Chapter 4

64 4 0
                                    

2nd day parin ng school. Naglilibot libot ako sa Leigh University ngayon. Lunch time e. Tinatamad akong kumain e. Nakakainis pa na parang ang bagal ng oras dahil sa lungkot ko. Bakit ganun nalang ang trato sakin ni Steffi? Parang may nagawa akong mali sa kanya. Ngayon ko lang naman siya kinausap a? Oo, feeling ko matagal ko na siyang kakilala. Pero... AH! Ewan!

Napatigil ako sa harap ng isang room. "Music Room" yan ang nakalagay sa pinto. Familiar to sakin! San ko nga ba to nakita?! Hmm. Umm. Ah! Sa panaginip ko! Ang astig. May premonition ako? Haha. Hula ko pagpasok ko may piano! At di nga ko nagkamali, pagpasok ko ay mayroon nga!

Woo! Astig! Makapag piano muna. Pampatanggal lungkot din.

Ano nga ba kaya kong tugtugin dito? Ayun! Yung tinutugtog sa panaginip ko! Incomplete by Sisqo.

Habang tinutugtog ko to, naaalala ko yung babaeng katabi ko sa panaginip ko. Blurred nanaman yung muka niya. -_- Pero ramdam ko kung gaano ako kainlove sakanya ng mga oras na yun,

Kung gaano ko siya ka mahal,

kung gaano ako kasaya habang kasama siya.

Lahat yun naramdaman ko kahit sa panaginip lang.

Sino kaya siya?

*sniff* *BLAAAG*

Hala! May nakarinig sakin habang tumutugtog ako! Bakit siya napaiyak? Pagkatapos ko ay tinalpak pa niya yung pinto?! Ibang klase. -_- Nakisama sa pag eemote ko ha?! Pero, magaling yalaga ko tumugtog!!! Nakapagpaiyak ako e. HAHAHAHAHA!

*KRIIINGG*

Babalik nanaman sa classroom. Haay, hindi ko na nga muna kakausapin si Steffi. Baka mainis lang siya sakin e. Eto na. Nasa classroom na ko. Hingang malalim Ken! Papasok na sana ako kaso medyo maingay sa loob. Sumilip muna ako, at nakita ko si Steffi na umiiyak habang sinusuntok ang katabi niyang upuan, upuan ko actually. Ayaw niya yata ako katabi. T_T

"Bakit kasi bumalik *sniff* ka na naman! Hindi pa n-- *sniff* nga ko nakaka move on e."

Broken hearted ang anghel ko. +_+ Kanino kaya? Masasapak ko! Pareresbak ko sa gang ko. Huhuh---- teka! Gang? Wala kong gang! Ays. Sino ba naman kasi nanakit dito? Hindi dapat pinapaluha ang ganitonh babae! Her tears are precious. Her smile is precious.

She is, for me, a treasure.

Haay, lapitan ko kaya siy--- Okay nagsi pasukan na mga kaklase ko. At siya, biglang naging ok! Wtf? >_< ibang klase ang mood swing. To the highest level!

Pumasok na din ako. Tingin ako ng tingin sa kanya, pero ni saglit ramdam kong hindi siya tumitingin.

Di bale Ken! May isang school year ka pa para mapaibig siya.

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon