Hugot 1

7 1 0
                                    

Ngayong gabi ika'y naglasing ngunit bakit pagkatapos ay bigla ka na lang nagalit. Okay naman tayo nang ika'y nagsimula. Nagsimulang tumungga ng tumungga ng mga serbesang sabi mo'y pampagaan ng mga dinadala. Ngayong lasing ka na'y nagsimula kang ako'y sisihin. Sa mga bagay na may kinalaman sa atin. Ang sabi mo ako'y minsan nang sayo'y naglihim ngunit ito'y simple lamang kung tutuusin. Naaalala ko noon minsan na nating itong pinag-awayan. Ang paglihim ko sayong ako'y nagtu-tutor saiyong pinsan. Noon kasi'y daig ko pa ang nasasakal sa higpit ng iyong pagbabawal. Na animo'y aso na sa leeg ay may bakal.
Bakit ka ba nagkakaganito? Sa tingin ko'y simula nung naggroup chat kayo. Isa isa mong hinanap mga tropa mo sa kolehiyo. At mahanap ang profile ng ex mo. Alam mo naman na mabigat ang dugo ko sa kanya pero di na lang ako kumibo dahil pag-awayan pa nating dalawa. Ngunit kalaunan, may private messages ka na sa kanya. At minsan nang tiningnan ko ay deleted conversation na pala.
Nasan ngayon ang pinagsasabi mo na wala kang itinatago? Bakit kailangan mo pang itago at burahin ang convo niyo na dati nama'y di mo tinatago. Ayokong mag isip ng masama pero ikaw ang gumagawa ng mga paraan upang ako' y maghinala tapos ngayon ako'y binabaliktad mo pa. Tang ina! Wag mong irason na naka-inom ka. Masakit ang mga paratang mo sa akin ngunit mas di katanggap tanggap ang iyong gawain. Tang inang babae yan sa kanya nagsimulang lahat. Nananahimik na tayo bigla na namang sumabat.

*****❤❤❤❤❤*****

No words to say except...

Tenkies for reading..

Love lots,

Xena Violette®

Publish date: April 16, 2018
Revised date: April 19, 2018

Mga Hugot Ni Aling AuthorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon