Hugot 3

4 1 0
                                    

Kaninang umaga bago ako lumabas ng bahay upang magtrabaho, tinawagan kita. Sinabi kong aalis ako at kung uuwi ka na iiwan ko na lang ang mga bata sa iyo. Ang sagot mo ay hindi ka pa pauwi kaya minarapat kong isama sila kahit mahirap para sa akin. Saglit naman lang ako sa trabaho. Dalawang oras para eksakto. Ngunit ano ang naging rason mo? "Eh di iinom na lang ako, aalis naman kayo". Marahil ay inabot na ako ng sukdulan pero pilit kong linalabanan. Ayokong magsimula ng gulo kaya tumahimik na lang ako. Bandang hapon, umuwi ka. Kasama ang iyong mga barkada. Lasing ka na nga humirit ka pa ng serbesa upang inyong matungga. Tinawag mo ako't sinabing makipagkwentuhan sainyo. Tumatagay din kahit papano. Bigla na lang nag init ang ulo ko ng sinabi mo sa kaibigan mong iuuntog mo ako sa muscle mo. Eh kung ako kaya ang umupak saiyo? Isang job, straight, upoer cut at hook ok na yun sayo. Ngunit ako'y natigilan ng mag open up yung barkada mo ng tungkol sa pamilya niya at hinaing sa mundo. Sabi niya pa sa akin maswerte ka sa akin kasi ang misis niya di man lang siya maipaghain. Batid kong maaring na akong magsalita upang isiwalat ang aking nararamdaman. Sinabi ko sa kanina na mabuti pa sila at may oras ka sa kanila. Oras na regular na naibibigay mo sa kanila. Kapag nagkayayaan, palagi kang umuoo sa kanila. Pero kapag kami ang dami mo pang drama. Mabuti ng harapan kong sinabi sayo na feeling ko mag isa lang ako na gumawa sa pamilyang ito. Di naman sapat ang pinansyal na pagtulong. Ang kailangan namin ay oras mo'y sa ami'y igugol. Pilit kang bumabara sa mga sinasabi ko. Na kesyo di ka nagkukulang sa amin. Pinagbigay kita ng halimbawa ngunit wala namang lumabas sa iyong salita. Kaya napagpasyahan kong ako ang magbigay ng halimbawa sa'yo. Sinabi kong ako lagi ang may pagkukulang para sayo. Kagaya ng sa mga anak mo, kapag may kulang sa school, sasabihin mo kasalanan ko. Pilit mong pinagtatanggol ang iyong sarili ngunit di ka pinayagang sumabat sa sinasabi ko ng iyong kaibigan. Nanatili kang tahimik sa gilid at ako'y pinapakinggan pero matatalim na titig iyong simpleng pinaparaan. Nasimulan ko na rin lamang, lulubus lubusin ko na. Pag araw ng sabado't linggo di ba wala kang trabaho pero kapag barkada mo ang nagyaya agad kang umuoo. Sa loob ng bahay lagi kang mainit ang ulo lalo na kapag di nasunod lahat ng utos mo. Eh kung tinutulungan mo kaya ako? Di mas mapapadali ang trabaho. Ngayon alam kong nahimasmasan ka na. Pero pinilit mong wag magsalita. Siguro tinamaan ka na sa mga pinagsasabi ko. Sana nga lang mauntog na yang ulo mo para kahit papano guminhawa ng kahit konti ang nararamdaman ko.

Mga Hugot Ni Aling AuthorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon