-3-

16 0 0
                                    


"Ang s-sabi n-niya h-hindi niya na daw a-ako m-mahal... " Kanina pa paulit-ulit na sinasabi ni Carlos ang mga salitang 'yan. Habang umiiyak at mahinang humihikbi ay pilit siyang nagkukwento ng mga nangyari bago sila tuluyang naghiwalay ni Mica.

Hindi ko siya pinainom ng alak dahil baka kung mapano pa kaming dalawa kaya naman inaya ko na lamang siya na pumunta rito sa bahay namin at dito na lamang kami mag-usap.

"K-kasalanan ko pa ba? S-siya k-kaya ang n-nawawalan ng o-oras sa'kin... " sabi niya pa at muling mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

Nakasandal kaming dalawa sa headboard ng kama ko. Ang ulo niya'y nakadantay sa aking braso habang hawak niya ang kaliwang kamay ko.

"S-sinusuportahan k-ko n-naman siya e... " Patuloy lang siya sa pagsasalita at patuloy lang din ako sa pananahimik. Mas pinipili kong 'wag ng mag-usap pa. Alam kong ramdam naman niya ang presensya ko kahit pa hindi ako magsalita.

"Shishi...

"Hmm? "

"M-mahirap ba k-kong m-mahalin? " Nagulat ako sa tanong niya. Gano'n na ba ang epekto ng hiwalayan nila ni Mica? Halos bumaba na ang tingin niya sa kanyang sarili. And I can't help but to cry, naaawa na ko sa kanya. Oo wala na sila ni Mica. Oo nga't nasisiyahan ako na wala na silang dalawa. Pero ang sakit din pala? Ang sakit dahil nakikita ko siyang umiyak, nakikita ko siyang nasasaktan, nakikita ko kung paanong bumaba ang tingin niya sa sarili.

"Hindi. Mabait ka. Maalaga ka rin naman lalo na kila Tita at Carly. At isa pa napakasaya mo kayang kasama! Kaya nga marami rin ang nagkakagusto sa'yo dati 'di ba? Dahil madali kang mahalin, ang sarap mong mahalin. " Ngumiti lang ako sa kanya matapos sabihin ang mga 'yon. Ngunit ang nakakagulat ay ang bigla niyang pagyakap sa'kin ng mahigpit. Umiyak siya sa mga balikat ko habang paulit-ulit na sinasabi ang mga salitang 'salamat'.

Magaang tinapik ko ang kanyang likod. Mahina na rin akong napaiyak dahil sa ginagawa niya. Habang yakap ko kasi siya ay parang ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Parang nakakonekta na rin sa'kin ang puso niya-- ang nararamdaman ng puso niya.

Hapon na rin nang matapos ang pag-uusap namin. Tumigil na rin siya-- kami sa pag-iyak.

"Magiging okay ka rin. " Sabi ko pa sa kanya at muling hinawakan ang kanyang mga kamay.

"Sana nga, " hinila niya ako palapit sa kanya at muling niyakap ng mahigpit.

Bumaba na kami papunta sa maliit naming kusina at nakitang naihahanda na ni Nanay ang mga pagkain. Tumulong naman ako pati na rin si Carlos sa pag-aayos at matapos no'n ay naupo na kami at nagsimulang kumain.

"Tita salamat po, " biglang sabi ni Carlos kaya naman napatitig ako sa kanya.

"Para saan? " nalilitong sabi naman ni Nanay.

"Kasi kung wala kayo wala ring Shishi na magiging kaibigan ko, walang Shishi na magtitiyaga sa akin at walang Shishi na mag-aalaga sa akin. " Napangiti ako dahil sa tinuran niya.

'Beacause I love you Carlos that's why. Ginagawa ko ang lahat ng 'yan dahil mahal kita.'

"That's because I am your friend, we are best of friends right? " nakangiting tanong ko sa kanya.

"Yeah you're right. " Matapos no'n ay ngumiti din siya sa'kin.

"Tita kapag maayos na ko. If after five years wala na kong mahanap pang iba, if wala na kong mamahalin pa, pwede bang si Shishi na lang? " Lumakas bigla ang kabog ng dibdib ko. Napatigil ako sa pagkain dahil sa mga sinabi niya.

Ibigsabihin ba ay maaaring maging kami? Pwedeng maging kami? Tama ba? Maaaring mahalin niya rin ako?

"Sige ba, papayag ako kung makalipas ang limang taon na sinasabi mo ay mahal mo na ang anak ko. Pero kung sa limang taon na 'yon ay hindi mo naman siya mahal, na wala ka namang nararamdaman na pagmamahal sa kanya pasensya na pero hindi ako papayag. "

Napatingin ako kay Nanay. Gusto kong maiyak sa sinabi niya. Ewan nga e! Parang tanga lang! Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak!

"Sige po Tita! O Shishi narinig mo 'yon ha? Kapag wala na kong nakilala o minahal pang babae after five years ikaw na lang! Papayag ka kaya? " tanong niya na agad ko namang tinanguan.

"Masyado kang halata anak... " rinig kong sabi ni Nanay kaya naman napayuko ako. Nakakahiya! Baka mamaya isipin ni Carlos na gustong-gusto ko na maging kami! Teka gusto ko naman kasi talaga!

Matapos no'n ay nagpaalam na rin si Carlos na uuwi na siya sa kanila. Pero bago pa man siya umalis ay may naitanong muna ako sa kanya.

"Sigurado ka ba? "

"Saan? " kita kong naguluhan siya sa tanong ko.

"Sa sinabi mo kanina, na...ako na lang ang pipiliin mo kapag wala k-ka ng n-nahanap na i-iba... " nauutal ko pang sabi sa kanya. Nahihiya at natatakot din kasi ako. What if nabigla lang siya kanina? What if hindi niya naman talaga gustong sabihin 'yon? What if after five years hindi naman niya tuparin ang sinabi niya?

What if makahanap siya?

"Oo, sigurado ako Shishi. Matagal na tayong magkaibigan. Lagi kang nand'yan kapag kailangan kita. Ikaw 'yong taong hindi ako iniwan kailanman. Kaya alam ko, balang araw, mamahalin kita, mamahalin din kita. "

Napaiyak na ko nang tuluyan sa sinabi niya. Umiiyak ako kasi ang sarap pala sa pakiramdam na maari niya kong mahalin? Pero nakakalungkot din, kasi parang mahalin man niya ko, pilit naman ang pagmamahal na 'yon.

'Ang mahalaga mamahalin ka niya! '

Yumakap si Carlos sa akin. Humiwalay siya saglit upang punasan ang mga luha ko at muling yumakap sa akin.

"I can't promise to love you now, but I will try, I will...try."

Lalo akong napaiyak sa sinabi niya. Sa halip na maging masaya ay lalong nadurog ang puso ko. Ang sakit kasi. Ang sakit sakit lang. Parang ayoko na tuloy na mahalin niya ko. Baka kasi kapag minahal niya ko madali na lang din mawala ang pagmamahal na 'yon.

Hindi na ko nagsalita pa. Umalis na rin ako sa yakap niya. Ako na rin ang mag-isang pumunas ng luha ko.

'Okay naman na 'yon 'di ba? Atleast mamahalin niya ko? Ang mahalaga mamahalin niya ko! Ita-try niya na mahalin ako! '

Ngumiti ako sa kanya. Matapos din no'n ay umalis na siya at sa pag-alis niya ay ang muli kong pag-iyak.

'Okay nga lang sabi e! Sinabi ng ayos lang naman kung pilit ang pagmamahal na ibibigay niya! '

Naramdaman ko ang pagyakap ni Nanay sa akin. "'Wag ka ng umiyak 'nak, nasasaktan ang Nanay e. "

Mahigpit ko lang din siyang niyakap. Umiyak lang ako nang umiyak sa bisig niya. Parang batang kinuhanan ng laruan ang peg ko habang nagdadrama kami ni Nanay.

Masuwerte pa rin ako. Nand'yan kasi si Nanay.

---

Friend of Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon