Pierre's Point of view
Pagdating ko sa classroom namin, wala pa ang prof. Kaya naisipan kong magpahangin sa garden.
Papunta na ako sa kaisa isahang bench at may nakita akong babae na nakaupo do'n. Isa lang ang bench dito sa garden kaya umupo nalang ako sa tabi niya, pero malayo.
"Havana oh nana~"
Nagulat ako nang may nagring na phone kaya napatingin ako sa katabi kong babae.
"Hello?... Ano? Pero nasaan ba siya?... H-ha? Pwede bang ulitin mo?"
Nahulog yung phone niya at bigla siyang hinimatay kaya agad ko siyang sinalo.
What the ef! Binuhat ko siya at tinakbo sa clinic. First time kong maka buhat ng babae. Kaya gumiginaw ang kamay ko habang hawak ko siya.
Pagdating sa clinic agad ko siyang inihiga sa isang stretcher ng clinic.
"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ng nurse kaya napa suklay ako sa buhok ko.
"She fainted, nurse." Sagot ko.
Tumango siya at nilagyan ng oxygen ang babae. She seems familiar. Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ito. Kaya pala parang nag aalala ako at kinakabahan na parang kinikilig... ay basta, bakla man pakinggan, pero 'yun ang nararamdaman ko kanina.
Pak shet. Ang ganda niya talaga. Si Aliya pala 'to. Hindi ko masyado naaninag kanina ang mukha niya dahil naka harang ang buhok niya sa kanyang magandang mukha.
"She's okay now, Mr. Yamauchi. Bantayan mo lang kung kailan siya gigising," nginitian ko ang nurse kaya parang tatalon siya sa kilig. Syempre sino ba ang hindi?
Nginitian lang naman siya ng isang hearthrob. Umalis na siya nang makuntento na. Haha.
Tinitigan ko lang si Aliya hanggang sa nagising siya. Naalarma naman ako at umiwas ng tingin.
"Agh! Anong ginagawa ko dito?" Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
Dug. Dug. Dug.
Narinig niyo 'yun? Tibok 'yun ng puso ko. Tumitibok ito para sa kanya.
"Auh.. nasa clinic ka. You fainted." Ngiti ko sa kanya kaya ngumiti din siya pabalik.
"Thank you." Sabi niya at aakmang tumayo pero nawalan siya ng balanse kaya mabilis akong tumayo at sinuportahan ang baywabg niya para hindi siya tuluyang mahulog sa sahig.
Aliya's Point of view
"Thank you." Sabi ko kay Pierre at tatayo na sana, pero nawalan ako ng balanse.
Pumikit ako at hinayaan nalang na mahulog ako. Pero... wala pa rin akong nararamdamang sakit. Nasa langit na ba ako?
May naramdaman akong kamay sa baywang ko at napadilat naman ako.
Agad kong inalis ang kamay ni Pierre sa baywang ko at umiling. "Auh... t-thank you u-ulit," utal utal kong sabi. Naman eh! Ba't ba ako nauutal?
Natawa siya, "Para nang kamatis ang mukha mo. Sobrang pula." Pisil niya sa pisngi ko. What in the world? Namula ako? I blushed? Waahh! This can't be happening!!!
"Mas pula ka na ngayon, haha." Sabi ulit niya at ngumiti.
"I'll see you around," kindat niya at umalis na.
YOU ARE READING
Cool Girls vs. Bitch Freaks
Fiksi RemajaCool Girls: Kami ang mga babaeng walang inuurungan, especially ang mga bitch na walang magawa kundi kaartehan at pagpaganda. (kahit hindi naman effective) magaganda nga, pangit naman ang ugali. Bitch Freaks: We are the pretty girls in our school. N...