Nine

11K 396 48
                                    

Laurence Lawrence

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Laurence Lawrence

"Nandito na po ako." Sabi ko pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay ng mga magulang ko. Weekend na kasi kaya araw nang paguwi namin sa bahay ng mga magulang namin.

Dumiretso ako sa paglalakad papuntang sala kung saan ko naabutan ang bunso naming kapatid na si Laurenzo. Busy siya sa kausap niya sa cellphone na halatang may pi-na-pu-cute-an na namang babae.

Fifteen years old palang siya pero mas marami na siyang naging chicks sa'kin. Ako kasi... wala pang nagiging girlfriend. Pihikan kasi ako. Gusto ko katulad ng maganda kong Mama.

"Sabi ko naman sa'yo 'di ba? Hindi ko 'yon kilala. Ikaw lang talaga." Sabi ng kapatid ko do'n sa kausap niya.

Lumapit ako sa kanya at binatukan siya sa likod ng ulo niya ng mahina.

"Aww!" Pagaangal niya sabay tingin sa direksyon ko. "Kuya naman eh, kita mo nang may kausap eh!"

"Nasaan si Mama?" Tanong ko at hindi pinansin ang pagangal niya sa'kin.

"Nagluluto." Sinenyasan niya akong lumayo na kaya inambahan ko ulit siya ng batok at automatic namang hinarang niya ang kamay niya. Basta talaga sa babae ayaw niyang pa-i-istorbo.

Pumunta na 'ko sa kusina para batiin ang Mama ko. Pagdating ko sa kusina, nilapitan ko agad siya at niyakap sa likod niya.

"Nandito na po 'ko, Ma." Sabi ko sabay halik sa ulo niya. I really love her smell. She smells like... home.

I heard her chuckled. "Para ka talagang Dada mo."

"Kanino pa ba 'ko magmamana ng ka-sweet-an?"

"Sa'kin?" Patanong niyang sagot.

Bumitaw na 'ko sa pagkakayakap sa kanya napaharap na siya sa'kin. She looked at me from head to toe. "You really reminded me of your Dada no'ng college kami. You look really like him."

"Kaya ba ako ang paborito mo?" Pabiro kong sabi.

She puts her pointing finger. "Shh! Baka marinig ka ni Laurene." She said smiling, playfully.

My mom's smile really lighten my mood. I know pagod siya sa gawain bahay dahil sa'ming mga anak niya then nag wo-work pa siya kaya ang mag smile siya kahit pagod siya malaking achievement na. At isa pa, maganda talaga si Mama kapag nakangiti. Kahit na apat na kaming anak niya maganda parin si Mama kaya hindi na 'ko nagtataka kung bakit until now baliw na baliw sa kanya si Dada.

"Nandito na pala ang feeling paboritong anak ni Mama." I heard Laurene said.

Napangiti agad ako nang marinig ang sarcastic niyang boses. She have this love-hate feelings towards me. She loves me because I'm her older brother. She hates me naman dahil lagi ko siyang iniinis. Paano kasi siya lang ang laging pikon samantalang 'yong kakambal niyang si Laura hindi.

That Boy Never Fails To Annoy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon