Chapter 2: Rude and Vulgar

29.5K 548 18
                                    

"Your Highness." Patuyang sabi ni James kay Germay.

Pumasok siya sa sasakyan nito–kung sasakyan nga bang matatawag ang kotse nitong mukhang panghakot ng tae ng kalabaw. Napangiwi pa siya ng malaman niyang walang aircon ang sasakyan.

Good God! Gusto niyang magmura. Tama pa ba ito? Tama pa ba ang ginawa ng kaniyang ama sa kaniya? This was like getting disinherited!

Nang makapasok sa James sa sasakyan ay sinubukan nitong paandarin ito, subalit ay ilang beses itong huminto. Naiiling na napasapo siya sa mukha at umiwas ang tingin dito. At nang umandar na ay saka nanlulumong nilingon niya ang mansyon na lumalayo na sa kaniyang paningin. Saglit siyang sinulypan ni James bago ibinalik ang paningin sa pagmamaneho.

''Yung expression mo... Para bang kinidnap kita." Natatawang saad ni James, kahit wala sa mukha nito na para itong natatawa bagkus ay may pagkasarkasmo pa ang itsura nito ay nakaangat ang dulo ng labi. "Germay, hindi mo kailangang makaramdam na para bang hindi ka makakadalaw sa inyo."

She snorted, almost hitting the man beside her. She was feeling frustrated alright? It was like everyone was against her! And her husband was being a jerk as always. ''You know that I..." She  hesitated for a bit, "don't want this marriage, James." Umikot ang mga mata niya at naghalukipkip. "Hindi ko akalaing mabubuhay ako sa hirap!"

Hindi siya nanghuhusga pero sa itsura talaga ng sasakyan nito ay mas naiisin pa niyang maglakad na lamang sa kalsada patungo sa bahay nito. At kung hindi lang talaga siya itatakwil ng ama niya ay baka kanina niya pa tinanggi ang kasal.

His mouth twisted in a smile of pure self–mockery. "The feeling is mutual, sweetheart. Not even in my wildest dream had I thought the possibility of you as my wife."

She snorted. Alam niya iyon pero bakit tila may kakaibang sakit na idinulot iyon sa kaniyang dibdib. It was like she was knifed literally.

She swallowed the imaginary lump in her throat then nodded, "Magkano ang perang binigay sa'yo ni Papa para mabawi mo ang farm ng magulang mo?"

Ni hindi ito sumagot, ni isang sulyap ay hindi siya tinapunan nito. Nanatiling nakatuon ang buong atensyon nito sa harapan. Walang pagbabago, parang noon lamang.

"I want the truth, James!" She hissed when he didn't answer.

He shrugged his shoulder. "Sapat lang upang mabawi ko ng tuluyan ang ari-arian ng magulang ko. Hindi gaanong kalaki. I think mas mahal pa ang mga pinamili mong gamit sa ibang bansa."

Nanlaki ang kaniyang mga mata at hindi niya maiwasang mapanganga sa nalaman. Limang million? Less then five million? That was fucking ridiculous! Wala pang limang million ang halaga niya?! Mas malaki pa ang nagagastos niya sa ibang bansa! Oh God! Ni hindi siya makapaniwalang ganoon lamang ang halagang tingin ng kanyang ama sa kaniya! Sa ganoong halaga lamang siya binenta nito?! Ridiculous!

She felt so insulted! Degraded. And damn her father for doing this to her.

Isang sarkastikong tawa ang pinakawalan niya at inis na sinabi, "You could have asked for more. Nakaka-insultong iyon lang ang halaga ko."

"Hindi ko kailangan ang salapi ng ama mo. Kaya kitang buhayin, huwag ka nga lang magluluho katulad ng nakasanayan mo."

Hindi umimik si Germay. Ano ang sasabihin niya? Wala! Kasal na sila ni James at wala na siyang magagawa doon. Mahabang katahimikan ang namayani sa kanila, muling pinagmasdan ni Germay ang asawa niya. Hindi talaga alam kung ano ang itinatakbo ng utak ng ama kung bakit siya ipinakasal nito dito. Hindi sila magkasundo ni James dahil sa mga pagkikita nila ay lagi na lang ito nang-iinsulto. Kung hindi man sa mga nakakainis na ngiti ay sa mga nakakainsultong mga salitang ginagamit nito. And then there was her twin sister, Yang short for Dianne Jeanne. Mula pa noong bata sila ay masuyo na ito sa kaniyang kakambal na minsan ay hindi ipinakita sa kanya. He wasn't even a nodding acquaintance! And the worst of all, this iceberg of a man had always had this ready smile for her sister. Kaya naghihinala siya na ang kakambal niya ay may gusto dito ngunit inililihim lamang.

Marahil ay katulad niya.

Nagulat siya sa kaisipan. Ganoon na lamang ba ang pag-amin niya sa sarili na gusto niya ito?

Well, she did. She felt attracted to him. Who wouldn't? Kahit nga ba napakalamig nito sa kaniya ay di niya maiwasang magustuhan ito.

But she really felt so guilty for admiring James so much. It maybe contradicting, but even though she liked him, she didn't want to marry him because she didn't want to hurt her twin sister, not to mention she didn't know if she can live a poor life. But her guilt of taking him away from Yang was outweighed by her fatal attraction to him. Atraksiyong pilit na itinatago sa sulok ng kaniyang puso magmula noong bata pa sila. Plus the fact that James didn't really like her.

But then again, they needed each other to get their inheritance back. Wow, Mr. Fate cracked his jokes to them.

''Nag-iisip ka ba ng sex habang nakatitig sa akin?" Nagulat siya sa sinabi nito. Ni hindi ito lumingon sa kanya kaya bakit alam nitong nakatitig siya? "Well, thinking about it..." dagdag nito, "gagawin natin iyon sa lalo't madaling panahon."

"How vulgar and conceited you are!" She spat when she recovered from embarrassment and shock.

''I am just stating a fact, sweetheart. Besides, bakit ka nahihiya? Hindi ba ginagawa mo na iyan dati pa?" Bumaling ang tingin nito sa kaniya at malisosyong hinagod ng tingin ang kaniyang katawan bago ibinalik sa harapan ang atensyon.

''You son of a bitch!" Hiyaw niya dito sabay takip sa katawan. Hinihingal siya sa sobrang inis ngunit hindi na siya nito pinansin na para bang hindi ito nagbitaw ng nakakainsultong salita.

She huffed and tightened her arms. Umiwas siya ng tingin, hinilig ang ulo sa sandalan at ipinikit ang mga mata.

There was no use talking to this rude man. She reminded herself.

A Marriage Of Inconvenience (Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon