Jeth's POV
Pakatapos ng practice namin. Dumiretso muna ako sa locker ko para mag bihis dahil basang basa ang suot kong jersey dahil sa pawis. Pakatapos ay lumabas na. Kinuha ko ang phone ko para itext si Abe dahil may usapan kami ngayon na lalabas. Pakatapos ibinalik ko ulit ang phone sa gym bag ko. Habang nag lalakad ako patungo sa parking lot nang may namataan akong parang pamilyar sakin na nakatayo habang kausap 'yong lalakeng naka jersey din kagaya ng akin. Si Cliford. May kausap siyang babae na nakatalikod. Hindi ko naman makilala kung sino ito dahil medyo malayo ang distansya namin.
Hindi ko na lang sana sila papansinin nang bigla namang humarap ang babae sa gawi ko. Agad na napakunot ang noo ko ng makita kong si Abe 'yon. Bakit sila magkausap? Humakbang ako para pumunta sa kanila. Habang papalapit ako sa gawi nila naririnig ko ang mahinang pagtawa ni Cliford. Habang si Abe naman nakangiti lang habang nakatingin sa kanya.
"Abe." Tawag ko sa kanya nang tuluyan na akong makalapit.
Humarap naman siya sakin na nakangiti pero nang makita niya ako ay unti unti ding nag laho ang mga ngiti sa labi niya at napalitan iyon ng pagkagulat.
"J-jeth."
Napatingin ako kay Cliford.
"What are you doing here?" Tanong ko kay Abe.
Bahagya pa siyang napatingin kay Cliford at muling bumaling sakin.
"I-i looking for you."
Ilang sigundo pa akong nakatingin sa kanya bago ako nag salita.
"Let's go." Malamig kong sabi.
Tinapunan niya muna ng tingin si Cliford bago humakbang at nagpaumuna ng nag lakad. Ilang sigundo pa akong nakatingin kay Cliford bago ako tumalikod at sumunod na kay Abe. Nang makarating kami ng parking lot ay sumakay na kami ng kotse. Nangingibabaw ang katahimikang namamagitan samin. Nakatingin siya sa labas ng bintana habang ako naman ay focus lang sa pag da-drive. Hindi mawala sa isip ko 'yong mga ngiti niya kanina. Ganon na ba sila ka close nung lalaking 'yon?
She's looking for me, huh. Tss!
Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila pinark ko na ang sasakyan.
"Akala ko ba lalabas tayo?" Taka niyang tanong.
"Pagod ako. Siguro bukas na lang." Sabi ko na hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Nanatili lang akong nakatingin sa unahan.
"Jeth." Buntong hininga niya.
"Sige. Aalis na 'ko."
"Galit ka ba sakin?" Tanong niya.
"Bakit naman ako magagalit sayo?" Tumingin ako sa kanya.
Hindi naman siya nakapag salita habang nanatili lang na nakatingin sakin.
"Okay, then. Thanks sa paghatid. Ingat ka." Yun lang ang sinabi niya saka bumaba na.
Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa loob. In-start ko na din ang kotse at umalis na. Pagdating ko ng bahay naabutan ko pa si Mama na nanunuod sa sala. Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo at sinalubong ako ng yakap.
"How's my boy?"
"Okay lang po. Where's pa?" Tanong ko.
"He's still in meeting."
"I see." Tango ko. "Akyat na po ako, Ma." Paalam ko at kiniss na muna siya sa noo bago ako humakbang patungo ng hagdan.
Pag pasok ko ng kwarto ay agad akong sumalampak sa malambot kong kama. Napatitig ako sa kisame. Naisip ko na naman tuloy si Abe at Cliford. Tss! Bakit ganon siya makangiti kay Cliford? Close na close, ha! Tss. Narinig ko naman ang pag ring ng phone ko kaya bumangon ako para kunin sa gym bag ko. Tiningan ko kung sinong tumatawag. Si Xander.
"Hey, dude." Bungad niya nang masagot ko ang tawag niya.
Muli akong bumalik sa pagkakahiga.
"Bakit?"
"Bar tayo?"
"Wala ako sa mood." Agad na sabi ko.
"Olul! Palagi ka namang wala sa sa mood e. Come on, dude. Magpakasaya ka naman kahit minsan." Pagpipilit niya pa.
"Ikaw na lang. Tinatamad ako." Sabi ko sabay patay ng linya. Narinig ko pa ang pag mura niya bago nawala ang linya.
Napatitig ako sa screen ng phone ko. Bigla na lang pumasok sa isip ko si Cha. Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng lunkot.
Wala sa sariling binubuksan ko na pala ang gallery at nakita ko ang picture namin ni Cha. Nakangiti ako habang naka-akbay sa kanya. Siya naman ay nakasimagot habang nakatingin sa camera. Wala sa sariling napangiti ako nang maalala ko 'to. Pinipilit ko siyang mag picture kami pero ayaw niya, kaya ayan ang kinalabasan. Ang sumonod naman ay kaming apat. Si Xander ang may hawak ng camera. Katabi niya si Sam, At kami naman ni Cha ang na sa likoran nila. Ito yung nag outing kami kasama ang mga parents namin. Ang sumonod ay si Cha lang. Nakangiti siya habang naka kindat. Ang cute niya dito sa picture. Bawat parte ng mukha niya parang ang linis linis tingnan. Napaka aliwas ng mukha. Magagandang mata, matangos na ilong, Makinis ang pisngi. At ang labi niyang mapula pula at manipis. Namalayan ko na lang ang sarili kong titig na titig na pala ako sa mukha ni Cha na nasa screen. Karamihan sa mga picture na nasa gallery ko mukha ni Cha at kaming dalawa lang. Palagi niya kasing hinihiram 'tong phone ko para mag selfie. Ganon siya ka adik.
Pakatapos kong tingnan ang mga pictures inilagay ko ang phone sa gilid ng unan at bumangon at nag tungo sa banyo. Paglabas ko. Sakto namang tumonog ang phone ko kaya lumapit ako sa kama at kinuha para tiningnan kung sinong tumatawag. Si Abe.
"Hmm." Sabi ko nang masagot ko ang tawag niya.
Pero wala naman akong narinig mula sa kabilang linya. Napakunot ang noo ko.
"Hey. Are you there?" Tanong ko pa ulit.
"Yeah. I'm just checking kung naka uwi ka na." Bumuntong hininga siya.
"Yeah. Kanina pa."
Umopo ako sa kama at pinunasan ang basang buhok ko gamit ang towel.
"Good. Sige, Matutulog muna 'ko." Sabi niya at pinatay na ang linya.
Napapatitig na lang ako sa screen ng phone ko. Bakit feeling ko nag iiba siya? Or I must be saying na nag iba na talaga siya. Napansin ko lang na simula nong lumabas ako ng hospital ramdam ko ang malamig na pakikitungo sakin ni Abe. Hindi na siya gaya ng dati. May problema na naman ba kami? May nagawa na naman ba akong ikakasakit niya kaya ganon siya? Kahit naguguluhan ako ay mas pinili ko na lang na manahimik baka iyon pa ang maging dahilan gaya ng dati. Ano na bang nangyayari samin?
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)
Teen FictionWe all have a boy best friend na hindi natin inaasahang mahulog ang loob natin sa kanya. Minsan, kahit masakit sa part natin na hanggang kaibigan lang talaga ang turing sayo, wala kang magagawa kundi tiisin ang sakit sa loob mo. Gusto mo man sabihin...