Chapter Four

6.7K 224 9
                                    

Chapter Four:


Ayesa Montefalcon's Point of View

Heighman France, what did you do to me? bakit ganito ang nararamdaman ko sayo?

"I love you, Ayesa. I love you so much." He said pagkatapos niya akong halikan. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng sobrang kasiyahan. God! Kinikilig ako! Pero hindi tama ito.

"Hieghman," tanging pangalan lang niya ang nabanggit ko. Hindi gaano gumagana ang mga brain cells ko. Binitawan na niya ako at hinawakan niya ang dalawa kong kamay. Inilapit niya ito sa mukha niya at hinalikan ang mga kamay ko.

"Ayesa, can you be my girlfriend?" Nagulantang ang buong pagkatao ko sa narinig ko. Teka ano daw? girlfriend? he wants me to be his girlfriend?

Teka lang! Kahit na kikilig ako hindi naman tama na ganito agad.

"Heigman, teka lang ah. Masyado kang mabilis. Look, one month palang tayong magkakilala. Hindi pa nga tayong lubos na magkakilala. Baka nalilito ka lang sa nararamdaman mo." I said at binawi na ang mga kamay ko. Totoo naman di ba? baka nalilito lang siya or bugso lang ng damdamin niya iyan kasi always kaming magkasama lately. Kahit na crush ko hindi naman dapat na bumigay ako kaagad. Siyempre, dalagang Pilipina pa din ako. Muli niyang kinuha ang mga kamay ko at hinawakan ito ng mahigpit. Umiiling iling siya bago nilagay ang mga kamay ko sa kanyang dibdib. Napalunok pa ako ng mmaramdaman ang matigas niyang dibdib. Mukhang alaga sa gym ang lalaking ito.

"Hindi Ayesa. Hindi ako nalilito. I am very sure on how I feel for you. Matagal na kitang gusto, so what if things seems to be on rush? it doesn't matter Ayesa. All that matters is what I feel for you. Meron tayong habang buhay para kilalanin ang isa't isa. I will court you for the rest of my life. Hindi mo alam kung gaano ako naghintay sayo." Bigla na lamang akong napangiti sa sinabi niya. Pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala. Na para bang matagal na pinagsamahan namin. Hindi naman siguro masama kung oo agad di ba? do I need pa bang magpakipot? crush ko rin naman siya eh. And guys! NBSB ako! Baka puwedeng magkajowa na ako di ba? palalagpasin ko ba ang poging katulad niya?

This time, ngumiti na ako at tumango tango. Waley na care sa dalagang Pilipina.

"Heighman, pumapayag ako." Sagot ko at nakita ko namang lumiwanag ang kanyang mukha. My heart skips a beat nang ngumiti siya sa akin. A true and genuine smile.

"Talaga?!" tanong niya at mukhang hindi siya makapaniwala kaya tumango na naman ako sa kanya. Tumalon siya sa tuwa at bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"I've waited for this for so long." Bulong niya sa akin. Niyakap ko na din naman siya ng mahigpit. Oh my goodness! Hindi na ako NBSB.

Nang mag-uwian ay lumabas kami ng room na magkahawak kamay. First time kong maranasang may kaholding hands while walking. Alam kong maraming nakatingin sa akin but I don't care. All that matters to me is how happy I am. Ngayon lang talaga ako nakaranas ng totoong kasiyahan, at hindi ko akalaing si Heighman pala ang magbibigay sa akin nito. He keeps on smiling while we are walking papuntang parking lot. Gustong gusto daw niyang hawakan ang kamay ko. Nahiya pa nga ako sa una dahil ang lambot ng kamay niya hindi katulad sa akin na magaspang dahil sa mga kalyo. Iba talaga siguro ang anak mayaman, namangha pa ako sa kotse niya. Ang ganda at kulay pula ito, deep red ang kulay, halos kulay na ng dugo. Pinagbuksan niya ako ng pinto bago siya sumakay at pinaandar ang kotse. Tinanong niya ang address ko na agad ko namang sinabi. First time kong ihahatid ng isang lalaki sa bahay. Hindi ko tuloy maiwasang kiligin. Oh my goddness Ayesa, ano bang ginawa mo at nahulog sa kagandahan mo ang lalaking ito?

Pinagmamasdan ko siya habang nagmamaneho siya at hindi mawala ang ngiti sa labi niya. Somehow, kontento ako sa nakikita ko, nakaramdam ako ng kasiyahan dahil alam kong masaya siya. Ito ang hindi ko maintindihan, para bang ang tagal na naming magkakilala. Mabilis na pumalagay ang loob ko sa kanya. Pagdating namin sa bahay ay napansin kong nakapatay ang ilaw so meaning wala si Auntie Alice, malamang ay namalengke iyon. Bumaba siya ng kotse at pinagbuksan ang pinto.

Heighman: My Vampire LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon