Ayumie POV
Pagdating namin ng hospital dumeretso agad kami kung saan ang room ni Sam. Tinext na kasi ni Xander ang room number kaya hindi na kami nag tanong pa sa nurse station.
Pag bukas ko ng pinto. Unang nakita ko si Tita Syrel na nasa left side ni Sam habang hinihimas ang buhok. Si tito Andy naman sa right side at nakahawak sa kamay ng anak nya. Bakas sa mga mukha nila ang pag aalala.
Tuloyan na kaming pumasok sa loob. Lumapit agad ako kay Sam at hinawakan ang kamay nya. Ang init nya! Ang himbing ng tulog nya at pansin ko din ang medyo maputla niyang labi. Nakaramdam tuloy ako ng awa sa bestfriend ko. Ang ayuko pa naman sa lahat ay ang nakikitang nasasaktan at nahihirapan ang mga taong mahal ko.
"Ano pong nangyari?" Tanong ko kay Tita.
"Maghapon siyang may lagnat kahapon. Sinusubukan namin siyang painumin ng gamot kaso ayaw niya." Sabi ni Tita.
Napatingin ulit ako kay Sam. Ba't ba kasi ang tigas tigas ng ulo ng babaeng 'to! Knowing Sam himdi talaga siya umiinom ng gamot. Ayaw niya ng gamot dahil daw nababara iyon sa lalamunan. Sira 'to. Naramdaman kong gumalaw ang kamay niya.
"Sam?" Tawag ko sa kanya.
Unti unti bumukas ang mga mata niya. Tumingin sya sa puting kesami bago tumingin samin. Agad namang lumapit si Xander at Jeth sa tabi ko.
"San ako?" Kunot noo nyang tanong habang isa isa kaming tinitingnan.
"Sa school, Sam. Tiningnan mo, oh. Nag ki-quiz nga tayo." Sarcastic kong sabi.
Mas lalong kumonot naman ang noo nya.
"Hala! Ba't 'di mo sinabi?" Nagpapanic kunwaring aniya.
Kahit kelan talaga! Tss! Narinig ko ang mahinang pag tawa mg dalawa na nasa tabi ko.
"How's your feeling?" Pag iiba ko.
"Medyo okay na rin. Ano bang nangyari?" Sabi nya habang umoupo para sumandal sa headboard ng kama. Inalalayan naman sya ni Xander at Jeth.
"You're just over fatigue." Kibit balikat ko.
"Yun lang naman pala. E anong ginagawa ko dito?" Taka nyang tanong.
Yung kaninang awa ko napalitan iyon ng pagkainis! Baliw na talaga 'to! Nakakainis! Kung wala ka lang talagang sakit kanina pa siguro kita nabatukan e.
"Seriously." Nag titimpi kong sabi.
"Baby." Tawag sa kanya ni tita na lumapit sa kanya. "Kamusta pakiramdam mo?"
"Medyo ok na din po, my."
Napatingin si Sam sa gawi nila Jake at Abe na nakaupo sa may bandang gilid.
"Ay, Tita. Si Abe at Jake po pala kaibigan namin." Pag papakilala ko sa kanila.
Tumayo naman ang dalawa at nakangiting tumingin kay Tita Syrel.
"Hi, po." Nakangiting bati ni Abe.
"Girlfriend ko po pala Tita."Si Jeth na lumapit kay Abe.
Nanlaki ang mata ni Tita na parang natuwa dahil sa narinig.
"Really? Pumapag ibig na, ah." Pang aasar niya. Sabay na natawa ang dalawa. Napatingin naman si Tita kay Jake na nasa tabi ko. "Ikaw? Boyfriend ni Ayumie?" Tanong niya.
Natatawang napatingin sakin si Jake bago sumagot.
"Naku, Hindi po."
"Ay! Akala ko kayo e. Sayang naman, bagay pa naman kayo."
BINABASA MO ANG
I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)
Teen FictionWe all have a boy best friend na hindi natin inaasahang mahulog ang loob natin sa kanya. Minsan, kahit masakit sa part natin na hanggang kaibigan lang talaga ang turing sayo, wala kang magagawa kundi tiisin ang sakit sa loob mo. Gusto mo man sabihin...