Henri POV
"H-Henri?" muntanga naman to si Alex hahaha
"Hoy Alex, Pogi natin ngayon ah" nag blush naman ang mokong hahah binibiro ko lang eh.
"Matagal na akong pogi no" yabang talaga, magkapatid talaga sila ni Van.
"Edi ikaw na pogi, lakas mo eh"
"Kasama mo si Van papunta dito ?"
"Oo, napansin mo ba sya ?" oo nga no, kanina pa wala yung lalaking yun mabigat ba kumuha ng tubig jusko po sa Italy pa ata kumuha ng tubig yun eh.
"Hindi eh, hinahanap ko nga din sya pinapatawag kasi sya sakin ni Mommy. Malapit na kasi mag umpisa yung party"
"Ganun ba, samahan na kita hanapin sya. Ang paalam nya kasi sakin kukuha lang sya ng maiinom namin eh. Sa sobrang laki ng bahay nyo baka nawala na yun hahahah"
"Baliw, dito na lumaki yun kaya imposibleng maligaw dito yun haha adik ka ata Henri eh haha. Tara na nga baka nandun lang yun sa buffet at nag simula ng kumain" tumayo na ako para sumama kay Alex, napapitlag pa ako nung alalayan nya ako sa siko.
Habang nag iikot ikot kami ni Alex hindi ko maiwasang magbalik tanaw sa aking nakaraan kung saan masaya at kumpleto pa ang aking pamilya.
Flashback ..
"Daddy where are we going?" tanong ko kay daddy habang nag ddrive sya. Nasa tabi naman nya si mommy na kasalukuyang may kausap sa cellphone nya.
"Were going to visit your grandma so behave baby okay ? You know naman na sobrang strikto ng grandma mo" si daddy talaga, kahit naman masungit yun si lola love na love pa din naman ako nun.
"alright daddy but promise me that were going to Europe this coming summer" I said with a wide grin on my face.
"Your wish is my command princess" napatalon talon pa ako sa backseat dahil pumayag si daddy haha. I've never been excited like this before.
30 minutes ang tinagal ng byahe bago kami nakarating sa subdivision ni lola. Its quite big than to our house. I dont know how lola live in this big place. Lola is a career woman before, but when my grandpa died grandma can't accept it. Because of that incident lola is always had a pale look and weak body.
"Grandmaaaa!" sigaw ko habang tumatakbo papunta kay lola. Nakaabang naman sakin si lola with matching open arms pa. Nung tuluyang nagkalapit na kami ni lola ay mahigpit nya akong niyakap. Kung titignan mo si lola ay mahahalata mo agad ang striktong awra nya pero kapag tinitigan mo itong mabuti mababakas sa mga ngiti at mata nito ang lungkot at pighati simula nung mamatay si grandpa.
"Oh my dalaga na ang apo" sabi ni lola.
"Grandma naman, 10 years old palang po ako kaya hindi pa ako dalaga. Kapag 18 na ako lola dun lang ako magiging dalaga" biro ko kay lola
"alright baby" sabi ni lola sabay kiss sa cheeks ko.
"Hello ma" bati ni daddy kay lola. It's been 6 months bago kami ulit nakabisita kay lola, masyado kasing busy si mom and dad sa business nila kaya hindi namin gano nadadalaw si lola.
"Oh there you are my son, sana naman dalasan ninyong pumasyal dito ni Sylvia" rinig kong sabi ni lola kay dad.
"Lola, mom and dad" tawag ko sa kanila
"What is it baby?" dad ask me with a questioning look.
"May I rest? Masyado po akong napagod sa byahe eh."
"Go ahead Hija, magpahinga kana sa guestroom ipapagising na lang kita kay manang kapag ready na ang dinner"
"Thanks grandma" sabi ko at nagkiss sa cheeks ni lola, naglakad na ako palayo sa knila upang mas makapag usap sila ng maayos.
present ..
"Henri"
"H-huh?" ano daw sabi nya.
"Kanina kapa tulala dyan naggwapuhan kaba sakin?" aba't ang lakas talaga ng hangin nitong Alex na to oh.
"In your dreams alex, wag ka ngang ano dyan kadiri ka" sabi ko at nagkunwaring nasusuka hahahah
"aba, sa lahat ng panget ikaw pa ang choosy ha" leche talga tong alex nato.
"ano na ba? wala pa rin ba si Van? Nako kapag nakita ko talaga yun kukurutin ko sa singit yun" natawa nman ang mokong sa gilid ko haysss ang hirap naman ng ganito kahit seryoso ka tatawanan ka lang nila tsk.
"Good Evening Everyone, We are all gathered here to have a welcoming party for our dearest Madamme Lorraine and her daughter Lynette"
At biglang lumabas ang isang medyo matanda ngunit sopistikadang babae at isang wait ! Dyosa ba sya o artista shet na malagket napaka ganda naman nya. Lodi kana sya from now on. Pero sila ba yung mama and ate nila Van at Alex? Now hindi na ako magtataka kung bakit ang gwapo din nilang dalawa haha
"Henri?" Shit familiar sakin yung boses na yun ah.
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
Teen FictionSi Henri ay galing sa kilala at maimpluwensyang pamilya, ngunit nagbago ang lahat sa hindi inaasahang pangyayari. Nang dahil doon ay nagpasya si Henri na baguhin ang kanyang sarili.