19. Last Day

30 0 0
                                    

Alex pov

Maaga akong nagising at nag unat unat. Nakita ko si mary na katabi ko na naka dapa matulog

Sa kaliwang bahagi naman ay si gigi at si cholo na nagmamantika matulog..

Sa kanan ko ay sila rush at aimy, sa pinaka huling kama naman ay si steph. Teka? Diba sila ang katabi ni ken? Bakit siya lang mag isa? Asan na kaya yung isa.

Kinapkap ko yung kama namin ni mary at hinanap yung cellphone ko, pagtingin ko rito ay 4:30 palang ng umaga kaya naman napag pasyahan ko na mamasyal muna.

Sinuot ko naman yung jacket ko dahil malamig sa labas

Nagpalibot libot ako ng nakita ko yung grupo ng mga lalake sa mini bar ng function hall na nag iinuman

Mabilis akong dumaan rito pero....

"Uyy miss ang lamig ng umaga pero pinapainit mo" sabi nung isa na mukhang lasing na lasing na .

"Pa shoot naman miss oh" tunginuuuh. Ang bastos niya ah. Baka gusto niyang ma upakan

Pero dahil andito kami para mag refresh hinayaan ko nalang sila, aalis na sana ako ng may humawak sa braso ko.

"Hi" naka ngiti niyang sabi. Puta nandidiri ako ang sarap niyang upakan

Hahawakan niya na sana yung mukha ko ng...

"Touch her or else" sabi nung lalake sa likuran niya

"Or else ano pare ha?"pag aangas nitong lalakeng to.

"Well. First of all don't  call me pare, we're  not even friends. Second. Touch her or else ako mismong babasag sa pagmumukha mo" cold niyang sabi habang nakalagay ang dalawa niyang kamay sa kanyang hoodie

Binitawan niya ako ng akmang susuntukin si ken pero..

"Is that how cheap you are?" Naiiritang tanong niya

"Go punch me but after you do that Ako naman ang tatapos sa buhay mo" halatang naiinis na siya

"One..." sabi niya at nakita kong nanginginig na sa takot yung lalake

"Two..." di pa siya nakakatatlo ng sa isang iglap lang ay tumakbo na ng mabilis ang lalake

Lumapit siya sakin....

"Bat ka ba nag short?" Sabi niya na halatang naiirita .

"Naka short ka rin naman ah?" Sabi ko

"Sa tingin mo nag bibiro ako?" Napaka maldito talaga

"Sabi ko nga eh hindi" sabi ko

"Tsk" sabi niya

Lumakad siya ng mabilis at ako naman ay tumakbo

"Woaaah" napa nga nga ako sa sobrang ganda ng lugar.

"Maganda ba?" Tanong niya

"Oo ang ganda sobra"

Nag smirk lang siya.

Potchi?

Sumakit yung ulo ko kaya nakita kong tumingin sakin si ken at nag aalala

"Uyy okay ka lang?" Nag aalala niyang tanong habang inaalalayan akong umupo sa bench

Maypagka goodboy rin pala to.

"Uyy potchi" kinuha ko yung balot ng  potchi na may laman pa sa loob.

"Wag mo sabihing kakainin mo yan ah" sabi niya na halatang nandidiri

"Ang ex di na dapat binabalikan"  seryosong sabi nito

"Connection?"

"Parang old logic saying  na ang kending natapon di na dapat pinupulot kasi marumi na"  dugtong nito.

My First Love❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon