Chapter Three
Ayesa Montefalcon's Point of View
Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. Ano ba naman ito?! Panira ng tulog, ang sarap sarap ng tulog ko eh. Wala sa sarili kong napahawak sa mga labi ko. Pakiramdam ko may labi pa ring nakalapat dito. Ano ba iyon? panaginip? napatingin ako sa bintana, nakasara naman iyon. Hindi naman kasi bukas. Siguro nga panaginip lang iyon. Kakaiba talaga ang mga nagiging panaginip ko. Kung ang ibang tao ay iba- iba ang mga nagiging panaginip, ako naman ay iisa lang. Iisang lalaki lang ang dumadal;aw sa panaginip ko gabi-gabi. Hindi kaya kaluluwa iyon na pinagmamasdan ako habang tulog? may nabasa ako dati na article na ang mga tao sa panaginip mo na hindi mo kilala ay mga kaluluwa daw na pinagmamasdan ka habang tulog. Naku baka kaluluwa ang may gusto sa akin? kaluluwa ang kumuha ng firstkiss ko? hay nako Ayesa, kung anu-ano na ang mga naiisip mo. Tumayo na ako at inayos ang higaan ko saka ko binuksan ang bintana. Sinalubong ako ng malamig na hangin, pinagmasdan ko ang kalangitan at medyo nalungkot. Mukhang uulan ngayon ah, makulimlim kasi.
Nagsimula na akong maghanda para pumasok. Habang nasa tapat ako ng salamin at nagbibihis ay may napansin akong kakaiba sa leeg ko. Lumapit talaga ako sa salamin at halos sumubsob na ako sa salamin dahil sa nakita ko.
"What is this?" tanong ko habang pinagmamasdan ang leeg ko. Parang kinagat ng kung ano. Dalawang tuldok tapos medyo nangingitim. Siguro kagat lang ito ng kung anong uri ng insekto. Jusme naman ang insekto, sa leeg ko patalaga naisipang kagatin. Kinuha ko na lang ang concealer ko para kahit papaano ay matakpan.
Muli kong tiningnan ang sarili ko at medyo satisfied naman sa hitsura ko kaya lang kung titingnan maigi ang leeg ko mahahalata itong kagat ko.
"Good morning Auntie!" Bati ko kay Auntie Alice at ngumiti naman siya sa akin. Hinainan niya ako ng tocino at kanin samantalang ako naman ang nagtimpla ng kape namin. Inamoy ko pa ang umuusok na kape at medyo nagtaka ako dahil hindi ito ang usual na amoy ng kapeng barako na laging binibili namin ni Auntie. Tinikman ko ito at napasimangot dahil halos wala itong kalasa-lasa.
"Auntie, nagpalit ka ba ng coffee natin?" tanong ko sa kanya at nakita kong nagtaka siya.
"Hindi, bakit?" umiling na lang ako bilang response. Hindi kaya expired na ito? o baka panlasa ko lang ang iba.
"Ano iyang nasa leeg mo Ayesa?" tanong ni Tiya at napahawak ako sa leeg.
"Kagat yata ng insekto. Paggising ko na lang may kagat na ko sa leeg." Sagot ko at pinagpatuloy ang pagkain.
"Ibang klaseng insekto ah, sa leeg talaga. Parang vampire lang ah," natawa naman ako sa sinabi niya.
"Naniniwala ka doon Auntie? mythical creatures lang iyan eh. As if na may vampire na dadalaw sa akin Auntie."
"Naku Ayesa! Malay mo totoo sila. Masyadong malawak ang mundo hija, marami pa tayong hindi natutuklasan. Hindi naman masasabi ng mga matatanda iyan kung wala silang nakita. Wala namang masamang maniwala sa mga ganoong nilalang."
After ko kumain ay umalis na din agad ako. Habang nasa jeep ay napaisip ako sa sinabi ni Tiya Alice, tama siya masyadong malawak ang mundo, marami pa tayong mga bagay na hindi natutuklasan. Pagdating ko sa room ay may iilan ng mga classamate ko ang nandoon. Nakita kong nandoon na din si Claude at mukhang naglalaro ito sa cellphone niya. Umupo na ako at nagulat ako ng umupo sa tabi ko si Claude. Sa upuan muna siya ni Heighman umupo.
"Hey! Good morning!" Bati niya sa akin kaya ngumiti naman ako sa kanya.
"Good morning din!" Bati ko sa kanya at naconscious naman ako ng titigan niya ang leeg ko. Naku, mukhang napansin niya ang leeg ko.
BINABASA MO ANG
Heighman: My Vampire Lover
VampirMeet Ayesa,isang ordinaryong college student. Matagal na din siyang nag-iisip tungkol sa isang lalaki na kumakausap sa kaniya tuwing gabi. Hindi niya mawari kung totoo ba o panaginip lang ang lalaking iyon. Nagbago ang lahat nang magtransfer sa kani...