Ayumie's POV
Hindi ko alam kung ako lang ba 'tong nag iilusyon. Kanina ko pa kasi napapansin, 'tuwing si Jeth na ang may hawak ng bola at nag didriball papunta sa ring para ishoot titingin muna siya dito sa gawi ko saka ngingisi bago niya ishoot ang bola. Panay naman ang sigawan at tilian ng mga babae habang sinisigaw nila ang pangalan ni Jeth. Pati na si Claire na nandito sa tabi ko. Panay rin ang sigaw at tili niya with matching talon talon pa. Kaya tuloy panay din ang iwas ko sa kanya dahil baka bigla niya na lang hilain ang buhok ko dahil sa sobra niyang kilig diyan.
Hindi ko na lang sana papansinin kung anong napapansin ko kay Jeth pero hindi ko naman maiwasan. Kasi malamang nanunuod ako ngayon ng laro nila. Sa totoo lang. Ayaw ko sanang manuod ngayon dahil nakipag desisyonan na ako sa sarili ko na ayaw ko munang makita si Jeth and other words makapag isip isip na muna. Kasu, papalabas na sana ako ng room kanina nang makasalubong ko si Claire. Pinilit niya akong manuod kasama niya at dahil sa makulit at hindi niya talaga ako tinantanan at hinila hila niya pa ako wala akong nagawa kundi sumama na lang sa kanya. At ngayon? Kahit pilitin ko mang ienjoy ang sarili ko na manuod kagaya ng mga babaeng tuwang tuwa habang nanunuod hindi ko magawa. Naboboring ako at parang gusto ko na lang na umalis.
Hindi sa ayaw ko na talagang makita si Jeth. Pero kasi, ever since talaga hindi ako mahilig manuod ng basketball. Kahit sila Jeth at Xander na player ng basketball may laban hindi talaga ako nanunuod ng games nila. At alam nila 'yun. Natatanaw ko rin sila Sam at Abe na nakaupo ngayon sa upoan ng mga players. Panay rin ang pag chicheer up nila habang winawagayway ang lobong hawak nila na kulay dilaw kagaya ng kulay ng jersey na suot ng players ng school namin. Nag isip ako ng paraan kung paano ako makakalabas dito. Dahil kapag sinabi ko na ayaw ko ng manuod paniguradong hindi ako papayagan ni Claire. Ilang sandali lang may biglang pumasok sa isip ko na pwedeng idahilan sakanya.
"Claire." Sabay kalabit ko sakanya. Napatingin naman siya sakin. "I need to pee." Sabi ko at kunwaring hinawakan ang puson ko.
"But the game is not over. Hindi mo pwedeng mamiss ang laban nila Jeth. Last quarter naman na 'to, eh."
"Naiihi na talaga 'ko. Babalik naman ako, eh." Giit ko pa at kunwaring pinakita sakanya na ihing ihi na nga ako.
"Ok. Balik ka, ha." Sabi niya at ibinalik ulit ang atensyon sa panunuod at sumigaw. "WOOOOOH! SHOOOOOT!"
Napailing na lang ako at umalis na. Pagkalabas ko ng gym. Napahinga ako ng maluwag. Kahit dito sa labas rinig na rinig pa rin ang ingay mula sa loob. Napag disisyonan ko na pumunta ng canten at doon muna tumambay. Hindi naman kasi pwedeng umuwi dahil hindi pa oras ng uwian namin. Bumili muna ako ng tubig saka nag hanap ng mauupon. Iilan lang ang istudyanteng nakatambay dito ngayon. Malamang 'yung karamihan nandon sa gym nanunuod.
Maya maya pa, Unti unti na rin na dumadagdag ang mga istudyante dito sa canten. May ibang nag sisipasukan na din. So, ibig sabihin, tapos na ang laban.
"Grabe! Ang galing talaga ni Jeth! Siya lang 'ata 'yung nagpanalo sa grupo nila." Rinig kong sabi nong isang babae at mukhang kilig na kilig pa. Umupo sila ngayon sa katabi ng pwesto ko.
"Akalain mo 'yun. Andami ng lamang ng puntos nong kalaban, tapos biglang nahigitan ng players ng school natin! Ang galing!" Sabi naman nong isa.
"Yeah. At lahat 'yun ng dahil kay Jeth at Xander! Kyaaaah! Ang ga-gwapo na, ang gagaling pa!" Tili naman nong isa pa.
"Kaya nga ang swerte ni Abegail kay Jeth, eh. Tsk! Naiinggit tuloy ako sakanya. Crush na crush ko pa naman si Jeth!"
"Oo nga. And you know what girls. Masyadong PDA naman sila kanina, eh."
"Ha? Bakit naman?"
"Hindi niyo ba nakita? Pakatapos nong laban nakita kong tumakbo si Abe papunta kay Jeth para salubongin niya ng yakap si Jeth. Tapos nakita ko pang pinupunasan niya pa ng pawis si Jeth." Kwento ng babae.
BINABASA MO ANG
I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)
Teen FictionWe all have a boy best friend na hindi natin inaasahang mahulog ang loob natin sa kanya. Minsan, kahit masakit sa part natin na hanggang kaibigan lang talaga ang turing sayo, wala kang magagawa kundi tiisin ang sakit sa loob mo. Gusto mo man sabihin...