The Beginning:
Ayesa Montefalcon's Point of View
"May grupo ka na ba Ayesa?" napatingin ako sa harapan ko at nakita ang classmate kong si Claude. Nandito ako ngayon sa botanical garden ng St. Mary's Univerisity. Hindi ko gaano narinig ang sinabi niya kaya tinanggal ko ang suot kong earphones.
"Ano sabi mo?" tanong ko at natawa naman siya.
"May grupo ka na? para sa English 4?" ah, tinutukoy niya pala ang activity naming play para kay Mrs. Badilla. Tumango naman ako bilang sagot.
"Oo. Kagrupo ko sila Kuya Sam. Ikaw ba may grupo na?" umiling naman siya.
"Wala nga eh, absent kasi ako noong nag-groupings. Pagpasok ko kanina nagimbal ako dahil may activity daw. Exempted na daw sa midterm kapag nagawa ang activity."
"Ah, oo. Kung wala ka pang grupo tanungin ko si Kuya Sam kung puwede ka pa isali. Ang alam ko kasi kulang kami ng dalawang member. Wala kaming narrator at taga sound system." Nagliwanag naman ang mukha niya at kinuha ang dalawang kamay ko na nakapatong sa lamesa. Pinisil niya ang mga kamay ko.
"Naku thank you! Ayaw na kasi ako tanggapin nila Rustom sa kabilang grupo eh. Buti na lang nakita kita." Pagkatapos ay umalis na siya na tuwang tuwa. Tinext ko si Kuya Sam kung puwede pa magdagdag ng grupo at agad naman siyang sumagot ng oo.
Pagkauwian ay dumaan ako sa supermarket para mamili. Naisipan kong Magluto ng beef caldereta para sa hapunan.
Naglalakad na ako pauwi pero pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin. Huminto ako sa paglalakad at lumingon. Wala namang ibang taong nagdaraan maliban sa akin. Binalewala ko na lang at naglakad na ulit. Malapit na ako sa bahay pero nandoon pa din ang pakiramdam ng may sumusunod. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o talagang may sumusunod.
Kung mayroon man, sino? sino namang susunod sa akin? may magkainteres ba sa akin?
"O Ayesa ang dami mong dala." Bati sa akin ni Tiya Alice pagkapasok ko sa bahay.
"Magluluto ako para sa hapunan natin Tiya. Naalala ko kasi short ka sa budget ngayon. Ako na ang bahala sa hapunan natin."
"Naku bata ka. Nag-abala ka pa imbes na ipunin mo na lang ang pinambili mo diyan. Pero nak, salamat." Sabi niya at niyakap ko naman siya.
"Tara magluto na tayo ng beef caldereta! Alam kong paborito mo ito Tiya."
-
"Ako na ang maghuhugas nito hija." sabi sa akin ni Tiya Alice. Inilapag ko ang mga hawak kong plato sa may lababo at tumingin sa kanya.
"Ako na po Tiya. Kaunti lang naman ang mga ito." Sabi ko at binuksan ko na ang gripo.
"Hija, ikaw na nga ang nagluto ikaw pa maghuhugas. Ayokong abusuhin ang kasipagan mo. Sige na, umalis ka na diyan at ipaubaya mo na sa akin ang mga hugasin. Gawin mo na lang ang mga assignments mo kung mayroon man, kung wala ay magpahinga ka na." Hinawakan ako ni Tiya Alice sa braso at hinatak paalis sa lababo. Napabuntong hininga ako at ngumiti sa kanya.
"Sige po Tiya, salamat. Aakyat na po ako sa kuwarto ko." Tumango naman siya sa akin at tumalikod na ako para makapagpahinga.
Pagpasok ko sa kuwarto ay naligo na muna ako. Napapikit ako ng dumaloy sa katawan ko ang tubig, nabura ang pawis, alikabok at pagod ko na nakuha sa buong araw. Tila narelax ang mga kalamnan ko maging ang isipan ko.
Pagkatapos ko maligo ay nagbihis ako ng bestida kong pantulog. Dahil basa pa naman ang buhok ko ay naisipan kong magbasa- basa muna ng mga topics na ile-lesson namin para bukas.
BINABASA MO ANG
Heighman: My Vampire Lover
VampireMeet Ayesa,isang ordinaryong college student. Matagal na din siyang nag-iisip tungkol sa isang lalaki na kumakausap sa kaniya tuwing gabi. Hindi niya mawari kung totoo ba o panaginip lang ang lalaking iyon. Nagbago ang lahat nang magtransfer sa kani...