Sixty Five

8.8K 303 44
                                    

Kacey Serrano

Pumasok na kami ni Laurence sa Apartment ko.

I was still pissed at Paige and being with Laurence, calm me.

Medyo nararamdaman ko na ang mga hapdi ng kalmot ni Paige sa leeg ko at gano'n din sa braso ko. Sana lang walang rabies ang bruhang 'yon dahil baka mahawa pa 'ko sa kanya.

Wala naman talaga akong intensyon na makipag pisikalan sa kanya kaya lang kasi hindi ko na nagawang pigilan ang sarili ko dahil sa pagbabanta niya sa'king sisirain niya ulit kami ni Laurence. Ni hindi pa kami nagkakaayos pinagpaplanuhan na niya agad kami. Napuno na 'ko kaya hindi ko na talaga napigilang patulan siya.

Umupo ako sa sofa sa pagpasok namin. Habang si Laurence naman ay nakatayo sa tapat ko.

“Gusto mo ba ng maiinum?” He asked.

Umiling ako. “Hindi na,”

“Ayos lang bang tumabi ako sa'yo?” Tanong niya ulit.

“Sige.” Pagpayag ko naman agad. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan naman agad niya ang kamay ko, na medyo ikinabigla ko.

Chineck niya 'yung braso kong may kalmot at gano'n na rin sa leeg ko. “I'm really worried, okay ka lang ba talaga?”

“Ayos lang ako, nakita mo naman sa itsura naming dalawa ni Paige 'di ba?”

“Wala naman akong pakialam sa kanya eh, mas importante ka.”

“I'm ok, kalmot lang naman 'to.” I reassured.

“Okay.” He looks still worried.

I squeezes his hand. “I'm really fine.”

“Don't do that again.”

“Like i said, as long as Paige leave us alone, hindi na 'to mauulit.”

“Hindi na ulit mauulit yung nangyari noon, natuto na 'ko. Ikaw ang naging kapalit nang paglapit ko sa kanya. Kaya i don't think na gagawin ko pa 'yon.”

“Kung gano'n, wala tayong magiging problema.” Sana nga natuto na siya.

“So, tayo na ulit?”

I raised my eyebrow. “May sinabi ako?”

“Wala. Akala ko lang kapag tinanong na kita, papayag ka na. This is harder than before.”

“What do you mean?”

“Noon kasing inamin ko sa'yo yung feelings ko, pumayag ka na agad na maging girlfriend ko. Pero ngayon, pinahihirapan mo pa 'ko.”

“Susuko ka na ba kasi nahihirapan ka na?”

“No! I just miss you so much. I want to kiss you, cuddle with you. I want to hear again from you na mahal mo 'ko. Hindi mangyayari ang lahat nang 'yon hangga't hindi ka pumapayag na makipagbalikan sa'kin. Just so you know, nag pipigil lang akong gawin ang lahat nang 'yon ngayon.”

Napatitig nalang ako sa kanya dahil sa mga sinabi niya. Honestly, pareho kami nang nararamdaman. Hindi ko lang magawang iparamdam 'yon sa kanya.

“Can i sleep here?” He asked.

“Saan ka naman matutulog dito?”

“Puwedeng sa kwarto mo, pero puwede din namang dito lang sa sofa. Kung saan siguradong sasakit ang likod ko, kasi siguradong hindi ako kasya. Bahala ka nang pumili.”

Pinapapili niya ba ako o kinukunsensya? Pangungunsensya ang dating sa'kin eh.

“Dito ka nalang sa sofa.”

That Boy Never Fails To Annoy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon