Twenty One

10K 407 55
                                    

Laurence Lawrence

Nakarating din sa wakas sa bahay.

Pagka-text sa'kin ni Mama na nasa Apartment siya agad akong umuwi.

Sa pagpasok ko, na abutan ko si Mama sa sala at kausap lang sila Maureen at Kacey habang kumakain ng meryenda.

Sabay-sabay silang napatingin sa'kin nang mapansin ako.

Lumapit agad ako kay Mama at hinalikan siya sa ulo. “Bakit po bigla kang napabisita dito?” Tanong ko.

“Hmm. Dumiretso na 'ko dito after ng trabaho ko, sasabihan lang kita tungkol do'n sa kambal mong kapatid. Plano ko silang palipatin ng St. John University dahil si Laurene napapadami ang nagiging kaaway do'n sa school nila, pati Laura nadadamay kaya we decided ng Dada mo na i-transfer sila.”

Hindi na nakakapagtaka na may nakakaaway si Laurene, madaldal kasi talaga 'yon at hindi nagpapatalo. Noon pa 'yon na ang issue lagi ni Laurene kaya 'di na nakakabigla na i-ta-transfer na sila ni Mama.

“Pwede bang alalayan mo silang dalawa bukas sa school dahil gusto nilang mag inquire.”

“Wala pong problema, pero malayo ang byahe papunta sa school at pauwi ng bahay kaya ba nila 'yon?” Tanong ko. Sa totoo lang nakakapagod ang dalawang oras na byahe.

“Oo nga Tita, ibig bang sabihin ng paglipat nila Laurene at Laura, dito na rin sila titira?”

Mama shakes her head. “Your Tito Damon won't allow that. Gusto niyang laging nakikita 'yong kambal pagumuuwi siya. Mas bini-baby niya girls kesa do'n sa bunso naming si Laurenzo.”

Para namang mag papa-baby pa si Laurenzo kay Dada. Na i-imagine ko palang natatawa na 'ko.

“E di maguuwian 'yong dalawa kapag lumipat na sila?” Tanong ko.

Mom nodded. “Gano'n na nga.”

“Kailan naman po sila lilipat?” Tanong ulit ni Maureen.

“Sa susunod na sem pa.”

“Gano'n po ba, 'wag kayong magalala Tita, paglipat nung kambal ako na ang bahala sa kanila.” Maureen reassured her. Kung sabagay, mauuna akong ga-graduate sa kanila last sem ko sa next sem kaya hindi ko na rin mababantayan ang kambal.

“Salamat, Maureen.” Tumayo na si Mama. “Uuwi na 'ko. Magluluto pa 'ko sa bahay.”

Nagpaalam na muna sila Maureen at Kacey sa kanya 'saka ko siya hinatid sa labas hanggang sa kotse nito.

“Dapat Ma, tinext mo nalang ako tungkol do'n sa kambal e di sana kanina ka pa nakauwi.”

“Gusto lang naman din kitang makita, madalang ka nalang kasing mag stay sa bahay dahil sa bago mong girlfriend.” She smiles, teasingly.

I know Mom is referring to Kacey. Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa fear ni Kacey kaya pinapayagan niya akong umalis ng bahay 'saka sinabi rin sa kanya ni Papa 'yong napagusapan namin noon sa bahay ni Ninang Majah.

“Ma, hindi ko siya girlfriend.”

“Oo nga pala, hindi mo pa siya girlfriend.”

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at pinaharap sa kotse niya. “Sige na Ma, umalis ka na baka marinig ka pa niya.”

Mom laughed, softly. “Okay, okay.”

Sumakay na siya ng tuluyan sa kotse at pinagana ang makina nito.

“Alam ko na para makasama ka namin ng matagal this weekend.” Sabi niya.

“Ano po 'yon?”

“Isama mo si Kacey sa bahay this weekend, do'n kamo siya mag stay.”

That Boy Never Fails To Annoy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon