Chapter 5
“Ha? Ah same kasi kami ng dorm ni Jeric eh.” Sagot ko kay Bea. Nag wave lang ako kay Jeric tapos nag jogging ulit. Magaling pala magbasketball tong si Jeric.
After ng jogging nag warm up kami tapos yun nag fitness test na kami. Mga 2 hours din kaming ganun. Nung na dismissed na kami ng prof di pa din tapos magpractice sila Jeric. Inayos ko na yung gamit ko , bigla akong nilapitan nila Bea.
“Uy close ba kayo ni Jeric? Crush namin ni Rica yun eh. :”> “ Sabi sakin ni Bea.
“Sakto lang. Pano nyo nakilala si Jeric?” tanong ko sa kanilang dalawa ni Rica. Curious ako eh :D
“Ano ka ba Ellie. Sikat kaya yan sa St. James. Magaling kasing magbasketball tapos pogi pa. Mabait din daw yan tsaka matalino.” Kilig na kilig na sagot ni Bea. Uy wow ah sikat pala tong Jeric na to. In fairness hindi halata pag na sa dorm.
Ayun may two hours break kami. Gusto ko magshower. Saan kaya dito yun?
“Ellie , ano san tayo?” tanong sakin ni Hazel.
“Teka gusto ko magshower. Kayo ? “ tanong ko sa kanila. Para di na nila ako hintayin kung ayaw nila magshower.
“Ay sige shower din ako. Saan ba meron?” tanong sakin ni Hazel. Ba , malay ko-__-
“Di ko nga alam eh …. Ay! Teka tanong ko kay Jeric.” Sagot ko kay Hazel tapos pinuntahan ko si Jeric na nakaupo sa bench.
“Uy!” Bati sakin ni Jeric tapos nakipaghigh five sakin.
“May tatanong ako.” Sabi ko sa kanya , buti nalang nakaupo tong lalaki na to, kundi nakatingala ako ng bongga.
“Ano naman yun?”
“San shower room dito?”
“shower room?! HAHAHAHAHHAHAHAHA.” Oi teka bakit tumatawa to ng malakas. Wala naman nakakatawa sa sinabi ko ah? Teka baka naman meron? Nagtanong lang naman ako ah?
“Bakit ka tumatawa?! “ Tapos tinapik ko siya sa balikat. Na curious talaga ako.
“Kasi napaka serious mo tapos shower room lang pala tatanong mo. Kala ko something important” Sagot sakin ni Jeric habang napapangiti.
Ah yun pala yun . Natawa na siya dun?
“Babaw neto. Saan nga kasiiiiiiiiiiii ?” tanong ko ulit sa kanya.
“Pag labas mo ng gym sa right mo may makikita kang door , yun shower room yun. Teka kakain ba kayo?” tanong niya sakin. Tumayo na siya kaya eto ako tingala ng bongga.
“Oo. Tapos baka umuwi na din. Bakit?” tanong ko sa kanya.
“Sabay nalang ako sa inyo. Okay lang ba?”
“Teka tanong ko sa mga friends ko. Kung ako lang okay lang” Nilapitan ko yung mga friends ko tapos tinanong ko kung okay lang na sumabay samin si Jeric. Ayun pumayag naman sila. Sinabi ko yun kay Jeric tapos nagpunta na kami ng shower room. Magsshower dn ata siya pero syempre sa ibang room.
***
Thanks dun sa mga nagbabasa kahit konti kayo hahaha :)
