Chapter 3

95 3 2
                                    

"Ano ba?! Lasing ka!!! Maaksidente tayo niyan! Ako na magda drive!"

"Shinabing h-hindi ako la-lashing! Manahimik k-ka jan."

"Itigil mo na yung sasakyan pwede ba?!"

"Ken, ang sh-shakit. S-sabi ko *sniff* di ko siya s-sasakt-tan. K-kasho a-ang shakit n-na nakit-a ko siyang n-naiyak."

"Alam ko kung gaano kasakit yan, napagusapan na natin kanina na sa bahay nalang natin pag-usapan yan dba? Sabi ko sa'yo wag kang magpakalasing e. Nabilis na andar natin! Ano ba! Balak mo ba magpakamatay?!"

"P*TA! Sira ata yong bre--"

*BOOOOOOOOOOOOGGGGGGGSSSSSSHHHH*

KRIING KRIIING!

Alarm clock ko pala. Ugh, ayun nanaman yung panaginip ko. Kaso ang labo ng mukha nung kasama kong lalake e. Pero parang kamukha ko siya?! Hah. Ang sakit ng ulo ko. 5:32 AM na. Makabangon na. Ngayon ko nga pala kakausapin si Steffi. ^o^

Ligo ligo... Toothbrush... Bihis... Kuha gamit... Kain... I'm all done!

"Na Linda, pakisabi nalang kay Mommy paggising pumasok na ko."

"Opo Sir."

"Sabi ko sa'yo Ken nalang po e. Haha! Salamat!" 

Umalis na din ako agad. Sumakay na ko sa kotse, well, may driver ako. Bawal pa ko magdrive 15 palang ako e. Haha!

After 10mins... 

Leigh University

"Thank you, Kuya Rolly!"

Sabi ko sa driver ko.

"Ingat Sir!"

Pumasok na ko. Nakakaexcite naman! Ano kayang mangyayari ngayong araw? Haay, Steffi namimiss na kita!!!

Naglalakad ako nang biglang...

*boogssh*

May nabunggo akong babae, at bigla siya nahimatay! Oh no! 0.0 

Hindi ko siya kilala. Pero parang nakita ko siya sa classroom. Tama isa siya sa kaklase ko! Siya yung... Yung cute! Ano bang pangalan nito?! Ay, sa back right kasi siya nakapwesto, ako sa middle ng room. As in MIDDLE. Kaya hindi ko pa siya nakakausap. Pero natingin tingin siya sakin. Ramdam ko at kita sa corner ng mata ko. Hahaha. 

Okay, back to reality. Bubuhatin ko na sana siya para dalhin sa clinic nang...

O_O

H-hinalikan niya ko. THREE-SECOND KISS! Ibang klase tong babaeng to. -_- Tumayo na ko. Tumayo na din siya.

"W-What was that f-for?!" Ako

"My way of welcoming you. Di kita na welcome back kahapon e. Miss me?" ;)

"Grabe ka Miss. Ano bang pangalan mo?"

"H-hindi mo ko kilala?! Sabagay, pinagasddgdhdjffgldjsnsyan mo aksjd akakdod nodjsns."

Psh, malamang. Problema nito. Bulong ng bulong.

"Okay, magpapakilala ulit ako sa'yo. Ako si Hannah Perez. Alam mo namang kaklase mo ko diba?!"

"Ah, o-oo. T-tara na sa classroom."

Wala na kong masabi e. Ang lapad naman ng ngiti nito! Susmiyo. x_x 

Kumapit pa sa braso ko. Okay, siya na feeling close. Sana si Steffi nalang gumawa nito sakin.  

Nakarating na kami sa classroom. Naabutan ko- ay namin pala na nagtatawanan si Steffi at yung katabi niyang babae. Pero nung makita niya kami, bigla siyang tumahimik. Holy moly! Nagselos ata Angel ko! Eto kasing babaeng nakadikit sakin e. Ayaw akong lubayan. -_-

"Punta ka na sa upuan mo." sabi ko kay Hannah.

"Bye Sweetie! Talk to you later!" at ayan nanaman ang kiss. Ang adik nito! Ako lang naman ang kinikiss kasi ang suplada sa iba oh? Tsk tsk. Ganun ba ko kagwapo?! Naman! XD

Naupo na ko sa upuan ko. Wala pa naman adviser namin e, makausap muna si Steffi. Wooh! Hinga ng malalim eto na.

"S-st-ste-Steffi."

Eto na humarap na siya.

"Anong kailangan mo?!" Steffi

Ang taray niya. Hmm, siguro kasi nga gangster siya. Hayaan na. Gusto ko parin siya. ^_^

"Gusto lang sana kitang maging ka-ibiga... este kaibigan" Ako

May mali ba sa sinabi ko? Bakit nagulat siya?

"Good morning Class." Mrs. Raffman

AY?! O_o Ganda ng timing mo Ma'am! Ayos umeksena. Hanep ka talaga!

"Good morning, Mrs. Raffman!" Bati nila habang ako? Nakatitig pa rin kay Steffi. Nag aantay ng sagot kahit nakatingin siya sa teacher namin.

Naupo na kaming lahat. Nararamdaman kong umiiwas sa akin si Steffi. Hindi man lang siya tumitingin. x_x

Hindi ko makita ang mata niyang napakaganda na nang minsang sumulyap sakin,

AY NAGAWA AKONG PAIBIGIN.

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon