Hugot 2

3 1 0
                                    

Pasensya na ha..
Akala ko kasi walo ang katawan ko, isa lang pala.
Pilit ko naman ginagawa ang mga tungkulin ko bilang ina
Pero bakit naiiwan akong gumagawa ng mag-isa?
Akala ko kaya ako nag-asawa
Ay para maging katuwang ka
Ngunit bakit ngayon mukhang lahat ng obligasyo'y ako na ang kotang kota?
Baka nakakalimutan mo
Tatlo ang anak mo dadagdagan mo pa
Bakit ano? Feeling mo baby ka pa?
Eto ako, pagod sa trabaho
Kayanin mo kayang magtrabaho
Habang inaasikaso ang bunso mo?
Pag uwi ng bahay, andyan na ang walis, luto at laba
Halos sarili ko'y nakakalimutan ko na.
Eto ka naman, oo nagtrabaho rin
Ngunit pag dating ng bahay ay aalis din
Ang rason mo'y may kaibagan akong nangangailangan sa akin
Tapos ako heto naiwan sa ere nakabitin
Sana'y pagtitimpi ko'y wag mong sagarin
Pasensya ko'y wag mong lubusang kitlin
Sana isaalang alang mo rin anv aking damdamin
Hindi kung anu anong lumalabas sa bibig mo upanb sa aki'y sabihin.
Aking idinaan ang pagkayamot sa isang tula
Upang buhay nati'y di magulo ng bigla
Sana man lang iyong mapag-isipan
Ang mga katagang sa akin ay binitawan.
Sa pagkakataong ito pinili kong manahimik
Idaan sa tula ang sari saring tinik
Na nararamdaman ng pusong sabik
Sa iyong pagtulong at pagtangkilik.

*****❤❤❤❤❤*****


Paalala:

Lahat ng nakasulat dito ay personal na damdamin at opinyon ng may akda. Ano mang pagkakatugma sa totoong pangyayari sa inyong buhay ay di sinasadya. Maaaring parehas lamang tayo ng pinagdadaanan. Maaaring may mainis, maiyak, tumawa sa aking mga #Hugot pero ito ay paraan ko lamang upang maibsan ang bigat ng nararamdaman. Salamat sa pagtangkilik.

Love lots,

Xena Violette®

Publish date: April 19, 2018

Mga Hugot Ni Aling AuthorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon