Chapter One
Ayesa Montefalcon's Point of View
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na lumulusot sa bintana ko. Tiningnan ko ang alarm clock na nakapatong sa aking bedside table. Ala sais y media ng umaga, sapat lang para makapaghanda ako sa pagpasok. Tumayo ako at kinuha ang tuwalya saka pumasok sa banyo. Bigla kong naalala ang boses ng isang lalaki. Hindi ko alam kung panaginip ba iyon o totoo. Pero parang totoo kasi. Hindi ba kadalasan, kapag panaginip ay malilimutan mo paggising pero 'yung kagabi tanadang-tanda ko talaga. Bawat detalye, 'yung init ng kamay niya ay damang dama ko pa din. 'Yung halik ay parang nandito pa din sa noo ko.
Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako ng kuwarto. Naabutan kong naghahanda ng agahan si Auntie Alice, nagluto siya ng sinangag, tuyo at itlog na maalat na may kamatis. Siya nga pala, si Auntie Alice ay kapatid siya ng papa ko. Siya na ang nag-alaga sa akin simula noong limang taong gulang palang ako. Ang mga magulang ko ay maagang pumanaw dahil sa isang aksidente. Ang sabi ni Tiya noon, nabangga daw ang sinsakyang taxi nila Papa ng isang truck. Mabuti na lang daw na hindi ako kasama ng mga panahong iyon. Baka kung nagkataon ay maaga na din akong nawala sa mundong ibabaw. Anyway, walang asawa si Auntie kaya halos ituring na niya akong tunay na anak.
"Magandang umaga Auntie." Bati ko sa kaniya at hinalikan siya sa kanyang pisngi.
"Magandang umaga din. Buti naman at bumaba ka na. Kumain ka na at male-late ka na sa klase mo." Sagot niya sa akin at naupo na sa hapag kainan. Sinunod ko naman ang sinabi niya.
"Kape mo pala." Napatingin ako sa mug na inilapag niya sa harapan ko. Amoy na amoy ko ang aroma ng kapeng barako. Unti- unting nabubuhay ang diwa ko dahil sa amoy nito.
"Salamat, Auntie Alice."
"Walang anuman. Sige na kain na at baka matraffic ka papasok ng eskwelahan." Umupo na din siya at sinabayan ako sa pagkain.
Maya-maya'y nagpaalam na ako sa kaniya at lumabas na ng bahay. Habang naglalakad ako ay inaayos ko naman ang earphones ko. Trip ko kasing magsounds ngayong umaga. Nang ilalagay ko na ang mga earphones sa tenga ko at naghahanap na ng kantang papatugtugin ko ay bigla na lamang akong napatigil.
"Ayesa..."
May boses ng lalaking bumanggit ng pangalan ko. Agad akong napalingon para tingnan kung sino ang tumawag. Nagtaka ako dahil wala naman akong nakitang tao na tumawag sa akin. I mean, may mga tao pero hindi ko naman sila kilala at paniguradong hindi rin naman nila ako kilala.
Nakita ko ang isang lalaking naglilinis ng kotse, imposible namang siya ang tumawag sa akin dahil masyado siyang abala sa paglilinis at saka hindi ko siya kilala. May babaeng naglalakad ng matulin na sa palagay ko naman ay malelate na siya. Obvious na hindi siya dahil nilagpasan lang niya ako at saka boses lalaki ang tumawag sa akin. Mas lalong imposible din namang 'yung aso sa katabing bahay ang tumawag sa akin.
"Hmmp. Guni-guni ko lang 'yun." Bulong ko at tuluyan ko ng inilagay ang earphones sa tenga ko. Pinatugtog ko na ang kanta ng She's Only Sixteen na Dying to meet you.
All the boys are dying to meet them girls
All the girls are dying to meet you
Such a shame that you couldn't be yourself
Wasting time acting like you're someone else
Acting out and trying to keep low-key
Think about your excuse in the morning
Started running out of alibis to say
Your dad's crying, "I never brought you up that way"Habang nasa biyahe ako ay hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang lalaki sa panaginip ko. Pakiramdam ko kilala ko siya, na parang matagal na kaming magkakilala. Hindi ko naman maalala kung sino siya, hindi naman ganoon kalaki ang circle of friends ko. Hindi naman siya si Kuya Sam, si Rustom o si Claude.
BINABASA MO ANG
Heighman: My Vampire Lover
VampirosMeet Ayesa,isang ordinaryong college student. Matagal na din siyang nag-iisip tungkol sa isang lalaki na kumakausap sa kaniya tuwing gabi. Hindi niya mawari kung totoo ba o panaginip lang ang lalaking iyon. Nagbago ang lahat nang magtransfer sa kani...