Fourteen

9.9K 415 52
                                    

She covered her mouth right away after niyang sabihin ang mga salitang ikipinagtaka ko.

Itinabi ko na muna ang kotse ko dahil i don't think makakapagmaneho ako ng maayos.

“Nagalit ka sa'kin dahil sinabi kong naakit lang ako sa paghalik ko sa'yo?” Tanong ko. “Wait! I-ni-expect mo ba nun na may mangyayari sa'tin kaya---”

“H-hindi nu!” Pagpuputol niya sa pagsasalita ko. “'Wag ka ngang feelingero dyan!”

She's blushing.

“Eh bakit ka nagalit?”

“D-dahil uh... D-desmiyado ako sa'yo! A-akala ko iba ka! Pero katulad ka lang ng ibang lalake na may makatabi ka lang na babae, mag ti-take advantage na!”

'Yon ba ang inisip niya sa dinahilan ko sa kanya? Haay! Kung alam ko lang hindi nalang pala sana 'yon ang idinahilan ko. Nag mukha pa tuloy akong masamang tao sa kanya.

“Sorry---”

“Mag maneho ka na!” Pagpuputol niya ulit sa pagsasalita ko. Nag cross arms siya at muling tumingin sa bintana.

“Mali ka ng ini---”

“Sabi ko mag maneho ka na!” She snapped, irritatingly.

Haay! Tingin ko magiging under sa kanya ang magiging boyfriend niya.

Sinimulan ko nalang ang pagmamaneho tulad ng gusto niya. Sa itsura niya kasi baka kapag nag salita pa 'ko, sasapakin na niya ako.

Lagpas isang oras din ang naging byahe naming dalawa papunta sa bahay nila Ninang Majah. Marami ng kotse naka-park sa tapat ng bahay nila at isa na do'n ang kotseng dala nila Mama.

Sabay na kami ni Kacey na bumaba sa kotse pagka-patay ko makina. Sabay na rin kami nag lakad papalapit ng pinto. Ako na ang nag doorbell.

Ilang sandali lang din naman pinagbuksan na kami ni Maureen.

“Hey! Finally dumating na din kayo kanina ko pa kayo hinihintay.” Sabi niya.

“Nandyan na din ba sila Mama?” Tanong ko.

“Yup! Kanina ka pa nga hinahanap. Pumasok na kayo.” Hinawakan niya sa kamay si Kacey 'tsaka niya 'to hinila papasok.

Sumunod na 'ko sa kanila, dumiretso kami papunta sa likod ng bahay nila kung saan nando'n ang garden nila.

Do'n namin nakita ang lahat ng bisita.

Nandito na ang parents ni Luis na sina Ninang Luisa at Ninong Justin kasama ang fifteen years old na kapatid na lalake ni Luis na si Louie.

Nandito na rin sila Mama at Papa kasama ang tatlo kong mga kapatid.

“Nandito na sila Laurence.” Maureen informed everyone kaya nakuha nito ang atensyon nila. Lahat sila napatingin kay Kacey na bago lang sa paningin nila.

“She's my best friend Kacey, siya 'yong nakikituloy ngayon sa Apartment.” Pagpapakilala niya sa kanya.

“Magandang araw po.” Bati niya sa mga nakakatanda.

“Hello hija, masaya kaming makilala ka.” Sabi ni Mama sa kanya.

“Gano'n din po ako, Tita.”

“I'm Laurence's Mom.” Pagpapakilala ni Mama sa kanya. Tinapik niya sa balikat si Papa na katabi lang nito. “He's my husband, ang kinuhanan ng mukha ni Laurence--”

“At ka-sweetness-an.” Pabiro kong dagdag sa sinabi ni Mama.

Mom chuckled. “And ka-sweetness-an.” Mom agreed.

Binaling ko ang tingin ko kay Kacey, ni hindi manlang niya ako tinignan kahit na nagsalita ako.

Hanggang kailan ba siya ganyan sa'kin?

Lumapit nalang ako kay Mama, niyakap at hinalikan ko siya sa pisnge niya.

Hawak pa din ni Maureen si Kacey at pinakilala niya ito isa-isa sa lahat. Kasama na do'n sa mga magulang ni Luis, sa kapatid nito at sa mga kapatid ko. Instantly ang kapatid kong si laurene ay parang nagustuhan siya agad. Nabanggit nga naman niya na for sure magkakasundo sila ni Kacey dahil pareho silang nakakatanggap ng pang ti-trip ko.

Lumapit nalang muna ako kay Luis na umiinum na ng beer ngayon katulad ko.

“Kailan daw kasal?” Biro ko sa kanya.

Tumawa siya. “Gago, walang gano'ng pinagusapan!”

I chuckled. “Wala ba?”

“Pinansin ka na ni Kacey?” Pinunta niya sa'kin ang topic sabay inum ng beer niya. Alam ni Luis ang tungkol sa hindi pagpansin ni Kacey sa'kin, malamang dahil kasama namin siya sa Apartment at nabanggit ko din sa kanya 'yong ginawa ko.

“Badtrip pa din sa'kin eh. Itinulad pa niya ako sa ibang lalake na kapag may katabing babae, nag ti-take advantage.”

Tumawa siya ng malakas. “Patay ka dude! Mukhang matatagalan bago mawala sa utak niya 'yon or pwedeng hindi na.”

Naloko na! Paano nga kaya kung mangyari 'yon? Ano 'yon habang buhay nalang ang tingin niya sa'kin ay nag ti-take advantage sa babae?

Binaling ko ang tingin ngayon kay Kacey. She's just talking with my two sisters, she's smiling, laughing with them. I hope walang sinasabi ang mga kapatid ko sa kanya tungkol sa'kin na nakakahiya.

Tinapik ni Luis ang balikat ko kaya napunta ang atensyon ko sa kanya.

“Kukuha pa 'ko ng beer, gusto mo pa? Ikukuha na kita.” Sabi niya.

I nodded. “Sige, salamat.”

Binaling ko ulit ang tingin kay Kacey. Inabutan siya ni Maureen ng beer at agad naman niya 'tong ininum.

“I know that look.” Dinig kong boses ni Papa mula sa left side ko kaya napatingin sa kanya.

“What look po?” Pagtataka ko.

“That look na binibigay mo do'n sa kaibigan ni Maureen. 'Yan ang look kapag tinitignan ko ang Mama mo.”

I laughed. “Dad, are you implying na i like her?”

“Hindi ba?”

“No dad, mali kayo ng iniisip.” Pagtatanggi ko. Kacey is beautiful, no doubt that. I just... care for her dahil kaibigan siya ni Maureen at nasa iisang Apartment kami. Masarap din siyang inisin dahil the more na na iinis siya, the more na natutuwa ako. “At isa pa may manliligaw na siya.”

“Naunahan ka?” Tumawa siya.

“No! Ako kaya first kiss niya!” Pagmamalaki ko na pinagsisihan ko din naman agad dahil mas lalo lang tumawa si Dada.

Dad tapped my shoulder. “Dumadaloy nga talaga ang dugong Lawrence sa'yo.”

“Dad, it's not what you think---”

“Son, if you like her pursue her. Just like what i did to your Mom. Sa unang beses palang na maglapat ang mga labi namin ng Mama mo, hindi ko na siya tinigilan. I don't care kung lagi niya akong tinatarayan, the more na nag ta-taray siya the na na a-attract ako sa kanya.”

Those last words, parang ako kapag nakikita ko ang pagtataray ni Kacey.

Do i really like her? 'Yon ba ang dahilan kung bakit ko siya hinalikan? Maybe attracted lang ako sa kanya.

I look at Kacey again, i saw her glancing at us.

“Hindi siya mapapasayo kung titignan mo lang siya.” Sabi ulit ni Papa 'tsaka niya tinapik ang likod ko. “Walang Lawrence na torpe, son.”

To be continued...

That Boy Never Fails To Annoy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon