatid kanina! Naka salamin siya at naka braid ang buhok.Mahaba ang blouse ng uniform niya at maluwag.Ganun din ang palda niya katulad na nga ng uniform ng teacher eh.Pero pag inayusan siya tiyak na maganda siya kulang lang talaga sa ayos.
Nung napansin niyang naka tingin kame ay Nagulat siya at Parang nahihiyang Nag baba ng ulo.At parang may binubulong pa siya sa sarili niya.
Weird...
"Hello!"Magiliw kong sabi sakanya
unti unti naman niyang tinaas ang ulo niya at tiningnan ako na para bang gulat siya.
"H-Hi"mahina niyang sabi at tinaas niya pa ng onti ang kamay niya para kawayan ako.
"Ako pala si Ch---Iana." Bahong baho ako sa totoo kong pangalan kaya iana nalang.
BINABASA MO ANG
Dati
Teen FictionAng Dati... npakaraming ala ala rito ang iba ay ang humubog sa ating pag ka tao ngunit paano kung sa isang iglap ay hindi mo na ito matandaan? aalamin mo pa ba ito? o... hahayaan nalang ang nakaraan at ipag papatuloy ang nalang kasalukuyan?