Curiosity of an Innocent Mind

16.9K 111 0
                                    

"Kuya ano po ba yong sex?"

Curios si Lily na napatanong sa kapatid ng kaibigan ng ate nya.

Si Lily ay 13 years old at kahit kailan hindi nakaranas mag aral sa isang eskwelahan.

Mahirap lang ang pamilya ni Lily. 5 silang magkakapatid at sya ang ikalawa. Babae ang panganay nila na sa edad na kinse ay nabuntis na hindi alam kung sino ang ama. Ang sumunod kay Lily ay isang apat na taong gulang na lalake. Ang sumunod ay kambal na pawang mga sanggol pa lamang.

Nagkaroon ng kaibigan ang ate nya dahil nakapag aral ito dahil sa scholarship kaya lang natigil dahil sa pagbubuntis.

Desisais anyos ang kaibigan ng ate nya at may kapatid itong kinse anyos at yun nga ay si Jayron.

Sumasama si Jayron sa ate nya dahil hindi pumapayag ang mga magulang nito na umaalis na hindi magkasama ang dalawa.

Palaging dumadalaw ang magkapatid dahil sa baby ng ate nya. Gustong gusto ng ate ni Jayron ng baby kaya napalapit ito sa ate nya.

Samantalang si Jayron naman ang palaging kinukulit ni Lily dahil wala syang ibang makausap dahil maliliit pa ang mga kapatid nya.

Mabait si Jayron sa kanya at palagi sya nitong binibigyan ng candy at kung anu ano pa. Halos lahat ng tanong nya may sagot si Jayron kaya ito palagi ang kausap nya.

Natigilan si Jayron sa tanong ni Lily.

"Aah, ge-gender yun." Muntik nang di makapag isip ng tama sa Jayron.

"Ano ang Gender?" Tila ba napakainosente ni Lily. Kung ordinaryong bata si Lily malamang alam dapat nito ang mga salitang yun.

"Kasarian yun. Kung babae ka o lalake." Hindi nya alam kung san nito napulot ang salitang yun.

"Kasi sabi ng ate mo kung masarap ba makipag sex? Parang may mali eh. Parang, masarap ba magbabae? Hmmm, ay basta. Pano malalaman kung masarap ang sex?"

Biglang pinagpawisan ng malapot si Jayron. Makakatikim ng sermon ang ate nya pag kauwi nila.

"Kalimutan mo na yun. Di ka dapat nakikinig sa usapan ng iba Lily. Masama yun."

"Napadaan lang ako tapos yung lang narinig ko. Masarap ba yun?"

Pinandilatan ni Jayron si Lily. Takang taka si Lily sa reakyon ni Jayron.

"Lily, wag na wag mong itatanong yan sa ibang tao ha? Naiintindihan mo ba?"

Hinawakan nya ang dalawang kamay nito at pinisil?

"Bakit po? Gusto ko po ipaalam na may bago akong natutunan."

Biglang binundol ng kaba sa Jay.

Alam nya ang likaw ng bituka sa lugar nila Lily. Lahat pinapatos ng mga ito kaya nga madaming kabataan ang nabubuntis sa lugar na iyon na hindi alam kung sino ang ama.

Ayaw nyang mapahamak si Lily.

Alam nyang maganda si Lily, inosente pero matalino. Alam nya kung paano titigan ng mga tambay si Lily. Kinakabahan sya para sa batang kaibigan nya.

Bigla nya itong niyakap.

"Ipangako mo Lily. Wag mong itatanong yan sa iba."

Nagtatakang napatingin si Lily sa kanya.

"Jay, uwi na tayo. Nagloloko tyan ko. Kaw na magdrive." Itinapon nito ang susi nang motor sa kanya.

Binitawan nya si Lily at hinalikan sa noo.

"Mag-iingat ka Lily."

Ngumiti sa kanya ang bata at kumaway.

Curiosity of an Innocent MindWhere stories live. Discover now