Eavesdropping
Waves were dancing and shouting amazingly. Trees were swinging slowly. The white sands, clear water, fishes, coral reefs and other marine life, they were all beautiful. This was a beautiful paradise. A beautiful gift from above, not my first time na marating ito pero sa tuwing binibisita ko itong namamangha parin ako. Bago marating ang isla na to aakyat muna ng burol na di naman kataasan. Hindi lang nag-iisa ang beach na ito may mga kabitbahay itong isla na maaari lamang lakarin sapagkat rock formations lang harang. Sa kabilang dulo may isa pang malapad na beach dinadayo ng mga tao dahil maraming cottages and inns na maaaring dausan ng mga events at celebrations. Ang Tayandak hindi kasi nagagalaw wala itong bakas ng cottages, maaari kang magdala ng tents para masilungan gaya ng ginawa namin. Di naman masyadong mainit sapagkat masagana sa mga puno.
The squad decided to go here to relieve stress. Stress from school such as practices, practicums, projects, papers works, and many more.
Tumunog ang cellphone ko at dinampot agad upang sagutin.
" Hello, Daddy kung pipilitin mo na naman ako please, I won't buy it, Da. It will never work." bungad ko agad
" Anak, It's better na lumipat ka na dito."
"Da, I can't. We have a deal na pag tumungtong ako ng Senior High saka ako lilipat sayo" may usapan kami nila Mama at Daddy para magkaroon ng panahon para bumawi.
Mahirap kapag komplekado ang pamilya. Mahirap timbangin. May dalawang taon pa ako para manatili dito at gustong kung bawiin ang mga binitiwang salita kay Daddy ayoko ko nang umalis dito.
Kahapon, paulit ulit na tumatawag ang mga Kuya ko na lumipat na. Hindi ko pa kaya. Nasabi ko na ang lahat ng rason sa kanila.
"Ang ikli talaga...tssk" pukaw sa akin ni Gabb mula sa pag-iisip.
" Nasisilaw ka ba? Pagbabawalan mo akong magsuot ng maiiksi? " sabi ko habang ngumingiti. Hindi ko alam anong nangyari but I am starting to like him.
" Liv, you should stop going to our department, seniors are talking about you" sumeryoso siya bigla
" What's the matter I just wanted to see you" tugon ko sa kaniya.
" It matters Liv, dapat ako yung pupunta sayo" dagdag ni Gabb. Anong masama roon? Dahil ako yung babae hindi na pwede?
" I get it, you don't want to see me going to your department because you're afraid I might find something," I said to him seriously and I almost lost my voice.
" It's not like that, my batchmates say bad things about you," he said and I clearly saw concern in his eyes.
"I don't care what they say about me, Gabb. If you are really bothered. Fine!" matigas na tugon ko. Pagkatapos kung sabihin tumalikod na ako at lumapit sa tent para kumain.
Simula nung nag-usap kami sa flower garden nila Rojan nakumpirma ko ngang gusto ko siya. Lumala dahil parati pa kaming magkasama. Napapadalas na rin ang pagbisita ko sa senior high department. Kung alam mo lang kung gaano kita kagusto, mahigit pa sa inaakala mo. Hindi ko naman inaakala na makakaramdam ako ng ganito. Ang sabi ko sa sarili hindi ako tutulad sa mga kaklase at ibang babae na nahuhumaling sa kanya pero heto ako ngayon miyembro na nila.
Tirik na tirik ang araw pero binaliwala namin iyon. Hinintay namin ang sunset bago umuwi. At kumuha ng mga litrato. They said why we should take pictures abala lang yan sa moment. Yung panahon na ginamit sa pagkuha ng pictures pwede nating gamitin yun to savor the moment. In my opinion it's okay naman na kumuha ng mga litrato dahil alaala iyon. Alala na maaari mong balikan kahit nasa litrato na lang.
Sigawan. Hiyawan. Palakpakan. Ang nangyayari sa loob ng gymn. Ang alam ko may basketball ngayon kaya maingay. Madali kong natukoy si Gabb dahil sa suot nitong jersey at nakaukit ang kanyang pangalan. Why was he playing?
" What are you doing, Gabb?" tanong ko.
" Kulang ang team kaya I joined " sabay abot ng bottled water sa akin. I saw Mau kaya lumapit ako.
" Gabb, pasok ka na " sigaw ni Rojan at panay punas ng pawis niya. What do these two doing? Alam ko na marunong silang basketball pero nag-aalala ako baka mabalian sila o ano man diyan.
"Mau, you should have stopped them" now I'm arguing with Mau. Halos hindi ko na marinig ang tunog ng puso ko. The crowd cheered loudly. Someone pushed Gabb at napatayo ako bigla hinila naman ako ni Mau.
"Ano bang nangyayari sayo? Umupo ka!" tanong at utos ni Mau. Hindi na ako nagsalita pa ulit.
Halftime na at nilapitan ko si Gabb at Rojan. Binigay ko muna iyong tubig.
"What are you two doing, huh?" I said to them seriously. Ngumisi ang ang dalawang nilalang sa harapan ko.
"We're having fun, Liv" si Rojan
"Paano kung may matamo kayong injury diyan" medyo napalakas ang boses ko. Member sila ng swimming paano kung mabalian sila o kung ano man. Naiintindihan ko naman na cross-training is important part of any training plan, especially for swimmers. Basta hindi ko gusto ang ideya nila, minarapat ko na lang na umalis.
Bumalik ako ulit ng gymnasium, tapos na ang laro at kaunti nalang ang naroroon. My heart was pounding hard. Pakiramdam ko may mangyayari. Help me. Gabb was checking his phone. Then he suddenly left the gymnasium. Sinundan ko siya. Pumasok siya sa pool area. I'm really curious kaya sinundan ko.
Nakita ko si Sianna nang makita niya si Gabb agaran niyang isinukbit ang kanyang kamay sa braso ni Gabb. Ibang iba na ang panahon mas agresibo na ang kababaihan. Pumasok sila sa may madilim na parte. Forgive me for stalking and eavesdropping.
" Gabb, layuan mo na yang mga kaibigan mo" pakiusap ng dalaga.
" What? Naririnig mo ba ang sarili mo" asik ni Gabb sa dalaga.
" She likes you. Nararamdaman ko" sabi ng dalaga. Kinutuban ako sa sinabi niya, wala akong pinagsabihan sa nararamdaman ko.
Alam kong masama ang ginagawa ko pero pinagpatuloy ko pa rin. Buong akala ko mabait siya. Isa pala siyang plastik. Ito ba ang rason kung hindi niya gusto ang pagpunta ko sa department nila? Kaya tuwing umaga naghihintay siya sa entrance ng school kasi he was waiting for her. I thought it was me. Bakit hindi ko na proseso iyon kaagad. Nagtago ako sa gilid upang hindi nila makita. Nilisan ni Gabb ang pool at nakabuntot si Siana. Hulog na hulog na ako ngayon, tapos ganito lang. But I know, no one will save me from falling. I can fight this emotion. Masyado pa akong bata para dito.
Kumaripas ako ng takbo papunta sa labas ng school. Nakita ko si Mama naghihintay sa akin. Sorry, Ma, for keeping my dirty little secret. I just can't. I'm not yet ready to share it. Hinawakan ko ang braso ni Mama at pinapakiramdaman ang sariling tunog ng aking puso.
Naramdaman kong tumawa si Mama at ginulo ang buhok ko. " Bakit amoy pawis ka, anak?" hindi ako nakadala ng extra t-shirt kahit alam ko na intramurals.
Nasabi ko kay Mama ang mga nangyari sa akin sa araw na ito. Maliban sa parteng halos mahati ang puso ko kanina. Hindi ko kayang sabihin ang tungkol sa nararamdaman ko kay Gabb.
Natahimik ako at nag-iisip. Nakakapit pa rin kay Mama. Napapitlag ako sa aking pagkakaupo nang tumunog ang cellphone ko.
Kinuha iyon ni Mama at binigay sa akin " Si Mau tumatawag. Sagutin mo na"
" Nasaan ka? " she asked. I know she's worried kasi di ako nagpaalam.
" Pauwi na ako, I'm with Mama"
" Okay. Ingat " Iyon lang ang huling sinabi niya at pinutol ang tawag.
Minsan lang ako sumabay sa pag uwi sa mga kaibigan ko. Sinusundo ako ni Mama palagi. Right now hindi ko alam ang nararamdaman ko. Sasabihin ko ba? Aamin na ba ako? No. Hindi ko pa kaya. I have to keep it as a secret. Wala akong pagsasabihan. I need help. I really need help. Anong tulong ba ang kailangan ko?