Hugot 4

32 1 0
                                    

Aalis ako.. Magbakasyon.. Limang araw rin yun.. Gusto kong mapag-isa upang kahit saglit ay makapag-isip, makahinga at magliwaliw. Pabaon mo sa akin ang mga katagang "Tama yan.. Umalis ka muna para mapag-isipan mo ang mga bagay bagay dahil nagbago ka na. Iba na ang priorities mo. Hindi ka na yung dating babae na minahal ko." Masakit sa aking isipin na sa tingin mo ay nagbago na ako. Ang totoo hindi ako ang nagbago. Ikaw. Pero sige pag-isipan kong mabuti kung paano mo nasabing nagbago ako.

Unang araw, ni text di mo ginawa. Di mo ba ako nami-miss? Ito ang unang beses na umalis ako mag-isa na di ka kasama pero bakit ako ilang oras pa lang, di na ako mapakali kasi feeling ko ang tagal na nating di nagkita. Bakit sayo parang wala lang. Magbe-bente kwarto oras na. Ilang minuto na lang. Tumunog ang cellphone ko. May text ka pala. Di mo rin pala ako matitiis. Ang text mo, "Tulog ka na?" Ang reply ko, "Di ako makatulog. Namamahay yata ako." Sabi mo pa, "Matulog ka na. Maaga yata ang wake up call sainyo baka mahirapan kang bumangon. Tulog mantika ka pa naman." Napangiti ako. Naaalala mo pa pala na tulog mantika ako. Sinagot kita ng "Sige.. Pilitin ko nang matulog. Tulog ka na rin. Goodnight." Lalo akong napangiti nang magreply ka ng "Di naman ako sanay na matulog ng di ka katabi. Pero sige na. Makakatulog na rin lang ako. Matulog ka na."

Pangalawang araw.. Alas otso.ng umaga. Nagtext ka ulit. Nagtatanong kung saan ako papunta. Ang sagot ko marami akong pupuntahan. Sabi mo nasa trabaho ka at mag-enjoy ako. Magtatanghali na. Nagtatanong ka kung kumain na ako. Sabi ko hindi pa. Nasa byahe pa lang ako papunta sa pagtatanghalian ko. "Huwag kang magpalipas ng gutom. Tanghali na. Baka atakihin ka ng migraine mo." Muli, napangiti ako sa mga simpleng pag-aalala mo. Kinagabihan, nagtanong ka ulit kung nakabalik na ako sa tinutuluyan ko. Sagot ko, "Oo. Pero nasa baba pa ako. Naninigarilyo. Nag-iisip." Sagot mo, "Ano naman ang iniisip mo?"
"Mga bagay bagay na pinabaon mo sa pag-alis ko." tanging tugon ko. Di ka agad nagreply. Nakadalawang stick na ako ng sigarilyo pero wala pa rin. Paakyat na ako ng magreply ka ng "Miss na kita." Di ko napigilang tumulo ang luha ko pero masaya ako. May epekto pa naman pala ako sayo. Akala ko wala ka ng pakialam sa akin.

Pangatlong araw.. Maaga pa lang sabi mo di ka makakapagtext kasi magiging busy ka sa trabaho. Sabi mo pa mag-enjoy ako. Magaan na ang pakiramdam ko. Di gaya nung umalis ako na may di tayo pagkakaintindihan. Unti-unti, bumabalik na yung dating ikaw. At marahil yung dating ako. Yung dating tayo.

Pang-apat na araw.. Maaga pa lang binulabog mo na ako ng tawag. Nagising nga ako ng tawag mo. Alas kwatro y medya pa lang ng umaga. Sabi mo, "Isang araw na lang,  uuwi ka na. Handa ka ng umuwi?" Sagot ko, "Bakit pa kailangan kong maging handa sa pag-uwi? Dati naman na akong handa." Sa loob loob ko, gusto ko na talagang umuwi. Miss ko na kayo. Kaya lang sayang naman yung binayad ko kung di ko tatapusin itong bakasyon ko.

Panglimang araw.. Sabi mo, "Ilang oras na lang.. Uuwi ka na. Makakatulog na ako ng maayos. Lagi kasi akong puyat." Tinanong kita.. "Bakit ka naman laging napupuyat? Buti ka nga kasama mo ang mga bata, ako mag-isa dito." Sagot mo, "Iba pa rin kapag andito ka." Bumuhos ang tuwa sa buo kong pagkatao. Masaya ako na nakita at naramdaman mong kulang ka kapag wala ako. Ganun din ako. Malaki ang kulang sa buhay ko kung wala ka at mga bata. Magaalas-otso na ng gabi, sasakay na ako ng bus pauwi. Pero parang nagbibiro ang tadhana. Late yung sasakyan kong bus ng isang oras. Inaatake na ako ng migraine. Sa sobrang excited kong umuwi, di pala ako nakapaghapunan.
Alas nwebe, lulan ng bus, sabi ko sayo "Paalis na ang bus. Mga alas sais na umaga, nandyan na ako."
Narinig ko pang sabi mo sa mga bata na matulog ng maaga para pagdating ko, gising sila.
Alas onse, sa stop over. Parang ang bilis ng byahe pauwi. Nagtext ako sayo na baka mapaaga ang uwi ko kasi mabilis yung pagpatakbo ng bus. Tantsa ko mga alas singko andyan na ako.
Alas kwarto, nagtext ka ulit kung saang banda na ako. Sagot ko, di ko makita ang mga landmark kasi maulan. Nananadya ba ang tadhana? Mabagal na kaysa ng dati ang takbo na bus kasi maulan.
Alas singko y medya, nasa terminal na ako. Sinadya kong di magtext para masurpresa kayo. Limang minuto ang tinagal ng byahe ng tricycle na inarkila ko pauwi dahil sa bitbit kong mga pasalubong.
Pagpasok ko ng bahay, tulog pa kayo. Nakatulog ka siguro sa kahihintay sa akin. Pagpasok ko ng kwarto, sabay sigaw ng "Nakauwi na ako!" Naalimpungatan ka yata. Sabay kusot ng mata. Nakahiga ka pa pero nakabukas na ang braso mo para yakapin ako. Lumapit ako at niyakap ka. Nawala na lahat mg agam agam na dala ko. Ika nga sa english, "We are back on track." Wala ng salitang kailangang sabihin. Nasa yakap lang ang sagot ng lahat. Yakap lang solve na.

Masaya ako. Magaan na ang pakiramdam ko. Mukhang nakatulong talaga yung ilang araw na nalayo ako sayo, sainyo. Tama talaga yung sabi nila na di mo mabibigyang halaga ang tao kung andyan siya. Malalaman mo lang kung wala siya. Pero eto nagbalik na ako.

Balik na tayo sa dati.

Yung dating ikaw.

Yung dating ako.

Yung dating tayo.

Pagsubok lamang siguro yun sa atin. Laking pasalamat ko at nalagpasan natin yun. Alam kong marami pang darating pero malakas ang pakiramdam ko na malalagpasan pa rin natin anuman ang dumating kasi magkasama tayo, magkatulong tayong bibigyan ng solusyon ang anumang pagsubok na dumating.

Love lots,

Xena Violette®

*****❤❤❤❤❤*****

Salamat sa pagbabasa..😘😘😘

Made and published: May 2, 2018

Mga Hugot Ni Aling AuthorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon