Chapter 3
College. Sabi nila sobrang kaibahan ng college sa highschool. Dito kelangan mo na talagang magseryoso sa pag aaral. Madami ang nagsasabi na masaya na mahirap ang college. Masaya dahil may freedom , mahirap dahil sa dami ng pinagaaralan at sa dami ng ginagawa. Hindi na kasi simpleng math , English , science pinagaaralan dito. Kung hindi ang iyong magiging future. Pinagaaralan mo dito ang iyong magiging trabaho at kinabukasan.
Syempre hindi din mawawala dito ang pagkakaroon ng bagon kaibigan. Back to zero ka dito. Papasok ka sa isang kwarto na walang kakilala. Mga taong ngayon mo lang nakita at makakasama.
Kaya eto ako ngayon kabadong kabado sa first day ng aking college life. Sana naman wag akong maligaw sa loob ng campus. Bakit kasi mag ka iba kami ng piniling course ng bestfriend ko -______- ayan tuloy ang loner ko.
Lumabas na ako ng room para maligo. Nakita ko sila Jenny at Angela na nanonood ng tv.
“good morning” bati ko sa kanilang dalawa.
“good morning din. Nagluto si Jenny ng breakfast kaya tiniran ka naming. Andyan lang sa mesa.” Sabi sakin ni Angela.
“Baka kasi mauna na kaming umalis sayo dahil 8am ang start ng klase naming” dagdag pa ni Jenny.
“Ganun ba? Sige , thanks nga pala sa breakfast and ingat!”
“Ay oo nga pala Ellie , goodluck! Kaya mo yan” Sabay nilang sinabi.
Nang matapos akong maligo nakaalis na sila Jenny at Angela. Mamayang 10 am pa kasi klase ko. Eh 9am palang tapos 5-10 mins lang na jeep. Nagbihis na ako at nagayos ng sarili. Habang nagbbreakfast ako may narinig akong kumatok sa pintuan. Tumayo ako para buksan ang pintuan.
“Uy goodmorning Ellie” si Jeric pala. Di talaga ako makaget over sa tangkad ng lalaking to. Lagi akong nakatingala pag kausap ko.
“Good morning din. May kaylangan ka ba?”
“Tatanong ko lang kung anjan pa sila Jenny? Para sabay na kami sa pag pasok.” Sagot niya sakin. Hmm ano kayang meron dito at kay Jenny? Chos! Ang chismosa ko talaga hahaha.
“Ay kanina pa sila nakaalis eh. 8am daw kasi klase nila.”
“Ah ganun ba? Eh ikaw anong oras klase mo?” Tanong niya sakin.
“10 am yung first class ko.”
“Uy pareho pala tayo. Gusto mo sabay kana sakin? Para di ka na magcommute.” Alok niya sakin. Uy naka kotse si kuya! Hahaha. Pero ang lapit lang kaya ng dorm sa school. Pero malayo kung lalakarin. Hmmm sige na nga ! Hahaha
“Okay lang ba? Sige kunin ko lang gamit ko.” Charot hahaha. Tinanong ko pa kung okay pero payag din naman ako hahaha.
“Okay lang naman. Sige hintayin na kita dito.” Sagot ni Jeric
Hinatid ako ni Jeric sa school mga 15 mins din yun may traffic eh hahaha. Mukhang mabait naman siya. Cute pa! Uy bayan ang pbb teens ko :P Pero totoo naman. Sinabihan niya din ako ng goodluck bago ibaba sa tapat ng building ko.
Eton a talga yun. College na ako. Walang joke to.
College = Real life.
***