Ayumie POVUmalis ako na hindi nag paalam kay Abe. Iniwan ko siya na umiiyak. Hindi ko alam kung anong dahilan niya at kung bakit niya iyon na sabi. Pag labas ko ng bahay nila Jeth hinanap ko agad sila Mommy para mag ayang umuwi. Nawalan ako ng gana at gustong gusto ko na talagang umuwi.
Lutang na lutang ako ngayon sakakaisip dahil sa sinabi sakin kanina ni Abe. Nang bigla na lang akong may nakabunggo. Buti na lang at nahawakan niya agad ako sa braso kung hindi baka sumalampak na ako sa lupa. Mabilis na umayos ako ng tayo dahil sa mga matang nakatingin sakin. Haist! Nakakahiya! Napapahiya akong tumingin sa kung sino mang nakabunggo ko.
"Cha, You okay?" Tanong sakin ni Jake habang sinusuri ako. Siya ang nakabunggoan ko.
"Yeah. I'm sorry."
"It's okay. Ako nga dapat mag sorry, eh...Anyway, Akala ko ba kukuha ka lang ng baso? Ba't antagal mo naman 'ata bumalik?"
"Hinahanap ko kasi sila Mommy." Sabi ko habang tumitingin sa paligid.
"I see..." Tango niya. "Uhm, Nakita mo ba si Abe? Hindi ko kasi sya mahanap e."
Nag iwas ako ng tingin. Hindi ako nagpahalata na naiinis ako nang marinig ko ang pangalan niya dahil naalala ko na naman ang sinabi niya.
Sinabi ko na lang sa kanya kung nasaan si Abe. Nagpaalam na siya sakin at ako naman ay nagtuloy na sa paghahanap sa kanila Mommy. Habang nag hahanap ako sa kanila Mommy namataan ko si Jeth na nakatayo sa may table na siya lang at may hawak na basong may lamang wine. Parang ang lalim ng iniisip nya. Ayaw ko sanang lumapit pero parang may umuodyok sakin na lapitan siya. Kusa na ring gumagalaw ang mga paa ko papunta sa kanya. Namalayan ko na lang na nasa harap ko na sya. Malalim akong napabuntong hininga. Hindi niya parin ako napansin. Nanatili lang syang nakatungo habang nakatingin sa basong hawak niya.
"Jeth...." Halos mapaos ako nang tawagin ko ang pangalan nya.
Unti unting nag angat ang paningin nya sakin. Nagka titigan kami at seryuso lang ang mukha niya. Ngayon ko na lang ulit siya natitigan ng ganito.
"What are you doing here?" Hindi ko alam kung naiiinis ba siya o ano nang tanongin niya iyon.
Ayaw niya bang nandito ako? Ayaw niya ba akong makita? Hindi ako nakapagsalita. Napalunok lang ako at aktong aalis na sana nang tawagin niya ang pangalan ko.
" Cha...." Napatigil ako. Umihip ang malamig na hangin at dumampi iyon sa balat ko dahilan para makaramdam ako ng lamig. "Can we talk?"
Muli akong humarap sa kanya.
"Nag uusap na tayo." Peke ang ngiti ko.
Pinag laruan niya ang alak sa loob ng baso at malalim na bumuntong hininga at muling bumaling sakin.
"Pwede bang......" Tumigil siya sa pag salita sabay iwas ng tingin. Muli na naman siyang napabuntong hininga na para bang nahihirapan siya sa kung anong sasabihin niya.
Parang tinutusok na naman ang puso ko kahit na hindi ko pa naririnig ang sasabihin niya. May kung ano sakin na dapat umalis na lang ako dahil baka masaktan na naman ako sa kung ano mang gusto niyang sabihin. Nakita ko ang ilang beses nyang pag iling. Naguguluhan ako kung ano bang inaasta niya ngayon kaya napakunot tuloy ang noo ko habang pinag mamasdan sya.
"I mean...Lets go back there. Baka hinahanap na nila tayo." Peke ang ngiti niya at nagpa umuna ng naglakad.
Hindi ako sumunod, Napatitig na lang ako sa likod niya habang papalayo sakin. Naramdaman ko ang pag init ng sulok ng mga mata ko.
Haist! This can't it be! Ayaw ko ng umiyak! Bakit ba kasi napakaiyakin ko! Tsk! Umalis na ako at muling nag patuloy sa paghahanap sa kanila mommy.
Haist! San na ba kasi sila? Nakita ko si Kuya na busy sa pakikipag usap sa mga kakilala nya siguro, agad naman akong lumapit sa gilid niya at kinilabit ko siya.
BINABASA MO ANG
I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)
Teen FictionWe all have a boy best friend na hindi natin inaasahang mahulog ang loob natin sa kanya. Minsan, kahit masakit sa part natin na hanggang kaibigan lang talaga ang turing sayo, wala kang magagawa kundi tiisin ang sakit sa loob mo. Gusto mo man sabihin...